Chapter 26

1.4K 31 2
                                    

Chapter 26

Narito kami ni Krizzy ngayon sa SM. Niyaya ko siyang magmall dahil nabuburyo na ako sa bahay. Si Calix ay umalis ulit ngayong araw. Ewan ko ba, miski yata weekend ay hindi uso sa gaya niya. Ganoon niya ba namiss ang trabaho? Na halos araw araw ay naroon siya? Hindi niya maiwan iwan?

Buti nalang talaga at nandito ang kaibigan ko. Hindi ako nabuburyong magisa sa bahay nina Calix. May makakasama ako sa mga trip ko sa buhay. Gaya ngayon, naisipan naming magsalon ni Krizzy. Napansin ko rin kasi na mahaba na ang buhok ko, syempre gusto ko namang pabawasan kahit kaunti. Hanggang sa may baba na kasi ng dibdib ko iyong buhok ko. Balak ko sanang paputulan, hanggang balikat.

Sabay kaming ginupitan ni Krizzy. Nakangiti niya akong nilingon. Kinindatan niya pa ako. Hindi ko pa nakuha ang ibig sabihin no'n pero matapos kong magupitan ay bigla niyang tinawag ang isa sa mga naggugupit at may ibinulong dito.

Imbes na tatayo na ako, napigil pa dahil bigla akong nilapitan noong naggupit sa akin kanina. Sinenyasan niya akong maupo lang at 'wag masyadong gagalaw.

Kunot-noo ko namang binalingan ang kaibigan ko na ngayon ay prenteng nakaupo at may tinitignan na magazine. Nang maramdaman ang tingin ko ay nag-angat siya ng tingin sa akin, painosente kunyari.

"Akala ko tapos na ako? Bakit ganito?" mahina kong tanong.

Ngumisi siya. "Ako ang bahala sa 'yo ngayong araw." Iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ay inabala na ulit ang sarili sa tinitignang magazine.

Nanahimik ako sa inuupuan ko. Hinayaan ko ang bakla na gawin ang kung ano mang iniutos sa kanya ni Krizzy. At gaya ng aking magaling na kaibigan, inabala ko rin ang sarili ko sa pagtingin sa magazine.

Matapos ang ilang oras ay natapos din kami sa salon.

Si Krizzy ay nagpagupit at nagpahot-oil ng kanyang buhok. Mas gumanda siya dahil doon. Para siyang bulaklak na nagbloom. Tuloy ay hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya.

"Bakit Kesh? Pangit ba?" tanong niya, sinadya niya pang hipuin ang kanyang buhok. Nang hindi ako makasagot agad ay dinukot niya sa kanyang bag ang salamin. Mula roon ay tinignan niya ang kanyang itsura. "Omg, pangit ba? Hindi bagay?" nakasimangot niyang tanong. Ibinaba na niya ang salaming hawak saka ako hinarap.

"Maganda, bagay na bagay sa 'yo," komento ko saka siya nginitian.

Lumiwanag ang kanyang mukha matapos marinig ang sinabi ko. Ang ngiti ay awtomatikong sumilay mula sa kanyang labi.

Napakalapad no'n at walang kasing ganda. Kinuha niya naman ang cellphone niya saka iyon binuksan. Nagselfie siya at kumuha ng ilang shots no'n. Akala ko nga'y tapos na siya pero bigla nalang niyang itinapat sa mukha ko 'yon. Tuloy ay wala akong choice kundi ngumiti para maganda ang kalabasan ng litrato.

"Ang ganda Kesh! Omg, isesend ko 'to kay Calix!" bumungisngis siya at akmang may pipindutin na nang bigla akong magsalita.

"Krizzy huwag muna," pigil ko na siyang naging dahilan nang pagkakakunot ng kanyang noo.

"What? Why?"

I sighed. "E, hindi niya nga alam na wala tayo sa bahay remember?" pagpapaalala ko.

Totoo iyon, hindi alam ni Calix na wala kami ni Krizzy sa bahay. Hindi ako nagpaalam o nagsabi manlang sa kanya. Kilala ko kasi 'yon e, paniguradong hindi siya papayag at idadahilan na naman niya na malapit na ang kabuwanan ko kaya hindi na dapat ako masyadong naglalalabas.

Pero diba, ano namang magagawa niya? Palagi siyang wala, wala rin namang magawa sa kanilang bahay kaya wala akong choice kundi ito. Hindi niya rin ako masisisi. Gusto ko lang naman magrelax at enjoyin ang outside world.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon