Hinala

817 15 2
                                        

*Ideal*

Part32

Athena*
POV

8:48pm na pero wala parin si Dereck dito sa Bahay.
Nag-aalala na ko tapos naka ilang beses na kong tumatawag sa kanya pero hindi parin nya ko sinasagot.
Marami na din akong Text sa kanya pero ni isang Reply wala akong natanggap.

"Jusko, Dereck. Bakit ba ayaw mong sagutin yung Tawag ko. Bakit ayaw mong magreply." Bulong ko habang palakad lakad ako dito sa Terrace ng Bahay.

Pinagpahinga ko na si Aedrian dahil maaga pa ang Pasok nya sa School bukas.

*bip bip!

Busina na yun ng Kotse ni Dereck.
Tinignan ko yun sa Malayong banda tapos naka-alalay ang Dalawang Guards sa pagbubukas ng Gate para kay Dereck.

Nangiti ako ng pumasok yung Kotse nyang Itim.

"Ayan na." Bulong ko.

Nag Park sya ng Kotse tapos bumaba at patakbong Lumapit saken para yakapin ako ng mahigpit.

"D'Dereck? Umiiyak ka ba?" Sabi ko.

Humahagulgol ito ng iyak habang nakayakap saken kaya gumanti din ako ng pagyakap dito sa Asawa ko.

"Si Mommy... Si Tasya... Mag-ina sila... Narinig ko lahat-lahat. Hinuli ko si Mommy. Pinaamin ko sa dapat nyang Aminin saken. Hindi Anak ni Daddy si Tasya at hindi rin Anak ng Mom mo si Tasya. Anak sya ni Mommy ko dahil sa pagtatrabaho nya sa Bar. S'Sabi nya, pinaalagaan nya si Tasya sa Mom mo tapos hindi sinasabi ng Mom mo yun kay Ninong Teo kaya walang kaalam-alam si Ninong Teo na may inampon pala yung Mommy mo hanggang sa mamatay yung Mommy mo walang kaalam-alam si Ninong sa bagay na yun kahit si Aeron kase umalis din pala ang Mommy nyo saka nagpunta sa Australia para alagaan saglit si Tasya bago iwan sa isang Matandang Babae na sinasabi ni William saken. Yung Matandang Babae na yun Nanay pala ng Mommy ko. Bali Lola ko yung Matandang Babae na nag-alaga kay Tasya sa Australia." Iyak nito.

"Jusko!" Iyak ko.

Nakakabigla itong pangyayare hanggang sa...
Dumating naman ang Kotseng Asul na mukhang kay Ninong Dean.

Dali-dali gumarahe si Ninong tapos bumaba sya at umikot para buksan ang kabilang pinto kung san nandun si Rowena.
Kinaladkad ni Ninong si Rowena palabas ng Kotse.

"Grabe. Ang Mommy mo. Sya pala tong naglalaro saten. Hindi ako makapaniwala." Iyak ko.

"Nakaplano pala talaga to para makuha nya yung Building ng Mom mo. At para Saktan pa kita ulit. May bago silang Plano. Plano nila na mag Hire ng Lalake para landiin ka. Para magalit ako Sayo. Pinaplano talaga nila ni Tasya to." Sabi ni Dereck.

Sinabi pa nya ang Lahat-lahat saken.
Sa Nakaraan, sino si Tasya at kung anong Plano nila.
Gusto ni Rowena na maghirap kame ng Kuya ko dahil sa Inggit nya kay Mommy ko.

"Ang sama sama nila Dereck. Namatay ang Daddy ko at kasalanan ng Mommy mo yun. Kasalanan nya kaya nawala ang Daddy ko. Hindi ako papayag na ganun ganon nalang yun Dereck! Dapat makulong ang Mommy mo pati si Tasya. Mabubulok silang Dalawa sa pinaggagagawa nila. " Iyak ko.

Niyakap ako nito saka hinalikan sa Noo.
Napatingin ako sa umiilaw dun sa Gate.

Sumunod na dumating yung Kotse ni Kuya.
Pagka Garahe bumaba din si Kuya at dali-dali naglakad para buksan yung Pinto tapos kinaladkad nya si Tasya.

Sabay sila ni Ninong Dean na kinakaladkad yung mga Taong may Sala sa Gulo ng Pamilya.

"Ayan! Magpaliwanag kayo ngayon din mismo bago ko kayo ipakulong Dalawa!!" Sigaw ni Ninong at pabagsak na binitawan si Rowena kaya napa-upo ito sa Sahig ganun din ang ginawa ni Kuya kay Tasya.

Ideal (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon