CHAPTER 11Nasundan ko ang GPS ni Liam. Malaking open space ang lugar na ito. Sobrang daming mga mamahaling sports car.
Iniikot ko ng isang beses ang Big bike na dala ko bago i-park. Dinig ko ang ilang singhanap nang malaman na babae ang nagmamaneho ng Yamaha R1 na ito.
Dahan-dahan akong nagtanggal ng helmet at inilagay ito sa may upuan.
"Is she new? Ngayon ko lang siya nakita rito."
"She's familiar."
"She's good and sexy."
Pakinig ko sa mga sinabi nila. Pati ba naman dito may mga ganyan. Gabi na ngunit nag-suot pa rin ako ng shades. Mahirap na at baka makilala ako bigla rito ng mga kapatid ko.
Magsisimula na 'ata dahil pinapaayos na ang mga kalahok. Luminga-linga ako para hanapin ang mga kotse ng kapatid ko. Paupo na sana ako sa may itaas na bench ng nagvibrate ang phone ko.
Unknown:
What the fuck are you doing here, woman?
My eyes got widen when I saw his messages. Same number ito ng nagtext sa akin kanina. It's Alistair.
Luminga-linga pa ako hanggang sa nakita ko ang dalawang sasakyan na dala nila Steven at Adam. Kahilera ang mga kotse nila Ali at ang apat.
Sumalubong sa akin ang madilim na mata ni Ali. I have my shades on pero parang nakikilala niya pa ako!
Shit! I'm doomed.
Binabalak ko pa sanang umuwi nang walang nakakaalam na pumunta ako rito. Luminga ako para hanapin si Butler John pero hindi ko siya makita, malamang ay nagmamasid lang iyon sa malayo.
Lumipat ako ng upuan at dito ako sa may pinakadulo sa gilid sa third row. Malakas na nagsigawan nang marinig ang gunshot hudyat ng simula ng karera at saka mabilis na umandar ang mga kotse ng mga kalahok.
Damn. Nanggigigil akong sumali. Maybe next time. I smirk at that thought of mine.
Nagi-enjoy na ako manuod dahil patapos na ang laban nang may humila sa akin pababa ng bench.
Goodness muntik na akong dumiretso sa sahig kung hindi niya lang nahawakan ang bewang ko. Nagulat din ang katabi ko sa ginawa sa akin.
"Why the fuck are you here?" Mariin niyang tanong.
"Bitawan mo 'ko, Ali. I wanna watch."
Kumakalas ako sa hawak niya pero dumiin lang ang mga kamay niya sa bewang ko.
"Who's with you? Bakit wala akong makitang bodyguards mo."
Kinagat ko ang labi ko. "Wala." Ang mga mata ko ay nasa car racing pa rin at sa crowd.
Nagsinungaling ako kahit na Butler ko naman ang kasama ko rito.
Narinig ko siyang nagbuntong hininga kaya nilingon ko siya. Walang emosyon ang kulay abo niyang mata.
"Let's go."
"Saan mo 'ko dadalhin?"
Nataranta ako nang hilahin niya ang braso ko palayo sa bleachers.
"Ali, hindi ako pwedeng makita ng mga kapatid ko."
"I know kaya ihahatid na kita pauwi."
"Patapusin muna natin 'tong first round." Pamimilit ko pa.
Nasa labas na kami ng area ng mga naglalaro at manunuod na nasa bleachers pero marami pa ring tao rito.
Napapayuko ako ng may nakakasalubong kaming kakilala niya at tinatanguan siya.
BINABASA MO ANG
Taming the Elegant (Royalty Series #1)
Romance"My name screams Power, I walk with danger. Now, how can you beat me with that trashy attitude?" - Sydney Calixta Lewis Book 1 of Royalty Series _________________________________________ DATE STARTED: October 31,2020 DATE ENDED: