Heard it

676 18 2
                                        

*Ideal*

Part31

Athena*
POV

Pagkatapos kong asikasuhin si Aedrian sa pagha Halfbath si Dereck naman ang nagbihis sa Anak nya.

"Matulog ka na agad ah? No no puyat na. May Pasok ka bukas sa School e." Sabi ni Dereck sa Anak nya.

"Yes Daddy." Sabi ni Aedrian.

Naupo lang ako dito sa Kama.
Nakangiti habang pinapanood yung mag-ama kong Busy sa pag-uusap tungkol sa Party kanina.
Nandito sila sa bandang Kanan ko.

"Super Happy!" Sabi ni Aedrian.

"Yeah?! Nakakatuwa yung mga Mascot noh. Sumasayaw. You love it?" Sabi ni Dereck.

"Opo! Gusto ko nung nag Play na din kami! Tapos may agawan ng mga Candies tapos yung kinanta nila Spongebob yung Pizza Song!" Sabi ni Aedrian.

Nakakatuwa si Dereck.
Nakangiti syang nakikipagsabayan sa sinasabi ng Anak nya.

"Hmm." Huni ko saka pumikit at nag-inat inat.

Pinapakiramdaman ko yung mag-ama ko.
Mukhang tapos na si Dereck sa pag-aasikaso sa Anak nya.
Naramdaman kong may Humalik sa Pisngi ko kaya idinilat ko na tong mga Mata ko.

"Good night Anak." Sabi ko.

"Good night Mama." Sabi ni Aedrian at humalik pa ulit sa Kanan pisngi ko.

Gumanti din ako ng Halik sa Kanya tapos binuhat na sya ni Dereck at mukhang ihahatid na sa Kwarto nya.

"Hmm." Huni ko habang nakatingin sa kanila na palabas na dito sa Kwarto.

Makalipas lang ang ilang Segundo bumalik na si Dereck tapos pinatay na nya yung ilaw.
Bumangon na ko kase magha Halfbath pa kame.

"Tara." Aya ni Dereck.

Nakangiti akong tumango-tango sa kanya.
Yung ilaw sa CR ang iniwan ni Dereck na nakabukas.
Nagpunta na kaming Dalawa sa CR tapos tinulungan nya kong maghubad.

"Damn, why so hot Wifey." Sabi ni Dereck.

"Dereck Gohongwei. Halika na. Magha Halfbath na tayo." Sabi ko.

Nakangisi ito saken.
Tinulungan ko na nga din itong hubarin yung Polo nya.
Kasunod ang butones nito sa Pantalon tapos sya na tong nagbaba pahubad nun.

Nauna na kong pumasok sa Shower Room.

"Hmm. Ang sarap ng Tubig. Maligamgam." Bulong ko.

Pumasok na din si Dereck dito.
Hinalikan nya ko sa Noo tapos nagsimula na kaming Dalawa.

Makalipas ang ilang Minuto

Pagkatapos naming maghalfbath nag Toothbrush naman kame pagkatapos din e lumabas na kaming dalawa dito sa CR na nakatapis nalang ng Twalya.

Kanya-kanya na kame sa pagbibihis.

"Pagkatapos ni Aedrian. Ikaw naman susunod na magbe Birthday." Sabi ni Dereck.

"Next Month pa naman yun. Matagal-tagal pa." Sabi ko.

"Alright, mag Beach tayo Next month?" Sabi nya.

"Ay, gusto ko yan. Hehe. Sige sige. Beach Birthday tayo." Sabi ko.

Sinampay na namin tong mga Twalya namen sa gilid ng Bintana tapos nahiga na kaming Dalawa ni Dereck saka natulog ng magkayakap.

**
Kinabukasan

Nagising ako sa yakap na mahigpit ng Anak kong naka Uniporme na.

"Good morning Anak." Sabi ko.

Ideal (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon