Chapter 10

12K 225 2
                                    

Chapter 10

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, teka umaga na pala? Grabe, ang bilis naman ng oras? parang umiiyak lang ako kanina pagkatapos ngayon ay umaga na? Gosh, parang ayoko yatang pumasok ngayong araw, gusto ko dito nalang ako sa bahay, dito nalang ako sa kwarto at matutulog buong araw. Wala akong balak pumasok na mugto ang mata.

Kung bakit naman kasi gano'n si Calix kagabi e? Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong gano'n, saka sino ba 'yang Issabel na 'yan na kahit gabi na ay nakikipagmeeting pa at pinupuntahan pa ang boyfriend ko? Naiinis ako kasi pakiramdam ko hindi niya naman katrabaho ang babaeng 'yon, naiiyak ako kasi pinili 'yon ni Calix kaysa sa akin, gaano ba kaimportante 'yong babae na yon sa kanya?

Saka kung may pakialam talaga siya sa akin, sana tinawagan o tinext niya ako agad, kaso hindi e, nalaman na nga niyang umuwi ako tapos hinayaan niya lang, parang lalo niya lang pinalala ang sitwasyon namin.

Napabuntong hininga ako bago bumangon at magtungo sa banyo, pagharap ko sa salamin, kitang kita ang pamamaga ng aking dalawang mata, halatang kagagaling lang sa pagiyak. Umiling ako nang maisip muli si Calix, hindi ko na dapat siya isipin sa ngayon, normal lang naman din sa mga couple 'yong ganitong bagay.

Naligo ako, sakto namang pagkatapos kong magbihis ay umalis na ang mga magulang ko. Hmm mas okay 'yon para hindi nila ako makitang ganito, baka kapag nalaman pa  nila na nagaway kami ni Calix ay makialam pa sila at lalo lang hindi maayos. Pasimple akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Ang tingin ko ay agad na dumako roon sa lamesa. Para akong naglaway nang makita ang mga pagkain na nakahain doon. May fried rice, hotdogs, eggs, bacons, pancakes, fruits and juice.

Nakangiti akong naupo sa lamesa, una akong sumandok ng fried rice pagkatapos ay isinunod ko naman ang iba pa. Nang hindi makuntento roon sa kinain ko ay kumuha ulit ako, nakapagtataka talaga na naubos ko ang lahat ng 'yon.

Hindi naman ako matakaw, I don't usually eat a lot lalo na kapag breakfast pero ngayon ay parang nagiba, mas lumakas akong kumain. Bago ko pa man maisatinig ang naisip kong 'yon ay 'ayun na sa harapan ko si ate Luisa.

Binalingan niya muna ang mga nasa lamesa bago ako pinukol ng tingin. "Naubos mong lahat 'yan?" tanong niya.

Nakanguso akong tumango. "Oo ate." Gaya ni ate, tinignan ko rin ang mga nasa lamesa, hindi talaga ako makapaniwala na naubos ko ang mga 'yon sa isang upuan lang!

Dapat na ba akong magalala? Magpacheck up na ba 'ko?

"Lumalakas ka yatang kumain nitong mga nakaraang araw," aniya at pinakatitigan pa ako.

Iniwas ko ang paningin sa kanya, itinuon ko na lamang 'yon sa baso na nasa harapan ko. Sa sobrang pagkailang at kagustuhang  maiwasan ang tingin ni ate ay ininom ko ang laman no'n. Huli na ng makaramdam ako ng pagsisisi, agad akong kumaripas ng takbo papunta sa lababo at doon ulit dumuwal.

Naramdaman kong may humagod sa likuran ko, pero hindi ko na 'yon pinansin pa, ang mas pinagtuunan ko ng pansin ay 'yong sikmura ko na tila bumabaliktad sa t'wing nakakaamoy ako ng hindi maganda.

Nagmumog ako ng tap water, matapos 'yon sakto namang paglingon ko ay 'ayun na siya at may hawak hawak ng tissue. Tinitigan ko muna siya bago 'yon kinuha sa kanyang kamay.

Lalagpasan ko na sana siya matapos magpunas ng bibig pero nahabol niya ako agad, nahuli niya ang braso ko.

"Kesh, let's talk."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko isang halik o yakap niya lang ay bibigay na ako agad. Hindi naman pwedeng laging gano'n diba?

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon