Paano na ang Moving On

1.1K 26 0
                                    

*Ideal*

Part4

Athena*
POV

Nag-ayos na ko ng Gamit ko ngayon para Bukas e makakapag Bonding nalang kame nila Kuya at Daddy sa Mall.

"Make sure na Kompleto yang mga Dala mo ah. Hmm. Bakit kase mapilit ka Anak... Dapat dito ka nalang e. Kasama mo yung Kuya mo." Sabi ni Daddy habang nandun sya't nakatayo sa Pintuan nitong Kwarto ko.

"Dad, kailangan kong gawin to. Naiintindihan mo naman siguro ako na gusto kong makalayo sa Lugar na to... I need a break Dad." Sabi ko.

Nilingon ko si Daddy na malungkot ang Reaksyon habang nakatingin sa Sahig nitong Kwarto ko tapos dahan-dahan nya kong tinignan mula sa Paa hanggang dito sa Taas.
Sa mga Mata ko.

"Sobrang nagsisisi ako. Sana pala hindi na kita pinakasal kay Dereck. Naging Miserable ka dahil sa kagustuhan kong maisalba yung Building naten yung Company na pinaghirapan ng Mommy nyo. Akala ko pa naman may Gusto sayo yun... Nagkamali ako. Nagkamali kame ng Kuya mo. Simula nung makasal kayo gustong gusto naming magpunta ng Kuya mo sa Bahay ni Dereck kaso lagi nilang sinasabi na hindi pa kayo Pwedeng Istorbohin dahil nagha Honeymoon pa kayo.. I'm sorry Anak. Sana pala napansin ko na yung ganon na may Mali na pala kaya ayaw nila kameng papuntahin dun. Sana maaga palang nailigtas na kita." Iyak ni Daddy.

Naluha ako.
Ang akala ko kase Wala na silang pakialam Saken ni Kuya.
Yun pala e may pumipigil sa pagkikita namin.
Alam kong sila Dereck, Ninong Dean at Rowena yun.
Madalas ko silang mahuli nun na nag-uusap at pag nasa Paligid na ko iniiba nila ang Usapan.

"Nung Birthday mo sobrang Lungkot namen ng Kuya mo. Pinakiusapan ko si Dereck kaso may Sariling Date raw kayong Dalawa kaya... Kame nalang ang nag Celebrate ng Kuya mo kahit Wala ka sa Sariling Birthday mo. Nagpagawa kame ng Poster mo tapos nag Picture kame ng Kuya mo kasama ka para Kunwari katabi kita. Sobrang lungkot ko nun Anak. Nasanay kase kong Kasama ka tapos nagka-asawa ka lang Wala na... Akala ko ikaw na tong may Ayaw na makipagkita samen ng Kuya mo. Ang iniisip ko e baka Masama parin ang Loob mo kase nga pinilit ka namen sa Kasal na ayaw mo. Nag Focus ako sa Company kasama ang Kuya mo hanggang sa Umabot ng Undas na hindi manlang tayo nakadalaw ng magkakasama sa Puntod ng Mom nyo. Hanggang Birthday ko. Birthday ng Kuya mo wala ka. Basta sobrang Lungkot Anak. Pag naiisip ko yung Video nyo ni Dereck yung ginagawa nya sayo dun nanggigigil ako sa Sarili ko. Naiinis ako. Kase Umabot ng Isang Taon ang paghihirap mo." Iyak ni Daddy.

Nag-iiyakan kame ni Daddy.
Naupo ako dito sa Paanan ng Kama ko tapos Humahagulgol Ako habang nakayuko.

Simula nang dumating Ako dito sa Bahay hindi ko kase sila kinakausap.
Ngayon ko lang Nalaman lahat to.

"Sorry Anak... Sorry. Kaya hangga't maari gusto namen ng Kuya mo na bumawi Sayo. Para bumalik tayo sa Dati... Naalala mo nung pinagbuhatan ka ng Kuya mo ng Kamay kase sinagot sagot mo ko. Pagkatapos nun Umiyak sya. Sising-sisi sya sa Sarili nya nun. Nalungkot din ako pero ang iniisip kase namen nun e yung Kinabukasan mo na hindi naman namin akalain na Ganon ang Trato ni Dereck sayo. Kasabay pa nun iniisip din namen ang Naiwang alaala ng Mom nyo... Yung Building. Kaya kinagat ko yung Alok ni Dean saken kase Sabi nya matagal nang may Gusto si Dereck sayo kaya nga raw binubully ka nya Noon. Yun ang nakatatak sa Utak ko. Na baka nga Pag-ibig na yung sa inyo ni Dereck. Pero Mali... Sobrang nagkamali kame ng Kuya mo." Iyak ni Daddy.

Sumisingkot-singkot lang ako dito saka nya ko nilapitan at tinabihan.
Nandito sa Kanan ko si Daddy.
Pumulupot ito ng yakap saken habang nag-iiyakan kame.

"Sorry talaga Anak. Patawarin mo ko." Iyak nito.

Umiiyak ako na parang Bata dito sa Bisig ng Daddy ko tapos hinalikan nya ko sa Ulo.
Kinuha nito yung Cellphone nya sa Bulsa saka pinakita saken yung Poster na pinagawa ni Kuya.
Nag-iiiyak ako habang pinapakinggan ang matatamis na Salita ng Ama ko.

Ideal (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon