Be Happy

657 15 0
                                        

*Ideal*

Part30

Athena*
POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa Yakap ni Rowena saken ngayon.
Iniisip ko na baka pinaplastik lang ako nito kase nandito si Dereck na Asawa ko pati si Ninong na may Pangit pala silang Nakaraan kaya nagtatalo sila ng ganito.

Hindi ako makapaniwala na sa ganon pala nanggaling si Rowena tapos naka Jackpot sya kay Ninong Dean dahil Mayaman ang mga Gohongwei.

Napakaswerte nya kung tutuusin.
Pero ang isang katanungan na kailangan kong pag-aralan sa ngayon e bakit ito naglayas sa Loob ng isang Taon na gaya ng sinabi ni Ninong e nawala itong si Rowena na parang Bula.

"I'm sorry Hija. I'm really really sorry kung nasaktan kita dati... Kamukhang-kamukha mo kase ang Mommy mo kaya nagagalit ako sayo. I'm sorry." Iyak ni Rowena.

Hindi ako sumasagot.
Basta tahimik lang ako at nakatayo ng Diretsyo habang yakap-yakap nya ko.

"Alam kong hindi mo ko mapapatawad basta-basta and i understand that. Kasalanan ko yun na dapat kong pagdusahan. Basta maging Masaya lang kayo ni Dereck. Alagaan mong maigi ang Apo ko. Simula ngayon... Sisimulan ko ng kalimutan yung Sama ng loob ko na Ako naman ang may kasalanan. I'm really really Sorry Athena." Dagdag ni Rowena.

Nakayuko lang ako saka nakatingin dito sa Damuhang inaapakan namen.
Bumitaw na ito ng pagkakayakap nya saken tapos pumulupot naman ng Yakap saken ngayon si Dereck.

"Mom, tamana. Okay?? Hindi lang ako ang maaapektuhan. Pati si Aedrian kaya tigilan mo na to. Kung may dapat na magtanim ng Sama ng loob dito si Athena yun kase sya yung naagrabyado naten. Hayaan naten syang magpatawad.  Sya lang ang pwedeng magkaroon ng Sama ng loob dito. Hayaan naten tong Asawa ko na mag-move on sa Paraan na alam ko. Pasasayahin ko sya. Basta patahimikin mo muna kame... Pwedeng pwede mong puntahan yung Apo mo dito basta hayaan mo lang si Athena. May Trauma pa sya sa nangyare dati kaya please lang... Wag mong lalapitan tong Asawa ko magmula ngayon." Sabi ni Dereck.

"O'Oo. I'm sorry Anak... I'm sorry Athena. Simula ngayon hindi ko na ibabalik yung Usaping nakaraan alang-alang sa Apo ko. Para na rin makabawas na ko sa kasalanan ko sayo Athena. Again, i'm really really sorry." Iyak ni Rowena.

Naluha nalang ako at wala ng gusto pang sabihin dala ng pagkabigla dito sa nangyare ngayon.

"Halika na." Sabi ni Ninong Dean sa Asawa nya at dali-dali na silang sumakay sa Kotse.

"Are you Okay?" Sabi ni Dereck saken.

Tiningala ko ito saka ko tumango-tango.
Niyakap nya ko paharap saka hinalikan sa Noo.

"I'm sorry." Bulong nito.

"Wala kang dapat ihingi ng Sorry." Sabi ko.

"Meron... Ako yung Unang nanakit sayo e. Kaya simula nung magsama tayo dun sa Apartment hanggang dito gagawa ako ng Paraan. I'll make you Happy. I want you to be Happy. Always." Sabi nito.

Tinignan ko sa mga Mata si Dereck saka nya ko hinalikan sa Labi tapos niyakap ulit.

"I love you." Sabi ko.

"I love you more." Sabi nito.

Nilingon na namin yung Kotse ng Daddy nya na umaandar na ngayon.

"Hmm. Tara na sa loob. Malamang nagtataka si Aedrian sa nangyare saten ngayon." Sabi nito.

Inakay na ko ni Dereck.
Naglakad na kame saka lumapit kila Kuya na nakatayo dun sa Pintuan ng Bahay habang nakatingin sila Samen.
Mukhang nasa Sala si Aedrian.

Ideal (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon