Chapter 18
Weeks passed by smoothly. It was fine and going according to plan. And for the past few weeks I think, masasabi kong naayos na namin ang lahat ni Calix, as in everything. Pagdating naman sa parents naming dalawa, they already knew about our upcoming wedding.
Nakakadismaya lang din na sa iba pa nila nalaman imbes na sa amin. The news about our rumored engagement was all over the news for the past weeks. Hindi na ako magtataka roon, I mean Calix is one of the most popular bachelor in town, isa siya sa hinihintay ng mga tao na magpakasal, and now that it's finally happening, they can't stay silent.
I sighed as I enter our house, kagat-labi akong umiiling-iling habang naglalakad papunta sa kusina. Mula pa lamang sa may pintuan ay naririnig ko na ang malakas na boses ng aking ina. She's talking to someone at base sa tono ng kanyang pananalita ay masasabi kong yamot ito.
Hindi muna ako nagpakita sa kanya, nagtago ako sa isang gilid at sinilip ang kanyang ginagawa. She was talking to someone over the phone. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng kanyang mukha. For sure, nakakunot na naman ang kanyang noo, salubong ang mga kilay. Ganoon na ganoon siya kapag nayayamot.
Napangisi ako nang maalala ang mukha ni Mommy sa t'wing may nalalaman siyang ginawa ko, yamot na yamot siya roon, kulang na nga lang ay paluin niya ako, pero syempre kahit gaano pa katigas ang ulo ko ay hindi niya ako kailanman sinaktan. Her way of disciplining me is through words, talk or whatever you call it.
Nabalik ako sa realidad nang biglang magtama ang mata namin ni Mommy. Ang pagkakakunot ng kanyang noo at pagsasalubong ng dalawang kilay ay awtomatikong nawala. Nginitian niya ako at maya maya'y ibinaba na rin ang tawag.
Lumapit ako sa kanya at yumakap. "Who are you talking to?" tanong ko.
Umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. "That's nothing anak."
Pinanliitan ko siya ng mata. "Nothing? E, bakit yamot na yamot ka Mom?"
"About business lang iyon, huwag mo ng isipin pa," aniya at pumunta sa harap ng ref, maya maya lang ay may hawak hawak na siyang box ng cake.
Pinagmasdan ko lang siyang dalhin 'yon at ilagay sa ibabaw ng dining table. Nang mapansin ang pagtitig ko ay tinaasan niya ako ng isang kilay.
"What are you looking at?" masungit nitong tanong.
Grabe, ang bilis talaga mag-iba ng mood!
Umiling ako para sabihing wala.
"Katatapos lang ng duty mo?" tanong niya matapos ilapag ang platito na naglalaman ng isang slice ng cake sa harap ko. Sinenyasan niya akong maupo kaya naman sumunod ako.
Sumubo muna ako ng cake bago siya sinagot. "Yup, pero dito kaagad ako dumiretso."
Naupo si Mommy sa katapat kong upuan. "Bakit dito?"
Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. "What do you mean by that? Of course, dito ako uuwi kasi dito ang bahay ko."
"What I mean is bakit hindi mo muna pinuntahan si Calix?" paglilinaw niya.
Inabot ko 'yong baso sa tabi saka 'yon sinalinan ng tubig. Uminom muna ako bago ibinalik ang tingin kay Mommy. "He's busy Mom, ayokong guluhin siya."
Tumango tango siya sa isinagot ko. "Sabagay, pero kung pupuntahan mo siya-"
I cutted her off. 'Ayan na naman siya, nagsisimula ng maging makulit! "Mom, hindi ko siya pupuntahan kasi busy siya."
BINABASA MO ANG
Responsibility To Oath (Fixed Series #3)
RomanceFixed Series #3 (R-18) Carsen Landrix Fontanilla doesn't believe in love and relationships. But an unexpected thing happened, he had a one night stand with someone, a Doctor rather named Keshia Lopez. They both knew the rule of one night stand, but...