Ang totoong may Kasalanan

564 18 2
                                    

*Ideal*

Part29

Athena*
POV

Natigil ang panghaharot ni Dereck saken ng marinig namin si Aedrian.
Pagtingin ko kay Rowena Umiiyak ito habang tinitingala ang Anak nyang si Dereck na nakatingin lang din sa Kanya.

"Anong klaseng tanong yan Mom." Sabi ni Dereck.

Hindi ko alam kung saan ang Punta ng pag-uusap nilang mag-ina lalo't mukhang Galit pa si Dereck ngayon.
Humahagulgol na tuloy ng iyak si Rowena.

"Gusto ko lang malaman kung talagang nagmamahalan kayong Dalawa nyang Athena na yan." Iyak ni Rowena.

"Can't you see Mom?? Look at us... We're so Happy. Kumpleto kame. I am the Father. She's the Mother of my Son. We're Happy here. So,ibig sabihin Yes... We're inlove with each other. Matagal na. And you know it Mom." Sabi ni Dereck.

Napatakip Bibig si Rowena gamit ang dalawang Kamay nya habang salit salitan nya kaming tinitignan ni Dereck.
Tuluy-tuloy lang ang pag-agos ng Luha nya.

"Wena, bakit ba hindi ka maka-move on." Sabi ni Ninong Dean.

"Oo nga... Tyaka anong kinalaman ng Kapatid ko sa naging Relasyon ni Ninong at ng Mommy namen??? Besides, bakit Close na close kayo ni Tasya e Anak din naman ni Mommy Aliya yun?!" Sabi ni Kuya Aeron.

Bakas sa Reaksyon ni Rowena ang pagiging Aligaga.
Kung san-san tumitingin samen yung Mata nito at kung Sinu-sino nalang yung tinitignan nya na para bang naghahanap sya ng Kakampi.

"Tamana po." Sabi ni Aedrian.

Ayan.
Niyakap nya yung Apo nya.
Si Aedrian ang naging kakampi nya na Akala mong Aping api namin sya.

"Hays." Bulong ni Dereck.

"Maging masaya ka para sa Anak at Apo naten Wena... Wag mo ng ibalik yung nakaraan. Mag-move on ka na. It's been a Years... Hindi lang years kase Decades na yun. 2 Decades kaya makisama ka na." Sabi ni Ninong Dean.

Humahagulgol ng iyak si Rowena habang yakap-yakap nya si Aedrian.

Nagkatinginan kame ni Dereck.
Eto yung ayaw kong nakikita kay Dereck yung nagagalit.
Napapikit at napatingala ito at bakas sa Panga nya yung Gigil.

Alam kong kinokontrol nito yung Galit nya lalo't may mga Tao dito na kasama namen tapos nandito din ang Anak nya.
Hinawakan ko yung Kanang kamay nito saka ko pinipisil pisil para pampakalma nya.

"Hmm." Huni nito.

Tumingin na sya saken saka ngumiti.
Nilingon na nya ulit yung Mommy nyang nag-iiiyak parin habang yakap-yakap yung Anak namen.

"Mom,can you please stop it... Wag mong ipakita sa Anak ko na parang pinagtutulungan ka namen." Mahinahon na sabi ni Dereck.

Tumingin si Rowena sa Anak nya tapos..."Hindi ako nagpapaawa." Iyak nya.

"E anong ginagawa mo?" Sabi ni Dereck.

"Wena, tigilan mo na yan. Nakakahiya sa mga Bisita nila oh. Nagdadrama ka nanaman." Gigil na sabi ni Ninong Dean.

Tumigil na nga si Rowena sa pag-iyak nya.
Nanood nalang ulit sya ng T.V. habang yakap-yakap parin ang Anak ko.

Tumahimik nalang si Dereck pero kitang-kita kong gusto nitong Sumabog sa inis.

"Hays." Bulong ko.

Makalipas ang isang Oras

Tumayo na si Ninong Dean sa kinauupuan nya tapos...

"Athena, let's have a talk." Sabi nya saken na agad naman akong kinabahan.

Tumayo din si Dereck sa kinauupuan nya ganun din si Kuya Aeron tapos sumunod na din ako.
Nagpunta kame sa Terrace nitong Bahay dun lang sa Tapat na lagi naming tinatambayan ni Dereck.

Ideal (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon