*Ideal*
Part22
Athena*
POV
Kaya Kinabukasan din ng Hapon pinabantayan ko si Aedrian kila Joao, Jillian at Sophie na kagagaling lang nila sa Trabaho.
"Makikipagkita ako sa Kuya ko." Sabi ko.
Nakisali ako sa kanila dito sa Sala tapos inaayusan ako ni Sophie at sinusuotan ng Wig.
"Mag-iingat ka Athena. Sana maayos na to. Tyaka sana mahuli na yung nanggugulo na yun. Hays, sana mapakulong mo yang Tasya na yan pag Sya nga tong gumagawa ng Kwento patungkol sa Kuya mo." Sabi ni Joao.
"Grabe, hindi ako makapaniwala na may Kapatid ka na gaya nung Tasya na yun." Sabi ni Sophie.
"Ewan ko ba... Nabibigla din ako sa mga nangyayare e." Sabi ko.
Nag-aalala ang Reaksyon ni Jillian.
Nginitian ko sya tapos hinawakan nalang nya tong Kanan Kamay ko.
"Basta Athena, mag-iingat ka. Tyaka eto na yun. Makaka-usap mo na si Kuya Aeron. Sana maliwanagan na tayong Lahat. Tyak na nag-aalala na sila Mama at Papa sa Cebu nyan kase hanggang ngayon may Gulo parin sa Pamilya." Sabi ni Jillian.
"Sana nga Matapos na to... Salamat. Kayo ng bahala kay Aedrian ah. Hindi ko alam kung anong Oras kame babalik nila Will at Dereck dito e." Sabi ko.
"Kame ng bahala." Sabi nito at bumitaw na sa pagkaka-hawak nya sa Kamay ko.
Nilingon ko naman si Dereck na Busy sa pakikipag tawagan kila Yasser at Cole na ina-aya nya para palabasin na magkakasama silang magbabarkada kung sakaling may susunod samen mamaya.
"Hmm. Okay okay. Pupunta na kame mayamaya." Sabi ni Dereck.
Binaba na nya yung Tawag tapos nilingon nya ko saka nginitian.
"Ayos yang Suot mo... You look Hot on it. Bagay talaga sayo yung Pula." Sabi nya.
Ngumiti ako kase naalala ko na halos lahat ng Gamit ko na galing sa Kanya e puro Kulay Pula.
Mapa Panty, Bra, Medyas, Sando, Short o Dress kahit Pantulog ko puro Red.
"Ayos yan kaso napakaiksi ng Dress mo. Baka hindi ko makontrol yung Sarili ko sige ka." Sabi nya.
Nagtawanan tuloy tong mga Kasama namen dito.
Si Aedrian lang tong nagtataka.
"Dad, bakit naman po hindi mo makokontrol Sarili mo? Ganun ba talaga pag mag-asawa." Sabi ni Aedrian.
Nilapitan ni Dereck ang Anak nya saka binuhat at niyakap.
"Anak, nakita mo naman ang Mom mo. Napaka Ganda at Napaka Sexy oh kaya baka magkaroon ka ng Kapatid. Gusto mo ba yun?" Sabi ni Dereck.
"Woah! Gusto ko po yun!" Sabi ni Aedrian.
Nakangiti lang ako habang pinapanood sila na naglalambingan at nag-uusap ng tungkol sa Baby Girl na Gusto ni Aedrian.
"Hay nako. Si Dereck talaga Oo." Sabi ko.
"Nakaka-excite yan. Hihi. Gusto ko din ng Baby Girl." Sabi ni William.
"Oh William. Pwedeng-pwede kung gusto mo mamaya gagawa na tayo?" Sabi ni Sophie.
Tuwang-tuwa sila Joao at Jillian sa pagtatalo nila William at Sophie habang inaayusan ako.
"Grabe, may pagnanasa ka pala kay William." Sabi ko kay Sophie.
"Nako Athena. Matagal na! Haha! Kahit nung nasa Cebu tayo gusto ko na sya." Sabi ni Sophie habang nilalagyan ako ng Pekeng Pilikmata.
"Sabunutan pa kita dian e." Sabi ni William.
BINABASA MO ANG
Ideal (COMPLETE)
RomanceR🔞 𝙔𝙤𝙪 Are His Ideal Woman... But He is N̶O̶T̶ your Ideal Man.. You're G᩶oo᩶d᩶.. He's E̾v̾i̾l̾.. "Bakit nya ko ginaganito... Bakit Ako pa ang Napili nyang Saktan ng Ganito"--- Athena. "Gagawin mo lahat ng Gusto ko dahil Bayad ang Daddy ko sa Dad...
