Chapter 9
"Gosh!" Nasapo ko ang sariling noo nang makabangon. Ginulo ko pa ang sariling buhok nang makita ang mga damit namin na nagkalat sa sahig!
Ito kasing si Calix e! Talagang tinotoo 'yong sinabi kagabi na gutom siya at kung pwedeng ako nalang ang kainin niya, syempre isang halik niya lang bumigay kaagad ako! Napaka naman kasi, kapag hindi nakapagpigil talagang kahit saan susunggaban ako.
And for the first time! We did it in his kitchen! Bwiset talaga ang lalaking 'yon. Ako ang ginawang hapunan!
Bahagya kong sinilip ang katawan ko sa ilalim ng kumot. Nag-init pa ang mukha ko nang makitang nakasuot na siya ng boxers samantalang ako ay wala ni isang suot!
Naalala ko ang pinaggagagawa namin kagabi, sariwang sariwa 'yon sa isip ko. Pakiramdam ko nga kahit hindi na namin ginagawa ay nararamdaman ko pa rin siya sa loob ko. Weird pero gano'n talaga!
Dahan dahan akong gumalaw upang 'wag siyang magising. Kinuha ko ang panty ko sa lapag at sinuot 'yon. Dinampot ko rin ang t-shirt niya at 'yon ang isinuot ko. Nang makapagbihis ay dumiretso ako sa banyo.
Ginawa ko lang ang morning rituals ko saka ako dumiretso sa kitchen. Nang mapagtantong walang stocks ay tinawagan ko ang pinsan kong si Emmie para magpabili. Nabanggit niya kasi na dito sa building na 'to siya nakatira ngayon.
Matapos ang ilang minuto, dumating na rin siya. Nagulat pa siya nang makitang panlalaki ang suot ko. Mukhang kahit hindi ko sabihin sa kanya ay alam na niya ang ginawa ko. Inanyayahan ko siyang mag-agahan pero katwiran niya'y may gagawin pa siya at baka makagulo pa sa amin ng boyfriend ko.
Nagluto lang ako nang agahan pagkatapos ay naligo na. Buti nalang at may iilan na akong damit dito kaya kahit ilang beses kong balakin na matulog ay walang problema.
Tulog na tulog pa si Calix ng iwan ko, ang himbing himbing no'n kaya hindi na rin ako nagabalang gisingin siya. Pumasok na ako sa trabaho. Pagkalabas ng building, pumara kaagad ako ng taxi papunta sa hospital.
Pagpasok ko, napakaraming tao na naman ang bagong dating. Hindi lang no'ng araw nangyari ang gano'n, kundi maging sa mga sumunod pang mga araw. Tuloy ay halos hindi na ako nakauwi sa amin, hindi ko rin masyadong nakita at nakasama si Calix dahil balita ko'y umalis ito ng bansa para sa isang business trip.
Lumipas ang isang buong linggo ng gano'n ang nangyari, kaya nang makatiyempo ako ng ilang araw na pahinga ay talagang nanatili lang ako sa bahay at bumawi ng tulog.
Nang magising ako ay gabi na. Nagulat pa ako ng makita si Calix sa aking tabi at mahimbing na natutulog. He must be tired from his flight. Nakagat ko pa ang ibabang labi nang isiping pagkagaling sa airport ay dito pa siya dumiretso.
Dahan dahan kong hinaplos ang pisngi niya. Natigil lang ako nang bigla siyang magmulat ng mata at tumitig sa akin.
"Kanina ka pa gising?" tanong niya.
"Hindi naman," sagot ko sabay ngiti.
"I miss you." Isiniksik niya ang sarili sa akin saka ako niyakap ng mahigpit.
"I miss you too, sorry I got busy kaya hindi kita naihatid sa airport," paliwanag ko habang nilalaro ang kanyang buhok.
"It's okay, naiintindihan ko," agap niya sabay halik sa leeg ko.
That night, Calix stayed with us, sinaluhan niya kami sa dinner. He even brought pasalubongs kaya tuwang tuwa sina Mommy at Daddy.
"Thank you for these Calix." si Mommy habang hawak hawak ang bag, sapatos at mga pampaganda na bigay ng boyfriend ko.
BINABASA MO ANG
Responsibility To Oath (Fixed Series #3)
RomanceFixed Series #3 (R-18) Carsen Landrix Fontanilla doesn't believe in love and relationships. But an unexpected thing happened, he had a one night stand with someone, a Doctor rather named Keshia Lopez. They both knew the rule of one night stand, but...