Chapter 7

12.9K 265 7
                                    

Chapter 7

Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising. Mas nauna pa akong gumising kay Calix. Ako na ang naunang maligo dahil aayusan pa ako ng make up artist maya maya.

Habang inaayusan ako, si Calix naman sa kabilang banda ay abala ring nagaayos ng kanyang sarili. Nang matapos sa ginagawa ay nagawa niya pa akong titigan at panoorin na ayusan, tuloy ay hindi ko maiwasang mahiya.

Titig siya sa akin, pakiramdam ko ay matutunaw na ako!

Nang matapos akong ayusan ay nagpaalam na kami ni Calix sa isa't isa. Pinuntahan na niya si Creed, habang ako naman ay pumunta sa kwarto na kinaroroonan ni Dauntiella.

Pagpasok ko sa loob ng silid, naabutan ko sina Lauri at Cae na abala sa pagaayos sa kanya. Yup, nabanggit ni Ella kagabi na hindi siya naghire ng make up artist niya dahil gusto niyang si Cae mismo ang mag-ayos sa kanya. Si Lauri naman ay panay ang ayos sa mga gagamitin ng kanyang sister-in-law para sa kasal na gaganapin ngayong araw.

Napangiti ako nang maramdaman nila ang presensya ko. Gaya ko, nakabihis na rin sina Lauri at Cae, si Ella nalang ang hindi pa dahil hindi pa siya tapos lagyan ng make up, ang buhok niya ay nakapusod na. Batid kong si Lauri pa ang may gawa no'n dahil magaling siya sa ganito, maraming hairstyles ang alam niya.

Sinenyasan ako ni Ella na lumapit, kaya naman sumunod ako. "Kesh, kinakabahan ako," aniya sabay hawak sa kamay ko.

Natawa ako nang mahawakan ang kamay niya. Napakalamig no'n! Siguro'y kinakabahan siya? Kahit naman yata sino 'di ba, kapag ikakasal ay gano'n. Sadyang hindi lang ako makarelate kasi hindi pa naman ako ikinakasal.

Pero kailan nga kaya ako 'no? Malapit na ba?

Nginitian ko siya. "Ganyan talaga 'yan, pero mawawala rin 'yan mamaya."

"Iyan din ang sinabi ko sa kanya e, pero kabado pa rin," natatawa bagaman naiiling na ani Lauri. Lumapit siya sa amin at pumunta sa likuran ni Ella para tignan ang itsura nito mula sa salamin.

Ngumuso ang bride-to-be. "Sino ba namang hindi kakabahan sa ganito?"

Tinawanan lang namin siya.

"Paano kung makalimutan ko ang vows ko?" tanong niya, bakas na bakas ang kaba. "Ilang beses pa naman akong nagpractice!" Kinuha niya ang isang papel na naroon sa harap ng vanity, batid kong doon nakasulat ang vows niya na nakatakda niyang sabihin sa kasal mamaya.

"Hindi ako makarelate, pasensya," ani Cae at isinara na ang palette na hawak. Tinignan niya si Ella sa salamin. Nang makuntento sa ayos ng kaibigan ay tinanguan na niya ito at sinenyasang isuot na ang gown.

Ngumiwi si Ella saka binalingan si Cae. "Paanong hindi ka makakarelate e wala ka ngang love life."

Cae just rolled her eyes. "Oh napunta naman sa akin ngayon? Isipin mo ang sarili mo, kasal mo ngayong araw."

"Parang hindi pa nagsisync in sa 'kin." Hindi na napigilan ni Ella na maluha. Buti nalang at waterproof ang make up na ginamit ni Cae sa kanya.

Panay ang pasasalamat niya, si Lauri ang sumama sa kanya sa loob ng banyo para tulungan siyang maisuot ang gown. Nang lumapit kami sa may pintuan para sana icheck kung ayos na ay narinig namin sina Lauri at Ella na may malalim na pinaguusapan.

Umalis kami para mabigyan ng privacy ang dalawa. Ilang sandali pa ang lumipas at lumabas na sila ng banyo. Hindi naitago nina Lauri at Ella ang bakas ng luha sa kanilang mga mukha. Nagkatinginan kami ni Cae at ngumiti sa isa't isa.

Confirm, nagkaroon ng heart-to-heart talk ang dalawa!

Matapos ang ilang picture taking ay dumiretso na kami sa pagdarausahan ng kasal. As expected, malawak ito at maganda, halatang hindi tinipid, ang disenyo at mga kagamitan ay eleganteng tignan. At base sa mga upuan at lamesang narito, mukhang marami raming tao ang inaasahan nilang dadalo.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon