CHAPTER 4"How are you?"
"Do I sounds okay, Liam?"
"I'm just asking. I think you're good there, huh."
Napairap ako sa hangin sa sinabi niya pagkatapos kong patayin ang tawag. Ito ako nakahiga sa kama nang bakanteng silid na katabi ng kwarto ni Alistair. After that damn dinner ay umakyat ako diretso dito kasama ang isang maid nila.
Hindi na sa akin nakapagpaalam ng maayos ang pamilya ko. Wala rin sa mood ang mga kapatid ko nang ipaiwan ako rito.
Ano ba ang iniisip ng mga 'yon? Na magkakaayos kami ng mabilis? Agad agad? Masyado naman silang sinuswerte. Sana nga pinutok ko na sa ulo niya ang bala. Bwiset.
Ilang minuto lang ay tumayo ako para magshower. I was damn lazy to get some clothes, so I decided to just wear a designer two piece. Nagtataka ako kung bakit may ganito dito when infact this room almost looks empty, plain white bed and sheets. Pati na rin ang walls at chandelier all white, gold naman ang mga line ng corner dito.
Bago naman ang bikini type na ito kaya okay na, may tag pa. Gusto ko mang mapairap dahil kulay puti rin ang two piece na suot ko—na mukhang hahalo pa ko sa pader—ay hindi ko na ginawa, masakit lang sa mata.
Bumalik ako ng higa at sumuob sa loob ng comforter dahil nilalamig ako. Halos mapatalon ako nang may tumawag sa akin. Akala ko sila Kuya Adam na, but
Unregistered number....
Sinagot ko ang tawag ngunit nanatili akong tahimik at para kaming tangang dalawa na ilang minuto na ang lumipas ay wala paring nagsasalita.
Inis at mabagal akong huminga. "Who the fuc—"
"The heiress of Lewis seems cursing every seconds, hmm." My lips parted when I heard its deep and manly voice.
god! I'm hyperventilating!
Pakunwari akong tumikhim. "Who's this?" Gusto kong sapukin ang ulo ko dahil sa ginamit kong boses. Shit! Bakit ang bait ko bigla.
"Iisipin kong isa kang mabuting prinsesa na hindi namamaril at nagpapatama ng pana."
It's Alistair! And he's being sarcastic. How I forgot that voice? I should remind myself to remember his voice.
Hindi ako sumagot at ni-loud speaker lang ang phone, tinapon ko 'to sa paahan ko. Bahala ka sa buhay mo.
"Open this door."
My brow arched in his order. Ano namang ginagawa ng isang 'yon sa labas nito?
"Bahala ka sa buhay mo." Sigaw ko dito dahil ang layo ng phone ko sa kinahihigaan ko. Dinig ko na rin ang boses niya sa labas nitong silid.
"Open this damn door, woman." Nagtalukbong na lang ako ng comforter at hindi siya pinansin. Buti nga sa'yo.
Napangisi ako nang marinig ang ilang beses niyang pagkatok. Mukhang galit na nga siya dahil lumalakas ang tunog ng katok niya.
"Open this fucking door, Calixta o ako mismo ang papasok diyan." Seryoso na ang boses niya at hindi ko makapa ang kahit na anong sarkastimo na naririnig ko sa kanya.
Nagtataka man nang mawala ang mga katok ay hindi pa rin ako umalis sa pagkakatalukbong. Pumikit na lang ako at akmang matutulog na ng may marahas na humila ng comforter.
"Ano ba?!" Galit na ani ko at humarap sa taong humila ng kumot ko. Niyakap tuloy ako ng lamig dahil sa suot ko.
Pagkaharap ko sa kanya ay madilim na mukha ang sumalubong sa akin. Igting ang panga nang umiwas siya ng tingin sa katawan ko. Hindi nakaligtas sa mata ko ang unti unting pagkuyom ng kamao niya.
BINABASA MO ANG
Taming the Elegant (Royalty Series #1)
Romance"My name screams Power, I walk with danger. Now, how can you beat me with that trashy attitude?" - Sydney Calixta Lewis Book 1 of Royalty Series _________________________________________ DATE STARTED: October 31,2020 DATE ENDED: