Chapter 2

14.8K 319 4
                                    

Chapter 2

"Magsesearch nalang ako sa google," aniya at humagikgik pa. Pinanood ko lang siyang kuhanin ang kanyang cellphone sa bag.

Fine whatever! Hindi naman ako masyadong interesado sa isang 'yon.

"Carsen Landrix Fontanilla, ang full name niya, 27 years old na siya." Panimula niya pa, habang binabasa ang article sa google.

Seriously? Nagsearch talaga siya! Grabe ang babaeng ito!

"Oh so magkaedad lang pala kayo?" tanong nito, pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Landrus Cordovan Fontanilla and Lynnea Penthesilea Salvidar-Fontanilla ang pangalan ng mga magulang niya, kabusiness partners sila ng Dad and Mom mo sa kumpanya pati na din dito sa hospital," pagpapatuloy niya sa binabasa.

Napatigil ako sa ginagawa ng marinig 'yon.

Kabusiness partners sila ng parents ko? Bakit hindi ko 'yon alam? Kaya ba okay lang sa Mommy ko na magkasama kami ni Calix no'ng nakaraan? Aish this is a disaster!

"O my g! kabusiness partners ng mga magulang mo! e, 'di kilala ka rin nila?" tanong niya pa ulit.

Nahilot ko ang sentido tsaka sumandal sa aking swivel chair. "Hindi ko alam," sagot ko naman.

Ngumisi siya. "Aba! Alamin mo bes," sabi niya pa.

Mabilis akong umiling. "I don't think that's necessary Angela," tanggi ko sa kanyang suhestyon. Hindi na siya nagsalita pa at sinimangutan lang ako. "Oh ano may itatanong ka pa ba?" tanong ko.

Napakamot siya sa kanyang ulo tsaka alaganganing ngumiti. "Ah...eh kumain ka na ba? Gusto mo sabay na tayong maglunch?"

Umiling ako. "Mamaya na siguro ako, isa pa busog ako, ikaw nalang mag-isa, next time nalang kita sasamahan," paliwanag ko

"Achuchu okay fine, sige na tapusin mo na yang ginagawa mo," sabi pa niya at tumayo na.

Tumango ako at ngumiti. "Sige na chupi."

Lumapit siya sa akin para humalik at yumakap. "Bye alis na 'ko bes, ingat ka!" Matapos 'yon, lumabas na siya ng office ko.

Nang matapos ko ang aking ginagawa ay agad akong lumabas ng opisina at papunta na sana sa kwarto ng isa kong patient nang biglang magring ang phone ko.

-Dad calling-

I sighed before sliding the answered button.

"Dad? why did you call?" tanong ko kaagad.

[Pwede ka bang pumunta muna dito sa office?] tanong niya.

Gosh, what is it this time? Sa t'wing papapuntahin nila ako sa opisina ay hindi maganda ang nangyayari. Last time na pumunta ako roon ay ipinakilala nila ako sa anak ng kabusiness partners nila. Itinutulak pa ako ni Mommy doon. She even set me up on a date with that guy! Gano'n nila ako kagustong mag-asawa na.

Nahilot ko na namang muli ang sentido. "Bakit po Dad? nasa hospital po kasi ako."

[We need you here Keshia] seryosong aniya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kapag ganyang seryoso si Dad, wala akong magagawa kundi sumunod nalang, hays.  "Okay po pupunta ako."

[We'll wait for you okay?]

"Okay dad see you," tipid kong sinabi tsaka tuluyang ibinaba ang tawag.

Itinago ko ng muli ang cellphone ko sa bulsa ng coat ko tsaka ipinagpatuloy ang paglalakad. Habang papunta ako sa isa kong patient ay may nakaagaw ng atensyon ko, may nadaanan akong isang pamilyar na babae na nakahiga roon sa isang hospital bed.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon