CHAPTER 24I woke up a little nervous today. Mamayang gabi na kasi gaganapin ang Bonfire at performance namin at kahapon lang talaga kami nakapag-ensayo ng maayos ni Kyomi.
Pagkatapos 'ata ng nangyari sa akin nakaraang araw na nadatnan ni Miss Rhea ay mas madalas ko na siya makasalubong. Laking pasalamat ko na wala nga siyang pinagsabihang iba tungkol sa nangyari. Wala rin akong ideya kung may alam ba ang mga Kapatid ko dahil tahimik naman sila at pinagmamasdan lang ako minsan na madalas naman nilang ginagawa sa akin.
"Princess, Sali ka sa laro namin." Inalog-alog ni Blix ang dalawang balikat ko.
Nagkalat kaming lahat sa labas ng Manor. Mukhang kanya-kanyang nagsa-saya ang lahat kaya naman ay nakihalubilo ako kila Kyomi nang tumakbo si Blix sa direksyon naming tatlo.
"What's that? Agawan base,? Can we join?!" Nanlalaking matang tanong ni Kyomi.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. May gano'n bang laro?
"Agawan Base what?" I asked, confusingly.
"Ha? Hindi mo 'to alam? D—"
"Let's go. Ituturo namin sa'yo, Prinsesa." Putol ni Kyomi sabay hila sa aming dalawa ni Tanya patungo sa mga Alimasag na naglalaro pa.
"Wow! Sali kayo?" Magiliw na tanong ni Jude at lumapit sa amin.
"Wait, stop muna. May bagong sasalta." Taas kilay si Aiden na nakangisi.
Ako naman ay takang-taka sa nilalaro nila. Pero gusto ko ring sumali dahil mukhang masaya.
"See that trees, Princess? Magiging Base yan." Turo ni Blix sa dalawang puno na may ilang metrong layo sa isa't-isa.
"Okay? Then," Hintay ko sa sunod niyang eksplinasyon.
"Maghahati tayo sa dalawang grupo tapos kuhaan ng members. Kapag naubos nating nakuha ang mga tao sa kabilang puno, tayo 'yong panalo. Naintindihan mo ba ako?"
Napangisi ako sa nakataas na kilay ni Blix at Jude. Mukha silang batang nagi-explain sa'kin. Nakapalibot na kaming anim dito.
"A little," Awkward akong ngumiti.
"Alright, I got your point. So what's the rules?" I added.
Malawak naman silang ngumiti sa akin. Si Aiden na ang nagtimping magpaliwanag sa akin kahit na medyo tahimik 'tong tao.
"Kapag may umiikot na sa base ng grupo mo dapat mabilis kang manghuli sa kanya at bagong base ka kaysa sa kanya kasi kapag 'yong kalaban mo nakatakbo ulit sa Punong Base nila at binalikan ka, pwede ka niyang makuha kapag nahawakan ka niya kasi mas bagong base siya sa Puno nila."
Nakagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang isang ngiti. Mukha kasi siyang inosente na nagpapaliwanag kung paano ang gagawing pagpatay.
"Nakikinig ka ba, Sydney?" Ani Tanya.
"Oo naman. Naintindihan ko na. Just guide me while playing." Then I shrugged my shoulders.
"Okay, let's play paper, scissor and stone for groupings." Ngisi ni Kyomi at nakipaglaban agad kay Jude.
"Saan niyo ba nalaman 'tong laro na 'to?" Kuryosong tanong ko.
"Sa kalsada. Huwag ka nang magtaka, Princess." Ani Jude nang matalo siya kay Kyomi.
Natalo ako ni Tanya sa paper, scissor, stone kaya si Jude, Aiden ang ka-Team ko.
"Yes! Let's go!" Napatalon si Kyomi sa sobrang excited kaya natawa kami.
BINABASA MO ANG
Taming the Elegant (Royalty Series #1)
Romance"My name screams Power, I walk with danger. Now, how can you beat me with that trashy attitude?" - Sydney Calixta Lewis Book 1 of Royalty Series _________________________________________ DATE STARTED: October 31,2020 DATE ENDED: