Chapter 3

381 24 2
                                    


CHAPTER 3

Masama man ang loob ay sumama pa rin ako sa mansion ng mga Williams. Hindi ko alam na namamalagi rin sila rito sa Pilipinas. Nagngi-ngitngit ako sa inis dahil nilapa ako ng bwiset na lalaki na iyon!

How dare him kissed me! Gusto ko siyang patayin! Buong byaheng malamig ang pakikitungo kahit kay Liam na kasama namin sa sasakyan.

Hindi ko pinansin ang pagi-hintay nila sa'kin nang makababa kami sa limo.

Ramdam kong gustong magtanong nina mom and dad kung anong nangyari sa akin pero hindi ko sila hinayaang makapagtanong.

Nagpaalam agad ako na magpapahangin muna bago mag-dinner.

"The Sydney Calixta..." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Sino po kayo?"

"Malamig dito. Ang alam ko ay ayaw na ayaw mo sa malamig na panahon."

Lumakad siya palapit sa akin. May katandaan ang itsura niya ngunit bakas pa rin ang kagandahan sa kanya. She looks like Grandma.

Saglitang naglapit ang aking kilay, nagtataka sa kanyang sinabi. "You obviously knew me."

"You haven't change, still a straight forward person. "

Naupo siya sa may bench malapit sa kinatatayuan ko. Nakaharap ako sa malaking fountains na nasa harap nitong Modern mansion nila.

Malawak din dito at hindi kayo magkakakitaan kong hindi sasadyain. Napatingin ako sa matanda ng may iabot siya sa akin.

It's a bow and quiver. Archery....

Nag alangan akong kunin iyon ngunit inabot ko pa rin. Napangiti ako ng haplusin ko ito. Nakaramdam ako ng excitement.

"Do you still know how to shoot with arrows?" Tumayo siya at humarap sa akin.

"Before, b-but I—"

"You totally forgot about me."

Nagtataka na talaga ako sa inaasal niya. Ngunit nang mapunta ang paningin ko sa kwintas na suot niya ay namangha ako.

"Your necklace. Isang tao lang ang mayroon niyan sa buong mundo."

"You want this? Then remember the person who taught you the arts of archery."

Sarkastisko akong ngumiti sa kanya. "That was decade ago but I surely remember her and she..." kumunot ang noo ko at pilit na inaalala ang babaeng nagturo nito sa akin. Then a flash of memories came into my mind. "S-she was you."

Ngumiti siya ng matamis sa akin saka kinuha ang quiver na hawak ko at naglabas ng isang arrow.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Iniabot niya ang arrow sa akin at inalalayan akong batakin ito sa bowstring. "Shoot the eye, princess." Then I released the arrow, I chuckled when I hit the center of the tree.

"Now, do you remember me?"

I bit my lower lip, she pulled me into hug. "My Lola Sweet." I whispered and hugged her back. "I missed you. I'm so sorry that I forgot you."

"It's okay, you seems occupied for the past years. You're such a majestic."

"Thank you Lola Sweet."

"Let's go to dinner?" Tumango ako at inakay na siya. Marami siyang ikinukuwento sa akin tungkol sa ayos ng mansion nila na nabago na sa nagdaang panahon.

"Mama..." Sinalubong kami ni Alistair na nakapamulsa. Tinapunan niya lang ako ng tingin pagkatapos ay bumeso sa katabi ko.

Biglang umapaw ang galit ko sa lapastangan na ito.

Taming the Elegant (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon