Chapter 1

17.7K 450 4
                                    

Chapter 1

Nang makalabas ako ng building na 'yon ay agad akong pumara ng taxi pauwi. Ilang minuto lang na byahe ay nakarating na ako sa aming bahay. Pagpasok ko, wala akong naabutan na tao sa living room kaya sinamantala ko na, dumiretso na ako sa kusina.

Woohhh gutom na gutom ako!

"Ma'am Keshia nandito na po pala kayo," anang maid naming si ate Luisa.

Natigilan ako sa pagkain, dahan-dahan ko siyang nilingon at alanganing nginitian."Ah hehe oo nga pero shhh ka lang okay?" tapos sinensyasan ko siyang 'wag mag-ingay.

Tumango siya at ngumiti. "Opo ma'am."

"Good, salamat, teka nandyan pa ba sina Mommy?" tanong ko nang maalala ang mga ito.

Umiling siya. "Alam ko po'y umalis na sila kanina pa."

Hmm mabuti naman kung ganoon, hindi ako macocorner!

Ngumiwi ako. "Hindi ba nila ako hinanap? Si Daddy ba hindi nagtaka kung bakit hindi ako umuwi kagabi?"

Napabuntong-hininga ako sa kung saan nang dahil sa sarili kong tanong, hindi naman yata ako hahanapin ni Daddy, 'di naman ata niya napapansin na wala ako eh.

"Hindi eh." Napakamot pa si ate Luisa sa kanyang ulo pagkatapos 'yong sabihin.

I knew it, hindi na dapat ako umasa.

"Buti nalang," sagot ko, tumango-tango habang panay pa rin ang kain, kasi knowing Mommy? Tatalakan ako ng tatalakan no'n, masyado siyang protective sa akin.

"Pero ma'am Keshia saan po ba talaga kayo galing?" pang-uusisa niya.

Sasabihin ko ba? hmmm sige na nga!

"Nagovernight lang ako kina Krizzy," kaswal kong sagot.

Tumango-tango pa ito. Ay nako sana maniwala talaga!

"Sabagay palagi naman kayong magkasama, pero bakit inumaga ka yata?" tanong na naman niya.

Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko sa tanong niyang 'yon, inumaga! Naalala ko na naman tuloy ang nangyari.

"Overnight nga Ate Luisa, 'wag ng maraming tanong," iritado ko pang sambit, daig pa kasi media kung magtanong jusko naman, ayaw ata akong patapusin kumain.

"Sige na nga po Ma'am maiwan na kita riyan," aniya at umalis na, nako talaga si ate Luisa, minsan may pagkachismosa!

Ilang minuto pa ang nagdaan ay natapos din ako sa aking kinakain. Nakadalawang ulit ako ng kanin! Gano'n ako kagutom! Nakakaloka! Buti nalang at may pagkain paguwi ko.

Nang makaalis sa kusina ay nagtungo na ako sa may hagdanan. Paakyat na sana ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"KESHIA SAMANTHA LOPEZ!" Sigaw ni Mommy.

Napapikit ako ng mariin bago tuluyang harapin ang aking ina. Paglingon ko ay naroon siya sa likuran ko. Magkakrus ang parehong braso at nakataas ang isang kilay. Yup, that's her usual self. Kinda mean and intimidating. Pero nasanay na rin ako, she's like that since then.

"Bakit po Mommy?" nakangisi kong tanong nang salubungin ang tingin niya.

Inalis niya ang pagkakakrus ng kanyang braso at ang pagkakataas ng isa niyang kilay. Lumapit siya sa akin. "Hindi mo naman sinabi sa akin na close pala kayo ni Calix," nakangiting aniya.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon