Akala ko Pag-ibig na

873 19 3
                                    

*Ideal*

Part9
SPG

Athena*
POV

Sa Unang Araw ng pagsasama namin ni Dereck ngayon na nagbabago na sya.
Ginagawan ko parin ng paraan kung paano ko makaka-usap si Kuya.

"Pupunta ako sa Office ni Kuya ngayon." Sabi ko.

"Sasamahan kita." Sabi ni Dereck.

"W'Wag na. Gusto ko kase na mapag-isa." Sabi ko.

Naupo ako dito sa Kama tapos nilapitan ako ni Dereck saka tinabihan at niyakap.

"Okay, sige... Basta mag-iingat ka. Gamitin mo yung Car ko ah. Chat or Call mo ko pag nandun ka na para alam kong nakarating ka ng maayos dun." Sabi nito.

"Okay. Salamat ah." Sabi ko at tumingin sa Mukha ni Dereck.

Hinalikan nya ko sa Noo tapos tumayo na ko dito sa kinauupuan ko para makapag-ayos.
Pagkatapos kong magsuklay inabot nya saken yung Susi ng Kotse nya.

Tinanggap ko ito.
Naglakad na ko palabas dito sa Kwarto.
Bumaba ako at naglakad pa hanggang sa makalabas dito sa Bahay at makasakay sa Kotse ni Dereck.

Pinaandar ko ito.
Habang nasa byahe ako nagdadasal ako na Sana magka-ayos na kame ni Kuya.

**
Pagdating dito sa Jewels Corp. na pinagtatrabahuhan ni Kuya nakita ko si Pia.
Si Pia yung Girlfriend nya.

Sa totoo lang hindi ko gusto ang Pia na to kase Malandi sya at napatunayan ko yun.
Ilang beses ko na syang nahuli na nakikipaglandian sa iba't ibang Lalake.

"Athena. Hi. Why are you here?" Sabi nito habang papalapit saken.

Niyakap nya ko ng Mahigpit tapos bumeso pa ito.

"Gusto ko sanang maka-usap si Kuya." Sabi ko.

Ang kaninang Masayang Reaksyon nito napalitan ng Lungkot.

"Hmm. Halika. Nandun sya sa Office nya e. Mas maganda nga kung magka-ayos na kayo." Sabi nito.

"Salamat Pia. Sana nga." Sabi ko.

Inakay na nya ko saka kame naglakad at sumakay sa Elevator.

*
Pagdating dito sa Opisina ni Kuya.

Sumimangot yun saken saka ko binato ng Baso na agad namang tinabig ni Pia.

"Babe! Stop it. Wag mong saktan ang Kapatid mo! Nandito sya para makipag-ayos hindi para Tratuhin mo ng ganyan." Gigil na sabi ni Pia.

"Ayokong makita ang pagmumukha mo dito Athena. Umalis ka na! Diba nga simula kahapon hindi na tayo magkapatid. Oh, i mean is simula nung atakihin si Daddy... Hindi na kita Kapatid." Galit na sabi ni Kuya.

Naiyak lang ako sa narinig ko.
Inaaway tuloy sya ni Pia dahil sa sinabi nya saken.
Nagsisigawan silang Dalawa dito sa Office kaya Umalis nalang ako.

"Ang sakit." Iyak ko.

Habang naglalakad ako papunta sa Elevator Umiiyak ako hanggang sa makasakay ako dito.
Hanggang sa makarating ulit ako sa Parking Lot umiiyak ako.

**
Bumalik nalang ako dito sa Bahay ni Dereck.
Nakita ko ang Asawa ko na Malungkot nang makita nyang Umiiyak ako.

Sinalubong nya ko ng Yakap na Mahigpit.

"Shh, tamana. Wag ka ng Umiyak. Siguro kailangan mo munang hayaan ang Kuya mo." Sabi ni Dereck.

Humahagulgol ako ng iyak habang nakayakap dito sa Bewang nya.
Para kong Bata.

Ideal (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon