Chapter 8
Warning: Read at your own risk. Some scenes and languages may not be suitable for young audiences.
"Anong nangyari sa London?" tanong ni Emmie, pinsan ko.
Kauuwi lang ni Emmie rito sa Pilipinas at ako agad ang una niyang pinuntahan. Dinalhan niya rin ako ng mga pasalubong. Nagulat talaga ako ng bigla siyang pumunta sa opisina ko kanina, hindi ko inaasahan ang pag-uwi niya, ni wala manlang text o tawag. Basta nalang sumulpot sa harap ko.
Buti nalang talaga at may oras ako kaya no'ng nagyaya siyang magmeryenda ay nakasama ako. Dito lang kami pumunta sa pinakamalapit na cafe sa labas ng hospital, baka rin kasi biglang magkaemergency at kailanganin ako. Mas okay na 'yong nandito lang ako sa tabi tabi.
Simula kasi nang makabalik kami ni Calix galing London, mas naging abala ako lalo sa trabaho, siya naman ay gano'n pa rin, mukhang hindi busy dahil palagi siyang may oras para sa akin, hindi niya nakakalimutang ihatid ako at sunduin.
Nabalik ako sa realidad nang bigla akong pitikin sa noo ni Emmie. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Masakit!" reklamo ko.
Ngumiwi siya saka umiling ng umiling. "Ngumingiti ka magisa dyan, ni hindi mo pa sinagot ang tanong ko."
Napangiti na naman ako nang maalala ang nangyari sa London. Ang dalawa hanggang tatlong araw ko dapat na pananatili roon ay naging isang linggo, buti nalang at naintindihan nina Mommy kaya pumayag din sila.
Nang malaman pa nila na si Calix ang kasama ko ay kulang nalang, 'wag na nila akong pauwiin. But of course, kailangan kong umuwi, may trabaho ako, maraming tao ang kailangan kong alagaan at tulungan. Besides, pakiramdam ko hindi ko rin kakayanin kung hindi ako magtatrabaho. Hindi ako sanay na walang ginagawa.
Bukod sa pananatili sa hotel ay naglibot din kami ni Calix sa iba't ibang parte ng London, siya ang nagsilbing tour guide ko sa ilang araw naming pananatili roon. He introduced me to different kinds of foods and many more. At hindi lang 'yon, napagisip isip ko na ring sagutin si Calix, well...gusto ko siya at gusto niya rin naman ako, ayoko naman ng patagalin dahil mukhang doon din kami papunta.
Isa pa, hindi na kami teenagers para magpabebe pa. Matatanda na kami kaya ayos lang na gano'n ang mangyari. Saka kung tutuusin, pwede naman akong ligawan ni Calix kahit kami na. In that way, habang nasa relasyon kami, mas lalo naming makikilala ang isa't isa.
Nakagat ko ang ibabang labi para pigilang tumili. Kinikilig ako kapag naaalala ko 'yong pinaggagawa namin sa London! Gusto ko pa 'yong maulit. Kung dati rati'y wala akong kainte-interes sa pagbabakasyon, ngayon ay iba na. Parang nakahiligan ko na 'yon magmula ng makasama ko siya.
Kapag siya ang kasama ko, pakiramdam ko lahat ng gawin namin ay bago. Na kahit saan niya ako yayain ay game ako as long as siya naman ang makakasama ko.
Nang dahil sa kanya, naranasan ko 'yong mga bagay na hindi ko naman kadalasang ginagawa. I felt proud kasi kasama ko siya habang ginagawa ko ang mga 'yon. Kapag kasama ko siya, safe ako.
"Ano nga?" Napunta ulit ang paningin ko kay Emmie matapos niyang magtanong ulit.
Hay! Para rin siyang sina Angela at Krizzy e, hindi titigil hangga't hindi nakakakuha ng sagot mula sa akin. Gusto nila, lahat ikekwento ko, walang labis, walang kulang!
"Wala naman masyado." Kinuha ko ang tasa at sumimsim sa aking kape. Sinadya ko 'yong gawin para maitago ang ngiti na alam kong kahit anong oras ay sisilay na naman mula sa aking labi.
Gosh, ganito ba kapag in love? Maya't maya nakangiti? Na kahit pagusapan niyo lang siya ay kikiligin kana?
Si Calix ang first boyfriend ko, ako rin ang first girlfriend niya kaya may mga oras na nagaadjust kami sa isa't isa, minsan nga humihingi pa kami ng advices sa kanya kanyang kaibigan para lang masurprise at mapasaya ang isa't isa. Thanks to them kasi sobrang helpful talaga.
BINABASA MO ANG
Responsibility To Oath (Fixed Series #3)
RomanceFixed Series #3 (R-18) Carsen Landrix Fontanilla doesn't believe in love and relationships. But an unexpected thing happened, he had a one night stand with someone, a Doctor rather named Keshia Lopez. They both knew the rule of one night stand, but...