Happy Time

898 25 4
                                        

*Ideal*

Part19

Athena*
POV

Nanla-laki ang mga Mata ko tapos tinignan ko si Dereck na ganito din ang Reaksyon habang tinitignan ang Anak nya sa hindi kalayuang banda.

"Tignan mo yung Anak mo. Ang Bata bata palang nambababae na oh." Sabi ko.

"Hala, nakikipag Kiss sya. Naiinggit ako." Sabi nito.

Nagsimula nanaman ito sa pangingiliti nya sa Kanan Balikat ko gamit yung Baba nya.
Halos maluha ako katatawa.

Makalipas ang ilang Minuto

Salamat at tumigil na si Dereck sa pangingiliti nito saken.

"I'm so Happy." Sabi nito na nilalapit pa ang Mukha nya sa Mukha ko.

"I'm Happy too... Sana totoo na yan. Sana hindi na maulit yung Dati kase hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Baka hindi na kita mapatawad ng tuluyan." Sabi ko.

Nangiti ito saka humalik sa Pisngi ko.
Nangiti na din ako kase nakakaramdam Ako ng Kilig.

Pero hangga't maari hindi Ako bibigay basta-basta.
Kaya kame ganito ni Dereck para sa Pasimula ng pagsasama namen at para kay Aedrian to.

Para isipin ng Anak namen na Kumpleto na Kame.

"Pinapangako ko sayo. Hindi na kita Ulit Sasaktan. Hinding-hindi. Seseryosohin ko na tong Nararamdaman ko tyaka para sa Pamilya naten to. Magpapakabait na ko." Sabi nito.

Tumingin ako dito sa mga Paa ko Payuko.
Dito sa Harapan kong to.

"Hm. Dapat lang magpakabait ka na. Para sa ikakaayos ng pagsasama naten to at para pagkatiwalaan kita Ulit... Alam mo. Gabi-gabi akong Umiiyak nung pinagbubuntis ko si Aedrian. Salamat nalang talaga kase, sinubaybayan ako ni William dahil kung Wala akong katuwang na Gaya nya... Baka nabaliw na ko. Baka, Wala na ko sa mundong ibabaw... Sobrang Lungkot ko nun. Pero buti nakayanan ko." Sabi ko.

Hinawi nito ang Buhok ko saka inipit dito sa Likuran ng Kanan Tenga ko.

"Kinwento saken Lahat-lahat ni Will... Sobrang nagsisisi talaga ako Athena. I'm really sorry Mahal ko. Nagkamali ako... Hm. Pero simula ng Umalis ka. Malungkot na malungkot ako. Sobrang Lungkot na muntik pa kong magbigti kase Wala ka na. Iniisip ko na hindi mo na ko gugustuhin pagkatapos nung mga Narinig mo saken... Sorry Athena. Simula ngayon. Aalagaan ko kayo ni Aedrian. Magiging mabuting Padre De Pamilya ako sa Pamilya naten." Mahinahon na sabi nito.

Hinawakan nya ko sa Kaliwang Pisngi para palingunin sa kanya na ginawa ko naman.

"I'm so sorry. I Promise. Wala ng kahit na Sino ang makakasira saten. Wala na... Magiging Masaya tayo and i'll make sure of that." Sabi nito.

Ngumiti ako na may Halong Lungkot parin sa mga Mata ko at alam kong nakikita nya to.
Nilapit nya tuloy ang Mukha nya at ang Mapulang Labi nya para Mahalikan ako tapos aatras sya at Hahalik ito ng Matunog tapos aatras ulit para tignan ang Reaksyon ko.

Naluha ako kase talagang ginagawa nya saken to kahit Noon pang bagong Kasal kame na sinasaktan pa nya ko.

"Hey. Don't cry." Bulong nito.

Sumisingkot-singkot ako habang pinupunasan nito ang Luha ko dito sa magkabilang Pisngi ko.

"Naalala ko kase.. Lagi mo yang ginagawa saken pag sinasaktan mo ko. Ayaw kong buksan yung Nakaraan kaso naaalala ko lang. Pakiramdam ko kase pagkatapos mo kong Saktan e pinagsisisihan mo din yun kaya nilalambing mo ko ng Halik na ganito." Iyak ko.

Naluha na tuloy sya.

"Tama ka... Sising-sisi ako nun tapos ina-aya ko yung mga Kaibigan ko para lang may maka-usap ako nun. Kaya alam Lahat nila Will, Yasser at Cole pag may Problema ako. Aayain ko sila ng Inom tapos harap-harapan nila. Umiiyak ako e hindi pa naman ako iyakin na Tao." Iyak nito.

Ideal (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon