CHAPTER 18"He's so rude!" Reklamo ni Kyomi nang matapos na ang maikling oras ng training namin.
Kanina pa siya naglalabas ng inis niya sa nagturo sa kanya habang umiinom ako ng tubig sa gilid.
"Hayaan mo na, Kyomi. Gusto mo bawian mo na lang bago sila makaalis." Panga-asar ni Tanya.
Napailing ako sa kanilang dalawa. Si Tanya ay maayos naman daw ang pagtuturo sa kanya. At sa akin? Okay naman, pansin ko lang na medyo aggressive ang galaw niya. Muntik na nga akong madaplisan sa hita ko kung hindi lang mabilis ang reflexes ko at nakaiwas.
Ang isa ipinagtataka ko ay bakit parang mga tunay na espada ang dala nila.
Hmm.
I wonder who he is. Wala akong ideya kung magtatanggal ba sila ng balabal sa mukha nila. Pero parang walang mga balak.
"Did you rest a little?" Tanong sa aming lahat ni Mister Smith.
Tumango naman kami kahit na pansin ang pagod sa itsura ng iba. Basang basa na rin kami ng pawis.
"I'll give you all time to change into comfortable fencing clothes. We will start our Sword Fighting in a minute."
"Yes, Mr. Smith." They all replied.
"Okay and after that ay pumunta na kayo sa likod ng manor. Sa inilaang espasyo para sa gaganapin na laban."
Nang makaalis na siya ay pumasok na rin kami para makapagpalit.
"Kita na lang tayo roon." Ani nila Kyomi at Tanya. Tumango ako sa kanila.
Nagulat ako nang maabutan ang dalawa kong kapatid na nasa loob ng kwarto ko.
"Bakit kayo anditong dalawa?" Taas kilay kong tanong.
Umayos ng upo si Adam samantalang lumapit si Steven sa akin.
"You go change your clothes first. Basang basa ka na ng pawis." Aniya.
Wala akong choice kundi sundin na lang siya. Pagkatapos ay hinarap silang dalawa.
"Now tell me. What are you two doing here?"
"How's your training?"
Adam asked me as if he didn't saw me. E, siya nga ang panay tingin sa direksyon ko kanina.
"Fine. He's just a little bit aggressive." I shrugged.
"I heard you are the representative of your group?"
Tumango ako kay Adam. Okay?
"Really, what it is all about?" Hindi ako makapagtimping hindi itanong 'yon.
"Be careful, Little sis." Steven interrupted us.
He kneeled infront of me fixing my fencing shoes. Seryoso ko siyang tinitignan sa kanyang ginagawa.
"I'm always careful." I shortly answered.
"Yeah, we know that. Just be careful and wise." Tumayo siya at ngumiti sa akin.
Seryoso ko lang silang tinignan kahit na medyo magulo at hindi ko maintindihan ang balak nilang iparating.
Ginulo ni Steven ang buhok ko at maliit na tumawa. "Don't think too much. We just want to check on you. Ilang araw ka rin naming hinayaan na kasama ang dalawang kaibigan mo lalo na si Alistair."
Tumaas ang kilay ko sa huling binaggit niya. Talaga lang ha.
"It's time, Steven. Let's go at magpapalit pa ako." Ani Adam.
BINABASA MO ANG
Taming the Elegant (Royalty Series #1)
Romance"My name screams Power, I walk with danger. Now, how can you beat me with that trashy attitude?" - Sydney Calixta Lewis Book 1 of Royalty Series _________________________________________ DATE STARTED: October 31,2020 DATE ENDED: