Epilogue

2K 35 0
                                    

Epilogue: Responsibility to Oath

"Calix..." 

Nakagat ko ang ibabang labi bago tuluyang abutan si Creed ng panibagong inumin. Pangatlong baso na niya iyon. Paano ba naman kasi, ayaw tumigil sa pagiyak at paginom, akala niya naman ay kapag ipinagpatuloy niya 'to ay babalik si Ella sa kanya.

"Ang sakit sakit na," dagdag niya.

Gusto kong kwestyunin ang kaibigan ko kung bakit bigla siyang naging ganito nang dahil sa isang babae. 'Cause knowing Creed? Kahit nasasaktan 'yan ay hindi niya hahayaang makita siya ng iba o miski ng malalapit na tao sa kanya na umiiyak. 

Oo alam kong minsan na rin niyang minahal si Lauri pero mukhang iba yata 'tong ngayon. Mas malala ito kumpara sa mga sakit na naramdaman niya dati. He looks miserable. Gusto ko siyang tanungin at pagsabihan pero wala naman akong karapatang gawin iyon dahil ni minsan ay hindi ko pa naman naramdaman 'yang love na 'yan.

Pero kailan nga kaya? Kailan ko mararanasan 'yon?

"Pasensya kana at wala akong masabi." Iyon nalang ang sinabi ko saka mabilis na tinungga iyong inumin ko. 

Nang mailapag ang baso ay sandali kong inilibot ang paningin sa kabuuan ng bar. Natigilan lang ako nang makita ang isang pamilyar na babae sa tabi ko. Nang magtama ang mata naming dalawa ay nagulat siya.

"Kesh we'll leave you here for the mean time, inom ka lang ha?" aniya sa kaibigan.

Napailing nalang ako sa aking narinig saka dinampot na muli ang isa pang baso na naglalaman ng tequila. Talaga bang siya pa ang naguudyok sa kaibigan niyang uminom? Grabe, akala ko pa naman dati ay mga kaibigan ni Krizzy ang bad influence sa kanya pero mukhang nagkamali ako roon, dahil kabaliktaran naman pala. Siya itong bad influence sa kanila, tsk.

"Bumalik din kayo agad," sagot naman no'ng babae.

Nakangiti siyang tinanguan ni Krizzy saka ako binalingan. "By the way Kesh, this is Calix, be friends with him."

Para akong nasamid sa iniinom ko matapos iyong marinig. Did she just called me Calix? Nasaan na ang salitang Kuya? Aish, damn this kiddo.

Nangunot pa ang noo no'ng babae pero maya maya'y nilingon din ako. Alanganin pa siyang ngumiti saka tumango. "Hi, I'm Keshia Lopez," pagpapakilala niya, nagawa pang maglahad ng kamay.

Sinulyapan ko muna si Krizzy bago ako nakipagkamay doon kay Keshia. "Calix," tipid kong sagot. 

Nang lumingon ako sa gawi ni Krizzy kanina kasama ang isa pa niyang kaibigan ay wala na sila roon. So that's it? Iiwan nila ang isa nilang kaibigan dito? Ano ba naman 'to? Balak ba nila akong gawing baby sitter ng dalawang tao? Hindi naman ako naupdate na ganito pala ang role ko ngayong araw.

Nang magsimulang uminom si Keshia ay tinignan ko siyang muli. Maganda siya, may kahabaan ang buhok at makinis ang balat. 

Bago pa man niya ako mahuli ay ibinaling ko na ulit kay Creed ang paningin ko. Minutes passed at nagulat nalang ako na magkakausap na kaming tatlo, si Creed, ako at iyong babae na kaibigan ng kapatid kong si Krizzy. Nako, isusumbong ko talaga 'yan kina Mommy and Daddy. 

Tama, may nakababata akong kapatid na babae. Krizzy ang pangalan niya. Hindi lang halata na may kapatid ako pero mayroon talaga. Ang akala ng marami ay nagiisa lang akong anak dahil ako ang palaging nakikita pero hindi, dalawa talaga kami. 

Creed left that night dahilan para maiwan kami noong kaibigan ng kapatid ko. Noong una'y nagkahiyaan pa kami pero nang tumagal ay naging komportable rin kami sa isa't isa. And the worse has come, we had a one night stand. Pero nakakagulat lang din na nakaramdam ako nang kung ano roon sa babae. 

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon