*Ideal*
Part24
Athena*
POV
Sabay kaming tumingala ni Dereck dahan-dahan.
Sabay din kaming ngumiti sa Anak naming si Aedrian na nakanganga at tumutulo pa ang Laway habang salit salitan nakatingin samen ang mga Mata nya.
"Mama, Dad. Ano pong ginagawa nyo?" Sabi nito.
"A'Uhm, Anak. Nagkwekwentuhan lang kame ni Daddy mo." Sabi ko.
"Y'Yeah. May pinag-uusapan kame ni Mom mo. Hehe. Gising kana pala?" Sabi ni Dereck.
"Kanina pa po ako gising... Sinusuklayan ko si Mama." Sabi nito.
"G'Ganun ba. Oo nga pala yun ang libangan mo paggising. Hehe." Sabi ko at tinignan si Dereck na nakapatong parin saken.
Kumilos ito ng mabilis kung san gumulong sya pakaliwa ko para mapahiga.
Bumangon paupo si Dereck tapos nagkakamot ng Ulo habang nakatingin sa Anak nya.
"Anong Oras na ba." Sabi ni Dereck.
Tumingin ako dun sa itaas ng Pintuan nitong Kwarto kase may Orasan dun.
"Uhm, 5:30 na pala. Magluluto na ko." Sabi ko saka bumangon na.
Tumayo ako saka naglakad palabas dito sa Kwarto.
Iniwan ko silang mag-ama.
Bahala si Dereck magpaliwanag kung anong ginagawa namin kanina.
"Hmm." Huni ko habang papunta sa Kusina.
Sinimulan ko ang pagsasaing.
Makalipas ang ilang Minuto e nagluto naman ako ng Adobong Baboy saka nagsalang para maglaga ng Itlog.
"Hays. Nakakahiya." Bulong ko.
Nahihiya tuloy ako sa Anak ko.
Ayokong mamulat agad si Aedrian sa ganun kase Baby pa sya at nasa Tatlong Taon gulang lang.
Mag a Apat palang.
"Jusko. Si Dereck kase e." Bulong ko.
Makalipas ang ilang Minuto
Sakto na tapos na tong niluluto ko lumabas na sa Kwarto yung mag-ama ko saka dumiretso sa Sala.
Naupo sila sa Sofa tapos nagbubulungan.
"Hmm." Huni kong nagtataka na para bang seryoso ang pinag-uusapan nila.
Naghain na ko pagkatapos nakisali na sa kanila.
Pagka-upo ko dito sa Tabi ni Dereck bigla nalang silang huminto sa pagbubulungan nila.
"Hoy, anong pinag-uusapan nyo?" Sabi ko.
Nakangiti silang lumingon saken.
"Mama, gusto ko na po ng Kapatid." Seryosong sabi ni Aedrian.
Nanla-laki tuloy itong mga Mata ko.
Tinignan ko si Dereck na nakangisi naman saken ngayon.
"Dereck Gohongwei. Anong sinabi mo sa Anak mo." Sabi ko.
"Well, i'm just telling him na gumagawa tayo ng Baby?" Sabi nito.
"Bad ka. B'Bakit mo sinabi na ganon e hindi pa naman tayo papunta dun?" Sabi ko.
"Mama, gusto ko na po ng Kapatid." Sabi ni Aedrian.
Grabe...
Sinusulsulan ni Dereck yung Anak nya para maka Score sya saken.
"Gusto ko na din talaga magka Baby." Sabi ni Dereck.
"G'Gusto ko din naman kaso diba masyado pang maaga para saten?" Sabi ko kay Dereck.
"Athena, hindi na tayo pabata para dun. Isa pa... Pinagsisisihan ko na sinaktan kita Noon. I promise. Hindi na mauulit yun. Aalagaan kita. Mamahalin. Mamahalin ko kayo ng Anak naten. Pangako yan." Sabi ni Dereck.
BINABASA MO ANG
Ideal (COMPLETE)
RomanceR🔞 𝙔𝙤𝙪 Are His Ideal Woman... But He is N̶O̶T̶ your Ideal Man.. You're G᩶oo᩶d᩶.. He's E̾v̾i̾l̾.. "Bakit nya ko ginaganito... Bakit Ako pa ang Napili nyang Saktan ng Ganito"--- Athena. "Gagawin mo lahat ng Gusto ko dahil Bayad ang Daddy ko sa Dad...
