Awat na

1.1K 18 2
                                    

*Ideal*

Part3
Warning!!

Athena*
POV

Umatras ako hanggang sa madikit na tong Likod ko sa Malamig na Pader dito sa CR.
Ngayong nakatayo na sa Harap ko itong Matangkad na Lalake naluluha Ako sa Takot.

Takot na baka Saktan nya ko kagaya ng ginagawa ni Dereck saken.

"Alam mo, maganda ka... Sexy at Makinis. Bakit hindi mo pa hiwalayan si Dereck para naman mapakinabangan kita." Sabi nito.

Nakakatakot itong Kano na to.
Kasing Bastos din ni Dereck ito kaya hindi na ko magtataka na magkaibigan sila.

"L'Lalabas na ko dito." Sabi ko.

Ayaw nya kong padaanin.
Talagang may pinapahiwatig ito saken sa Kilos nya ngayon.
Pinapadulas nya ang mga Daliri nya sa Braso kong Makinis tapos inaamoy nya yung Daliring idinikit nya saken.

Sobrang nakakatakot.
Kaya...

"Aa! Fuck you!" Hiyaw nito nang Tuhurin ko ang B*yag nya.

Tinulak ko sya saka ko patakbong lumabas dito sa CR.
Sinara ko tong Pinto tapos nag-iiiyak ako sa Takot.
Hindi ko alam kung Sino ang hihingan ko ng tulong.

"Jusko. Tulungan nyo ko!" Iyak ko.

May naririnig akong nagtatakbuhan papunta dito tapos bumukas yung Pintuan nitong Kwarto saka Pumasok si Dereck na galit na galit.

"What the Fuck is going on?!" Sabi nya habang papalapit saken.

"Y'Yung kaibigan mo binastos ako." Iyak ko.

"Open the door. Hayaan mo syang lumabas." Seryosong sabi nito.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Kung susundin ko ba ang Utos nito o dito lang ako kase Natatakot ako sa paglabas nitong Lalake at baka tulungan pa yun ni Dereck na Gahasain ako.

"I said! Open that Door! Bitawan mo yang Doorknob!" Sigaw ni Dereck saken.

Binitawan ko tong Doorknob tapos bumukas yung Pinto saka lumabas yung Lalaking Kano na nambastos saken.
Nakasimangot sya.

"That bitch! Patay ka saken! Aw. Fuck my... Shit." Galit na sabi nung Kano.

Umatras na ko tapos patingin tingin ako kay Dereck na nakatingin naman saken ngayon.
Seryoso ang Reaksyon nya kaya nakaramdam na ko ng Takot.

"Anong ginawa sayo ni William." Sabi ni Dereck saken.

Nanginginig akong nagpaliwanag kung paano ko nakita yung Lalake na pumasok sa CR saka ako pinalo sa Pwet ko tapos nilapitan pa ko't pinapadulas ang mga Daliri nya sa magkabilang Braso ko saka yon inaamoy.

Sumimangot si Dereck saka nya hinarap yung Kaibigan nya.

"What the Fuck Will! Binastos mo yung Asawa ko dito pa talaga sa pamamahay ko!" Sigaw ni Dereck.

"Bro relax?! She's the one Who seduce me? Inakit nya ko kanina sa Baba kaya umakyat Ako!" Sabi nung William.

"Inakit?! Sa itsura nyang yon kanina naakit ka? Are you fucking kidding me?" Gigil na sabi ni Dereck.

"Bro parang kilalang-kilala mo yang Magaling mong Asawa ah! Nag-iinarte lang yan kaya ganyan. Gusto nga nya yung mga Hawak ko e." Sabi nung William.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Dereck at sinapak nya tong William saka hinawakan sa Damit tapos kinaladkad palabas dito sa Kwarto.

Naiwan akong naginhawahan sa pangyayaring yun.
Akala ko talaga e bababuyin nila ko.

"Jusko, sana matapos na to." Iyak ko.

Ideal (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon