Gulo

849 15 2
                                    

*Ideal*

Part8

Athena*
POV

Nanonood nga kame ni Dereck ng isang Movie habang nag-iinuman kame.
Nakayakap na ito saken tapos hinahalik-halikan nya ko sa Pisngi.

Talagang nakakapanibago.
Nasanay kase ko sa Loob ng isang Taong pagsasama namen hindi naman ito ganito tyaka ngayon nakukuha pa nyang Tumawa.

"Ang ganda nung palabas. Horror Comedy. Nagustuhan mo ba?" Sabi nito.

"Uhm. Gustong gusto ko." Bulong ko.

Niyakap nya ko ng mahigpit saka hinalikan sa Ulo tapos nilalambing nya ko na para itong Batang may kailangan sa Ina.

Makalipas ang ilang Oras

11:37pm na kame nakapagpahinga ni Dereck.
Gusto nya na magkayakap kameng Dalawa habang natutulog.

*
Nagising ako.

Pinipilit kong idilat ang mga Mata ko tapos kinapa-kapa ko kung katabi ko si Dereck pero Wala sya dito.
Nandun pala si Dereck sa Couch at kaharap lang nya ko.

"D'Dereck?" Bulong ko.

"Hm? Go back to sleep. May inaasikaso lang ako." Sabi nya habang nagkakalkal ng Cellphone nya.

Naalala ko tuloy nung nagsasama pa kame sa Bahay nya e nahuli ko din syang ganito.
Madaling Araw yun nagse Cellphone sya para sa mga Babae nya.

Mga Babaeng nagsesend ng Bold nila sa kanya na ikinatutuwa nya pagkatapos gagapangin nya ko.

(Wag kang magseselos Athena... Wag. Hindi ka naman talaga Gusto ni Dereck kaya nya ginagawa yung Kagabe. Gusto ka lang talaga nyang Pagsawaan.) Sa isip ko.

Tumingin si Dereck saken at nagtataka ang Reaksyon nito.

"What's wrong? Bakit malungkot ka." Sabi nya.

Hindi ko alam ang isasagot ko.
Tumayo sya dun sa kinauupuan nya saka lumapit saken at bumalik sa Tabi ko.
Dito sa Kaliwa ko ang Pwesto nya.

"Halika dito." Sabi nya na tinutukoy ang pag-usog ko para maka-unan Ako sa Kanan Braso nya.

Niyakap nya ko tapos tinignan ko yung Screen ng Cellphone nya na may ka-chat nga sya.

"Ka-chat ko si Mommy. Nasa Airport na sila. Kasama nya si Daddy ko. Hays. Sabay-sabay silang nagpunta Apat dito. Kasabayan nila sa Eroplano ang Daddy mo pati si Aeron." Sabi nito.

Nanla-laki pa ang mga Mata ko.
Pinakita pa ni Dereck yung Conversation nila ng Mommy nyang Demonyo.

/i can't believe this Dereck! Pupunta ka dian para lang sa Babaeng yan!--- Chat ni Rowena.

/What the fuck is wrong with you Mom? Kahit anong gawin mo Asawa ko parin si Athena.--- Chat ni Dereck.

/No!!! Hindi na kayo mag-asawa. Wala nang kayo Dereck dahil nabawi na naten ang Building na dapat saten.--- Chat ni Rowena.

/Bahala ka sa buhay mo. Wag mo kong pakialaman sa Gusto kong makasama ang asawa ko. Kahit anong sabihin mo Kasal kami neto. Si Daddy nalang ang asikasuhin mo!--- Chat ni Dereck.

Mahaba pa ang pagtatalo nila na hindi ko na binasa.
May sinasabi din si Rowena na ayaw nyang nakapaligid si Dereck kay Tasya na kinabahala ko.
Napapa-isip ako na para ngang may Nakaraan sila Dereck at Tasya.

Gusto ko sanang magtanong kaso nag-alala naman Ako kase baka ganun parin si Dereck na kagaya ng Dati.
Bawal magtanong at sasaktan nya ko.

"Ihanda mo Sarili mo... Malaking Gulo pala tong pagsunod ko sayo." Sabi ni Dereck.

Ideal (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon