*Ideal*
Part15
Athena*
POVMaiiyak na ko sa sobrang pag-aalala kung nasan na si Aedrian hanggang sa...
"Mama!"
Lumingon ako sa likuran ko kung saan ko narinig yung nag *Mama* na yun tapos si Aedrian na pala yun na patakbong lumapit dito saken yakap-yakap yung Teddy Bear nya.
"Jusko, saan ka ba nagpunta? Kanina pa ko naghahanap sayo." Sabi ko at hinarap ang Anak ko saka niyakap at binuhat.
"Uhm, namasyal lang po Ako. Nagtingin tingin lang po ako sa Paligid." Sabi nito.
"Hays. Osha. Uuwi na tayo sa Apartment ah. Wag ka ng lalayo ulit saken kase baka mamaya may kumuha sayo tapos hatiin yang Tyan mo. Gusto mo ba yun?" Sabi ko.
"Ayaw." Sabi nito.
"Hmm. Basta wag ng lalayo ah." Sabi ko.
Tumango-tango na ito tapos binaba ko na ulit sya para makapaglakad lakad habang hatak-hatak ko dito sa Kanan Kamay ko yung Malaking Maleta na pinaglagyan ko sa gamit naming mag-ina.
"Mama? Pupunta po ba sa Apartment si Ma-mah." Sabi nito.
Si William ang tinutukoy nito na Ma-mah.
"Uhm, hindi ko sure Anak e. Baka busy si Ma-mah sa Work nya pero pag hindi naman Busy yun gagawa sya ng paraan para puntahan ka sa Apartment. Miss na miss mo na si Ma-mah ah." Sabi ko.
"Sobra po... Excited na din akong mag-aral! Yehey! Papasok na ko sa School!" Hiyaw nito.
Nangingiti ako habang naglalakad kaming Dalawa palabas dito sa Airport.
Saktong may Taxi na kaya sumakay na kame ni Aedrian.
Sinabi ko sa Driver yung pupuntahan namen na Village at umandar na to.**
Habang nasa Byahe.Tinitignan ni Aedrian yung mga Billboard hanggang sa makita namen si Dereck Gohongwei.
Base sa Itsura ni Dereck e wala namang nagbago sa kanya.Gwapo at Makisig parin.
"Hmm." Huni ko.
Iniisip ko tuloy kung hanggang ngayon e nagtatangka parin si Dereck na Hanapin ako kase nung mag Birthday si Aedrian kinailangan naming Umalis mag-ina saka nagpunta sa Cebu para makapagtagu-tago.
Ngayon na nag Birthday ng 3 si Aedrian kailangan naming bumalik dito sa Manila para makapag-aral na ito.
Magsisimula naman akong magtrabaho para may sarili kaming Pera at hindi na umaasa kay William.Sobrang hiyang-hiya na ko sa dami ng nagawa ni William para saming mag-ina na dapat nga hindi nya yun pinoproblema.
"Mama, diba Artista po si Dereck Gohongwei?" Sabi ni Aedrian.
Tinignan ko tong Anak ko na seryoso ang Reaksyon habang nakatingin saken.
Hindi mapagkakailang Anak ni Dereck ito.
Habang lumalaki nagiging Kamukha nya ang Ama nya.Nakakabahala naman ito para Saken.
"Mama?" Sabi nito.
"Oh'Uhm. Anak hindi sya Artista." Sabi ko.
"E bakit pinapalabas sya sa T.V. tapos may Billboard sya. Hmm. Siguro sa sobrang dami nyang Pera binili na nya yung T.V. Station tyaka yung nagbi Billboard." Sabi nito.
Nanla-laki ang mga Mata ko.
"Anak, bakit ba binabanggit mo yung Gohongwei na yun." Mahinahon na sabi ko.
"Oh, nakita ko po kase sya kanina sa Airport." Sabi nito.
"A'Ano?! Anong nakita mo sya kanina?!" Hiyaw ko.

BINABASA MO ANG
Ideal (COMPLETE)
RomanceR🔞 𝙔𝙤𝙪 Are His Ideal Woman... But He is N̶O̶T̶ your Ideal Man.. You're G᩶oo᩶d᩶.. He's E̾v̾i̾l̾.. "Bakit nya ko ginaganito... Bakit Ako pa ang Napili nyang Saktan ng Ganito"--- Athena. "Gagawin mo lahat ng Gusto ko dahil Bayad ang Daddy ko sa Dad...