Chapter 12

283 20 0
                                    


CHAPTER 12

"Syd, you ready?" Kuya Steven shouted outside the door. Tapos na akong ayusan at suot suot ko ang Champagne sheer gown na pinili ni Grandma kaninang umaga.

"I am." Sambit ko ngunit bigla akong tinakasan ng tapang na lumabas nang maalala ang ginawa namin ni Alistair nakaraang araw sa kwartong ito.

It's already our Royal Camp 'Opening Ceremonial'. Kahapon ay tinawagan ako ni Tita Lize kung pwede raw akong pumunta sa mansion nila pero umaway ako.

Nahihiya pa rin kasi ako sa nangyari sa amin ni Ali rito lalo na't ako ang nag-initiate ng kiss. Ni hindi ko nga alam paano ko siya naitulak at napalayas sa kwarto ko bago mapunta sa kung saan ang halikan namin.

Wala ako sa sariling kumain kanina. Nagtataka rin ang iba kung bakit tahimik ako.

Paano naman, nabanggit na pupunta ang mga Williams dito bago kami umalis papuntang venue. Buong araw akong nag-off kahapon ng phone kaya hindi ko alam kung may text ba si Ali sa akin o wala. Hindi rin ako halos makababa. Baka mamaya ay masalubong ko siya.

Kabado man sa muli naming pagkikita ngayon ay pilit ko itong isinantabi nang tumayo na ako para lumabas. Iniwan na rin kasi ako ng Glam Team kanina.

Gusto kong mapag-isa.

"You look amazing." My eldest brother sweetly smiled at me while putting my hand around his arms.

Ngumiti lang ako pabalik.

Sanay na ako sa ganitong entrada ko kada may okasyon kaming pupuntahan. Pero kakaiba ang nararamdaman kong panlalamig sa aking tyan dahil baka nasa baba nitong Grand Staircase si Alistair.

Nakababa na kami ni Kuya Steven, mga nakangiti sila nang salubungin kami. Nakahinga ako sa kaloob looban ko nang wala akong mahagip na Alistair Laurent na nakapaligid sa akin ngayon tanging magulang niya lamang.

"Ready na ang sasakyan sa labas. Go now kids." Sambit ni Tito Amory sa amin.

"You're so gorgeous as ever, Sydney." I smiled at Tita Lize's appreciation. She's always saying good things to me everytime I see her.

"Boys! Take good care of Sydney." Mariin na paalala ni Grandpa kasabay ang seryosong titig ni Daddy sa tatlo.

Seryoso man sila ay birong ngumiti ang tatlo at wari'y nagsaludo pa.

"Enjoy, sweetheart." Grandpa kissed my cheeks bago kami hinatid sa labas.

"Hindi ka ba kinakabag?" Tinig ni Liam ang narinig ko, siya pala ang kasama ko sa limousine ngayon.

Dalawang White Limo kasi ang maghahatid sa amin ngayon at nandoon sa isa sila Adam at Steven.

"Shut up." Sabay irap ko dahil alam kong aasarin na naman niya ako.

Sumandal na lang ako at naghintay na makarating kami sa Venue. Nasa Seaside iyon kaya may Cruise ship ang nakaangkla doon para sa pag-alis namin papunta sa Private Island na nakalaan para sa Royal Camp namin pagkatapos ng Opening.

"Wait 'til someone open your door side, Ate Syd." Liam uttered, he was about to go out.

My forehead creased.

"Why?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Ang mga security na nakasunod sa sasakyan namin ay humilera na para sa takdang pagbaba namin.

Kami 'ata ang may pinakamaraming Black men na nakasunod dito. Napapailing na lang ako sa sobrang higpit sa sekuridad ng pamilya ko.

What more if Mama knows this Royal Camp thing. She will surely assign more men to secure us.

Taming the Elegant (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon