Chapter 6

329 21 0
                                    


CHAPTER 6

"Ate Syd, can I swim later?"

Nakahiga pa rin siya ngayon at nakayakap sa unan. Ang tagal niya rin nakatulog. Kalalabas ko lang galing walk in closet dahil may inayos akong iilang gamit.

"Ofcourse. Let me check your clothes." Kinuha ko ang isang bag na may lamang mga damit niya.

Umupo siya, pinagmamasdan ako sa ginagawa. Nilatag ko ang isang baby blue swim wear. How cute! I really want a baby sister to take care of. Kaya lang wala naman akong mga pinsan na bata pa. Isang anak lang naman si Mom at dalawa lang silang magkapatid ni Dad.

"Ate do you still have a quarrel with Kuya Laurent?" She innocently asks.

"Oh! Don't mind us, baby." I simply retort. I let her stand, help to wear her onepiece rushguard and tie her hair into bun.

"Wow, you're beautiful!" I exclaimed.

Nagsuot ako ng white two piece sa ilalim ng romper ko. Baka mapaligo ako ng wala sa oras mamaya. Sa may likurang hallway kami dumaan. Konektado sa swimming sa likod.

"Your house is so biggg!" She giggled while tighten her grip on mine.

Natawa ako sa inasta niya. Malaki rin naman ang mansion nila. Kaya lang mukhang mas malaki ang amin, marami ring pasikot-sikot. This is actually our ancestral mansion. Pinaganda lang ito lalo ngayon.

"You know how to swim?"

"Yeah." Nagthumbs-up pa siya sa akin.  Pero para makasigurado ako ay pinakuha ko 'yong floating duck para sakyan niya.

She enjoys herself playing with water while I enjoy by just obeserving her. Wala akong masyadong maalala noong ganyan ako kaliit sa kanya. Kung may mga kalaro man ako noon ay mga lalaking kapatid ko lang at ang dalawa kong malapit na pinsan na ngayon ay nasa Britain.

"Kuyassss!"

Gulat ako sa biglaang pagsigaw ni Estella. Kinakawag niya pa ang mga paa niya, malawak ang ngiti. Sinundan ko kung ano o sino ang tinuturo niya at napairap ako kung sino ang mga iyon.

Hindi pa pala siya umalis. Akala ko ba busy ang isang 'to sabi ng Mommy niya.

"Wow! Estella did Ate Sydney really took care of you?"

May panga-asar sa boses ni Steven nang tanungan niya ang bata. Tumango naman ang isa at nagthumbs-up pa.

"Yes, Kuya Steven."

"Why are you here?" I asked not minding the person behind him.

Gumilid siya kaya malaya kaming magkaharap ni Alistair. I just give him my resting face. Tinapik ako ni Kuya Steven at tumango sa akin.

My lips went into thin line and nod. Lumapit ako sa pool para kausapin si Estella.

"Baby, I just grab your meryendas, okay?"

Nang tumango siya ay naglakad na ako. "Bantayan mo muna si Estella." I plainly said to Steven bago tumingin kay Ali.

"Follow me." Hindi ko siya hinintay at diretsong naglakad na paalis sa pool area.

"She's sometimes a control freak. So, goodluck!" Gusto ko sanang balikan si Kuya Steven nang umabot pa iyon sa pandinig ko ngunit hindi ko na inabala pa ang sarili ko.

Pumasok ako sa common area at hinarap siya doon. Seryoso ko siyang tinitigan at hinintay na magsalita.

Umupo ako sa single couch at pinag-krus ang aking hita. "Seriously, you're just waisting my time. Talk."

Taming the Elegant (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon