Party party

549 14 4
                                    

*Ideal*

Part27

Athena*
POV

Kinakabahan ako.
Akala ko talaga pepwersahin ako ni Dereck dito sa Kama.
Nagkamali ako kase gusto lang pala nya na Matulog kaming Dalawa.

"Hays, jusko. Akala ko talaga." Bulong ko.

"Hehe, na Wow Mali ka Wifey. Grabe ka saken." Sabi ni Dereck.

Kinikiliti nanaman nya ko habang nakahiga kaming Dalawa dito sa Kama.

"Wag kang mag-alala sa Anak naten. Matalino yun tyaka Safe sya dito. Maraming Kasambahay yung nakapalibot sa Garden kaya hindi mapapano sila Aedrian." Sabi nito.

"Basta, wag mong tuturuan mambabae ang Anak mo para wala tayong Problema." Sabi ko.

"Sweetheart, nakadepende na kay Aedrian yun syempre. Hehe. Tyaka alam na nya yung ginagawa nya." Sabi nito.

Tinitigan ko si Dereck.
Seryoso ang Reaksyon nitong nakatingin saken.

"Dereck Gohongwei?! Bata pa si Aedrian. 3 palang. Magpo 4 palang ah. Panong alam na nya yung ginagawa nya." Sabi ko.

"Relax, as i said. Matalino yung Batang yun. Basta, matalino si Aedrian." Sabi nito.

Sumasakit ang Ulo ko sa pinaglalaban nito patungkol sa Alam ng Anak nya.
Sana lang paglaki ni Aedrian hindi sya makabuntis.

*
Kinahapunan

Lumabas na kame ni Dereck dito sa Kwarto saka nagpunta sa Ibaba dun sa Sala.
Saktong nandun na sila Aedrian, Gwen, Gwyneth at yung Yaya ng Dalawang Batang Babae.

Nakangiti silang nanonood ng Spongebob.

"Ed! Sabi mo malapit na Birthday mo. Hmm. Saan ka magpaparty Party?" Tanong ni Gwen kay Aedrian.

Ngayon ko lang nalaman na may Nickname sya sa Anak ko.

"Hmm." Huni ko't tiningala si Dereck na nasa Kaliwang banda ko.

Nakangiti lang ito habang pinagmamasdan ang Anak nyang nakikipagkwentuhan dun sa mga Kaibigan nyang Babae.

"Hindi ko pa alam e? Pero sila Mom at Dad ko ang Bahala. Kung saan sila Masaya... Masaya na din ako." Sabi ni Aedrian.

Nakaka-touch.
Pagtingin ko sa Anak ko e nakatingin sya samen ng Daddy nya tapos nakangiti.
Sinuklian ko sya ng Ngiti.

Ngiting may kasamang Luha.

"Mama? Bakit umiiyak ka po?" Sabi ni Aedrian.

"A'Uhm, Happy lang ako sa Sinabi mo Anak. Uhm, nakakatuwa ka talaga kase hindi ka Materialistic na Bata. Masaya ka na kung anong ibibigay sayo. Ganyan ang Good Boy." Sabi ko.

Nagulat pa ko kase tumalikod si Dereck patalikod sa mga Taong nandito sa Sala para lang itago na Umiiyak sya.
Nilapitan ko ito saka niyakap.

"Nakakatuwa yung Anak ko... Grabe, napakabait na Bata." Iyak nito.

Hinihimas himas ko ang Kanan Braso nito papunta sa Likod.
Humahagulgol ito ng iyak tapos nilapitan na tuloy kame ni Aedrian.

"Dad? Bakit po?" Sabi ng Anak ko na binuhat naman ni Dereck saka niyakap.

Nakangiti lang ako.
Nagyakapan kaming Tatlo.
Pinipigilan ko lang tong Luha ko na wag lalabas.

"Ang sarap nyong panoorin." Sabi ni Nay Eula.

Sa totoo lang hindi ko kasundo ang Matandang Babae na to kase isa sya sa nagpahirap saken Noon.
Kasabwat sya ni Rowena para saktan ako kaya pag may sinasabi ito e hindi ko nalang kinikibo.

Ideal (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon