Chapter 11

11.5K 234 1
                                    

Chapter 11

Warning: Read at your own risk. Some scenes and languages may not be suitable for young audiences.

"Ahh!" sigaw ko nang mabuksan ang pinto ng banyo at madatnan doon si Calix na may facial wash sa mukha.

Gosh, nagulat talaga ako! Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat! Bakit naman kasi hindi siya naglalock ng pinto? Saka bakit hindi siya nagsabi o nagbanlaw manlang muna? Alam niya namang magugulatin ako ah?

"Oh bakit para kang nakakita ng multo dyan?" tanong ni Calix.

Tsk, talagang tinanong niya pa, bakit kaya hindi niya tignan ang sarili niya 'no? Nang sa gayon ay malaman niya kung bakit!

Kung hindi niyo kasi naitatanong, nandito ulit ako sa penthouse ni Calix, sinundo niya ako kagabi sa hospital tapos dito na kami dumiretso since malapit ito roon, in that way, hindi ako mahihirapang bumalik sa hospital in case na ipatawag ako at kailanganin ng iba pang doctor at nurses.

"Hindi kana sumagot," aniya na ang paningin ay nasa salamin na, sinimulan na niyang i-rub ulit ang facial wash sa kanyang mukha.

Naiiling akong tumabi sa kanya. Kinuha ko ang toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste. Nagsimula na akong magsepilyo, natigil lang ako nang mapansing nakatitig na siya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay, tinanggal ko rin muna ang toothbrush sa bibig ko para makapagsalita ako ng maayos.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Nagpacheck up kana ba?"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Check up?

"Nagsuka ka no'ng nakaraan, kaya itinatanong ko kung nagpacheck ka na," paglilinaw niya, mukhang nahalata niya na hindi ko nakuha ang nais niyang iparating kanina.

Ang pagkakakunot ng noo ko ay biglang nawala. "Ah, 'yon ba?"

Tumango siya, naghihintay ng sagot.

"May hindi lang ako nakaing maganda," pagdadahilan ko, kahit pa may nabuo na talagang ideya sa isipan ko.

"Hmm, next time icheck mo muna ang mga kinakain mo, baka mamaya mafood poison kana." Inalis na niya ang paningin sa akin, bahagya pa siyang yumuko para mabanlawan ang mukha.

Sandali akong natulala bago ulit ipinagpatuloy ang ginagawa. Dapat na ba akong magpacheck up? Pero kung gagawin ko 'yon, dapat wala munang ibang makaalam! Kahit pa si Calix! Kailangan makasiguro muna ako.

"Akala ko ba may lakad ka?" tanong ko nang makalabas ng banyo.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanyang kama habang hawak hawak ang cellphone. Sabi niya kasi kagabi, may lakad siya ngayong araw.

"Yeah, tapos na," nag-angat siya ng tingin sa akin. "How about you, saan ang lakad mo?" tanong niya, pinasadahan pa niya ng tingin ang kabuuan ko.

Ngumuso ako. "Sa mall lang, bawal ba?"

"Hindi naman pero bakit hindi ka nagpaalam?" tanong niya habang titig na titig sa akin.

Bakit nga ba kasi hindi ko nabanggit sa kanya na may lakad ako? Magdamag naman kaming magkasama pero bakit nakalimutan ko? Gano'n na ba kapre-occupied ang isipan ko?

"Nawala sa isip ko pasensya na," pag-amin ko. Napayuko ako dahil sa hiya.

I heard him sighed. "Gaano ba karami ang iniisip mo para mawala sa isip mo?"

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon