Chapter 36
Ngumuso siya. "What time Mommy?"
"Stop asking questions Calia, let's just wait for Dad." si Callum.
Kung titignang maigi, masasabi kong mabilis ang progress ng mga bata. Sa edad nilang iyan ay nakapagsasalita na sila ng maayos, walang bulol bulol o ano. Kung magisip sila minsan ay para bang matanda na, matured na, pero may mga oras din na lumalabas ang pagiging makulit at immature, depende sa sitwasyon. Gumagaling na sila sa pagbabasa at pagsusulat, miski kapag nagsasagot sa mga word games and problems.
Hindi muna kami nagsimulang kumain dahil ayaw pumayag ng mga bata. Talagang desidido sila na hintayin ang kanilang Daddy. Well, mas maganda rin naman iyon, iyong kumain ng sabay-sabay at kumpleto.
"Pwede naman na tayong kumain kung talagang gutom na kayo," sabi ko.
Narito kami ngayon sa sala, abala ulit sila sa panonood habang naghihintay. Ang mga ulam sa lamesa ay tinakpan ko na muna para hindi lumamig.
"Later na Mommy." sabay na naman nila iyong isinagot.
Tumango ako at hindi nalang ulit nagsalita. Lumipas ang ilang minuto at saka pa lamang dumatinng si Calix. Narinig namin ang pagbukas ng gate at ang tunog ng kanyang sasakyan. Bigla namang lumiwanag ang mukha ng dalawa kong anak, tila nabuhayan dahil sa wakas ay dumating na rin ang kanilang Daddy na kanina pa nila hinihintay.
"Daddy's here!" May kalakasang sabi nina Callum at Calia.
Saktong pagkasabi nila no'n ay siyang pagbukas ng pintuan. Iniluwa nito si Calix. Agad naman na dumako ang paningin niya sa akin at sa mga bata.
"Daddy!" Patakbong nanakbo ang dalawa papunta sa kanilang ama. Yumakap sila sa binti nito at bahagyang tumingala para magtama ang mga mata nila.
Binalingan ako ni Calix dahil sa ikinilos na iyon ng mga bata. "What is the meaning of this?" tanong niya.
Ngumiti ako, sinulyapan ko muna ang dalawa saka ko tinignan ang aking asawa. "May itatanong sila sa 'yo."
"Ano iyon?" tanong niya.
"Nako mamaya na 'yan, kumain na muna tayo," sabi ko at nauna nang maglakad patungo sa dining. Nang makarating doon ay pinagtatanggal ko na ang takip ng mga ulam.
Nagsimula kaming kumain matapos ang isang dasal. Si Callum ang naglead no'n. Inabutan ko si Calix ng ulam at kanin. Sumunod naman ay ang mga bata, hinayaan ko silang kumuha ng kanin at ulam nila, basta ba'y kaya nilang ubusin.
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang biglang magsalita si Calia.
"Daddy..." malambing niyang sabi.
Nilingon naman siya ng Daddy niya. "What is it baby?"
Nagkatinginan sina Calia at Callum. Sinenyasan pa ni Calia ang kanyang kapatid na sumagot kaya naman wala ng nagawa si Callum kundi sundin ang kagustuhan nito.
"Dad we want some new toys," diretsang ani Callum, walang balak magpaligoy-ligoy.
Nilingon ako ni Calix.
"Idodonate nila iyong toys nila na hindi na nila ginagamit sa orphanage and in exchange to that, they would like to buy some new toys," paliwanag ko.
"Is that so?" tanong ng aking asawa.
Tumango ako. "Yes."
"Please Daddy!" sabay na namang sinabi iyon ng mga bata. Nagawa pang magpuppy eyes.
BINABASA MO ANG
Responsibility To Oath (Fixed Series #3)
RomanceFixed Series #3 (R-18) Carsen Landrix Fontanilla doesn't believe in love and relationships. But an unexpected thing happened, he had a one night stand with someone, a Doctor rather named Keshia Lopez. They both knew the rule of one night stand, but...