Chapter 30

1.3K 32 0
                                    

Chapter 30

"Grabe naalala mo pa 'yon?" natatawa bagaman naiiling na tanong ni Nathaniel.

Si Nathaniel iyong tinutukoy ko. Siya iyong dumating kanina na hindi maalis alis ni Delune ang paningin.

His full name is Vegra Nathaniel Ford. Yup, his father is a foreigner kaya ganoon ang apelido niya at kaya ganoon nalang ang itsura niya. Tingin palang, mahahalata mo ng may lahi siya. He's white and has a brown eyes.

Nang tawagin niya ang pangalan ko kanina ay doon na nagsimula ang paguusap namin. Buti nalang at nakabalik agad ang yaya ni baby kaya nagkaroon kami ng oras ni Nathan na makapagusap, iyong kaming dalawa lang. We do some catch up. Noong una ay panay ako ang nagkekwento pero nang matapos ako ay siya naman ang nagsimula.

Ikwinento niya sa akin ang nangyari sa kanya magmula noong umalis siya sa bansa, kung ano ano ng maachieve niya sa ilang taon na hindi kami nagkita. And base to his stories, masasabi kong nagtagumpay na siya sa kanyang buhay o larang na tinahak.

He made me proud. Para akong kapatid o magulang na napaiyak pa nang marinig ang mga iyon mula sa kanya. Noon palang naman, alam ko na...na magtatagumpay talaga siya at gagawa rin ng sariling pangalan gaya ng kanyang mga magulang at hindi ako nagkamali roon. Hindi niya ako binigo.

"Oo naman," sagot ko sabay hagikgik. "Matalas yata ang memorya ko pagdating sa mga bagay na iyan," mayabang kong dagdag.

Bigla ko kasi siyang tinukso. He was telling me earlier na maraming nagkakagusto sa kanya roon sa ibang bansa, then may naalala ako kaya inasar ko na siya. There's this girl kasi from high school na talagang gustong gusto siya, as in! Kung nasaan siya ay naroon din iyong babae, minsan nagugulat nalang ako na nasa harapan na namin siya. May dala siyang mga pagkain, minsan naman ay may letter na ginawa. 

It's kinda creepy kasi pakiramdam ko, bawat galaw namin ay pinanonood niya. Nagtataka nga akong hindi manlang siya nagalit sa akin, ni hindi ko siya nakitang samaan ako ng tingin sa t'wing makikita niya akong kasama si Nathan. All I see in her eyes was admiration, hindi ko alam kung bakit ganoon. I was expecting her to react negatively dahil palagi kong kasama iyong taong gusto niya, pero hindi ganoon ang nangyari.  

Alam ko ang pangalan no'ng babae na iyon, kabatchmate rin kasi namin siya. And if I'm not mistaken, matalino rin siya gaya ni Nathan, iyon nga lang may pagkanerd daw. May mga pagkakataon na natutukso siya at nabubully dahil doon, pero syempre ipinagtatanggol ko o ni Nathan.

Nang makagraduate kami ng high school ay hindi na namin siya nakita pa. Nakakahinayang pero sana nasa maayos na kalagayan siya. 

"What's her name again?" tanong ni Nathan saka ulit kumuha ng wine. 

Tsk, kanina pa siya, nakakarami na, pero hayaan na nga at mukha namang sanay na sanay na siya.

"Wait..." sabi ko nang biglang may makitang carbonara. Gosh! Bigla akong natakam doon.

"Gusto mo kuhanan kita?" tanong niya, ang paningin ay naroon na rin sa tinitignan ko.

Wala sa sarili akong tumango. "Yes please," sabi ko.

Natawa pa siya bago tuluyang tumayo. Pinanood ko siyang kumuha ng carbonara. Grabe kahit nasa gitna siya o napalilibutan ng maraming tao, nagagawa niya pa ring mag-stand out. Kahit yata sinong kababaihan ang makakita sa kanya ay tiyak na maii-startstruck sa kagwapuhan niya. 

Bigla tuloy sumagi sa isipan ko kung may girlfriend na ba siya o asawa. Hmmm, mamaya ko nalang siguro itatanong pagbalik niya. 

Natigil ako sa pagiisip nang ilapag ni Nathan ang plato na naglalaman ng carbonara sa harapan ko. Tingin palang, naglalaway na talaga ako. Nang hindi makapagpigil ay mabilis ko na 'yong nilantakan. Narinig ko pang matawa ang katabi ko pero hindi ko na lamang pinansin. Masyado akong abala rito.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon