Tago pa Moreee

997 23 2
                                        

*Ideal*

Part13

Athena*
POV

Iniwan ko na nga si William kase rinding-rindi na ko sa Malakas na Tawa nya habang hinahampas hampas yung Sofa na parang wala ng Bukas.

"Hoy! Bakit iiwan mo ko dito?! Dapat magsaya tayong Dalawa Gaga!" Sigaw nya.

"Inaantok na ko! Gusto mo bang Magpuyat ako?" Sabi ko.

"Ayaw." Sabi nya.

"Ayaw mo naman pala. Bahala ka nga dian. Matutulog na ko. Good night." Sabi ko.

Tumawa nanaman sya.
Naglakad na ko saka Umakyat at nagpunta na sa Kwarto ko.

"Grabe sya makatawa." Bulong ko.

Nakakatuwa talaga si William.
Nakakagulat din kase Bakla pala sya at may Gusto pa pala kay Dereck na hindi nya masabi sabi sa mga Kaibigan nya dahil baka raw Bugbugin sya.

"Hays." Bulong ko.

Nag Toothbrush na ko saka naghilamos.
Pagkatapos e Nahiga na ko saka Pumikit at iniisip kung Ano na kayang nangyayare kay Dereck nyan.

"Bakit Dereck... Diba dapat magsaya ka?" Bulong ko.

Bakit sya Umiiyak e diba Dapat nga Matuwa sya kase namatay na yung isa pang Kalaban nila tyaka si Kuya nalang ang natitira.

"Totoo kayang nasasaktan ka sa pagkawala ko o Acting mo lang yun kase Balita ko pinasusundan mo ko. Baka alam mong nandito ako sa Poder ni William kaya nag iiyak iyakan ka." Iyak ko.

Ikinakalma ko tong sarili ko kase sabi ng Doctor Bawal saken ang ma-stress.

"Gaya ng Sabi ko Sayo Dereck... Maging Masaya ka Sana sa Ginawa mo Saken." Iyak ko.

Hindi ko mapigilan ang Luha ko na umaagos na ngayon.
Bumabalik Lahat ng sakit na pinagdaanan ko sa Kamay nya.

"Mahal kita kaso... Bakit hindi mo binalik Saken yung pagmamahal na yun... Pagkatapos kong Mahulog Sayo... Ako tong iiwan mo sa Ere. Samantalang nung nasa Australia tayo. Pakiramdam ko... Takot ka na Mawala ako sa Tabi mo." Iyak ko.

Naupo ako at nagsimula nang Umiyak.
Niyakap ko tong mga Binti ko kung saan nakadikit ang Baba ko sa mga Tuhod ko.

"Bakit ang Sakit Dereck. Kung kelan Mahal na kita saka mo ko Sinaktan ng sobra. Mas okay pang Saktan mo ko ng Pisikal wag lang Emosyonal." Iyak ko.

Napakasakit talaga.
Nakakapanghina at nakakapanghinayang na Sana...
Hindi ko na sya pinapasok sa Puso ko para hindi Ako nasasaktan ng ganito.

Bakit ba kase nya ko niligtas sa Eroplano at bakit Todo Alaga sya saken sa Loob ng Isang Taon Mahigit kahit sinasaktan nya ko pumapasok sa Isip ko ngayon kung paano nya ko Subuan ng Pagkain, Paliguan at Suklayan.

Pag may nangyayare samen hinahalik-halikan nya ko sa Noo at Pisngi na pag Umiiyak ako lagi nyang binubulong saken na "Tamana..." naririnig ko si Dereck.

Oo Masakit pag pinipisikal pero iba pala pag Emosyonal na humagupit Sayo.
Parehong Masakit pero mas Masakit pag Nahulog ka na sa isang Tao tapos sya naman tong Lalayo at Mananakit Sayo.

"Masakit yung naunang Buwan ng pagsasama naten... Laging nakabantay ang Mommy mo. Pinagtutulungan nyo kong Saktan. Nakikita kong naaawa ka saken pero wala kang Magawa... Bakit pinaabot mo ng Isang Taon yun kung may nararamdaman ka na Saken. Sana... Masabi ko sayo lahat ng hinanakit ko pero pagkatapos nung mga Sinabi mo saken nung nakaraang Buwan... Ayoko na kitang Makita." Iyak ko.

***
Nagpakatatag Ako sa Loob ng Ilang Buwan.

Hindi ako lumalabas sa Bahay ni William basta nakakulong lang ako tapos dun lang sa Likod Bahay madalas na nagpupunta para makapagpa-araw.
Naka-alalay lagi si William saken hanggang sa Lumabas na yung Resulta ng Ultrasound.

Ideal (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon