Chapter 28
"Bigla bigla ka nalang sumusulpot dito Delune," naiiling kong sinabi habang ang paningin ay hindi manlang inaalis sa kanya.
Tama, si Delune iyong lalaki na naabutan ko sa sala kanina pagbalik ko. Siya 'yong kumarga roon sa baby. Noong una'y nagpanic pa ako kasi hindi siya sumasagot at lumilingon sa gawi ko, pero nang makita ko ng malapitan ay ganoon nalang ang gulat ko.
Halos hindi ko siya nakilala. Nagbago ang kanyang itsura. Mas naging matured, ang pangangatawan niya naman ay mas lalong naging fit. Palibhasa'y talagang pinush ang pagwowork out. Ang height niya ay wala manlang pinagbago. Matangkad pa rin.
Kahit yata nakaupo kami ay hindi ko siya mauungusan pagdating doon. He will always be taller than me. Siguro'y hanggang tenga niya lang ako kung pagtatabihin kaming dalawa. Karamihan sa pamilya namin ay pulos matatangkad kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganoon nalang ang tangkad niya, pero pagdating sa akin, hindi ko alam. Baka sadyang hindi lang ako pinagpala sa height.
Ngumisi siya. Inilapag na niya ulit sa crib iyong baby na kanina niya pa karga. Naupo siya sa kaharap kong upuan. "Hindi ba't gusto mo akong makausap?" tanong niya. Tumango ako. "So here I am..." aniya at nagawa pang kumindat.
Dumiretso ako ng upo. Pinagkrus ko ang parehong braso sa aking dibdib saka siya tinignan ng seryoso. "Let's talk about the baby," diretso kong tugon, wala ng balak magpaligoy ligoy pa.
Sinulyapan niyang muli ang sanggol saka bumaling sa akin. "I'm the father of that baby."
"Alam ko iyon," agap ko.
Totoo naman e, mabilis na nakarating sa akin ang balita. Isa pa, pagdating sa pamilya namin, wala silang maitatago o maililihim. Sooner or later, malalaman din ng lahat ng miyembro ang tungkol sa isang bagay. Na kahit anong pagtatakip pa ang gawin mo ay mabubuko at mabubuko ka pa rin nila. They have sources of course.
Nahilot ko ang sariling noo nang makita ang prenteng pagkakaupo ni Delune sa silya. And by the looks on his face, paniguradong madadaan lang sa kalokohan ang usapang ito, kung sakali mang magseryoso siya ay baka rin abutin pa kami ng siyam siyam.
"Magseseryoso ako, don't worry," sabi niya habang nilalaro iyong shades niya. Sinabi niya iyon na para bang nalaman niya ang tumatakbo sa isip ko.
Pinanood ko lamang siyang gawin 'yon pero nang dumako na sa akin ang paningin niya ay napunta rin 'yon sa kanya. Umuwang ang bibig niya, mukhang may balak sabihin, pero bigla rin iyong sumara.
"Hindi mo ba talaga alam kung sino ang nanay ng anak mo?" tanong ko. Naisip ko kasi na baka by this time may lead na siya o kaya'y naalala na niya ang mukha nito.
Nangunot ang noo ni Delune, tila nagiisip, pero matapos ang ilang segundo ay kusa rin siyang umiling sa sariling naisip. "Hindi ko siya kilala, hindi ko rin maalala ang mukha niya."
"Hindi mo rin ba alam ang pangalan?" tanong ko na naman.
Nako, kung pu'pwede nga lang, lahat na itatanong ko sa kanya. Baka sakaling bigla niyang maalala at magkaroon kami ng lead, pero kung wala talaga kahit isa, sa amin na itong bata.
Ako at si Calix ang magpapalaki sa kanya. Ituturing namin siya na parang sariling anak, pero hindi namin itatago sa kanya ang katotohanan. Isa pa, kahit naman nasa amin siya, gusto ko pa rin na habang lumalaki siya ay kilala niya si Delune. Gusto kong maging malapit ang loob nila sa isa't isa.
Nakangiwing umiling si Delune. Napasandal pa siya sa inuupuan. "Hindi rin."
Bumuntong hininga ako. "Ano na ba talagang balak mo?"
BINABASA MO ANG
Responsibility To Oath (Fixed Series #3)
RomanceFixed Series #3 (R-18) Carsen Landrix Fontanilla doesn't believe in love and relationships. But an unexpected thing happened, he had a one night stand with someone, a Doctor rather named Keshia Lopez. They both knew the rule of one night stand, but...