Chapter 19

239 18 2
                                    


CHAPTER 19

"What an honor to have a Princess as my opponent."

She's mocking me. I know very well that she did.

Tulad ng kaninang kalaban ko ay nakangisi rin siya sa akin.

"And I'm not." Then tilted my head a bit.

Saglit na dumaan ang inis sa mata niya. Pansin ko ang higpit ng hawak niya sa grip.

Every game we had has a point system. Mister Smith explained that in our first official day of Camp at ang puntong makukuha ko ngayon ay malaking ambag sa grupo.

Pero gusto kong manalo hindi dahil sa puntong makukuha ko sa pipitsuging laban na 'to. Gusto kong makita ang galit na mukha nitong Lopez na 'to.

Nang humudyat na para magsimula ay umayos na kami. We're now in our starting position. Unang sumugod ay si Soriana na agad ko namang nasalag. Mabilis niya itong sinundan ng mabilis na pag-atake.

"Iiwas ka na lang ba? Duwag ka nga tulad ng iba." Taas noo niyang ani.

Ngumisi ako sa kanya. "I'm not starting yet. Nilalaro pa nga lang kita galit ka na?"

Kumunot ang noo niya at nakitaan ko ng inis.

Iwinasiwas ko ang espada sa kanya at siya naman ngayon ang umiilag sa mabilis kong pag-galaw.

"You filthy woman!" Gigil niyang sabi.

Umabante siya ng isang hakbang at pahalang ang atakeng ginawa sa akin. Good thing I am flexible enough to bend my back. Suminghap ang marami sa paga-akalang matatamaan na ako.

Ngumisi ako ng parang wala ko itong iwasan. Ayaw ko nang patagalin pa 'to.

Nang makatayo ay diretso niyang itinusok sa akin ang blade ng espada niya kaya umikot ako pakaliwa para maka-iwas. Agad kong pinaikot ang espada ko sa blade niya at itinusok ito sa lapag.

I step on her sword and point my blade on her neck while she's on her one knee.

Malakas na sigaw at singhapan ang narinig ko nang matunog at biglaang napaluhod ang isang tuhod niya.

I sternly look at her. Eyes to eyes. Kitang kita na ang inis sa mukha niya dahil sa ginawa ko.

Matikas akong tumayo sa harapan niya. Ngayon ay nakatingala siya sa akin habang hindi pa rin umaalis sa ayos niya.

"Sorry, you just lose this game you have hold on to for so long. Funny, you still don't know me well, Lopez." I stated.

Kumuyom ang kamao niya bago tumayo. She gritted her teeth while looking back at me.

I smirked on her direction bago lumakad paalis. Huminto ako bago makababa sa hagdan. Alam kong hindi pa siya umaalis sa likuran ko kaya nilingon ko siya sa gilid ng aking balikat.

I have to remind her.

"Remember, My name screams Power, I walk with danger. Now, how can you beat me with that trashy attitude?" Malamig na ani ko saka bumaba ng tuluyan.

Pumalakpak ang sampong lalaki na nagtrain sa amin dito ng iilang attack moves.

Mabilis na bumaba sa bleachers si Kyomi at Tanya para salubungin ako ng yakap. Napangiti ako kahit pa paano sa kanilang dalawa.

Akmang lalapit si Ali sa akin nang hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kaninang pwesto ko katabi ni Blix. Si Tanya ay bumalik na sa kagrupo niya.

"Ha! Sabi na matatalo mo ang Lopez na 'yon e."

"Congrats, Princess. Ang cool mo gumalaw doon!" Bati ni Blix.

Taming the Elegant (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon