Chapter 16

252 17 0
                                    


CHAPTER 16

After changing our clothes into a decent one ay bumaba na kami para sa susunod na activity. Halos mga Ice breaker lang pala ang gagawin namin ngayong araw.

"Since each of you already have a box. Diyan n'yo ilalagay ang lahat ng gadgets na hawak niyo. You all know the rules. Gadgets are strictly prohibited every first official day of the Camp." Lintaya ni Mister Smith.

"Should I put all of these?" Pakita ko sa hawak kong gadgets.

Tumango si Kyomi, nilalapag na rin niya sa kahon ang kanya. Gano'n din ang ginagawa ni Tanya. Napatingin ako kila Steven na tinaasan ako ng kilay dahil hindi ko pa nilalapag ang sa'kin.

"Put that all, Princess." Kuya Steven warning me.

Napairap ako at inilapag na lahat sa kahon. We are sitting in the sands while waiting for our next activity. Nabanggit nila Kyomi kanina na isa pala sa rules ay bawal ang kung ano mang cellphone rito. Tho this Island still have a Site cell kaya may signal ang mga gadgets namin dito kahapon.

Hawak pala talaga ng mga malalaking tao ang Islang 'to.

Napaawang ang labi ko nang makita ang mga doughnuts na nakasabit sa transparent nylon.

"Now we will create 5 groups with 10 members. After that pick 2 person who will play this game." Miss Quinto explained to us.

Pinagcombine ang 10 groups kanina at ginawang lima na lang, kaya ang nadagdag sa amin ay sila Kyomi, Aiden, Liam at may dalawa pang hindi ko matandaan ang pangalan. They're just smiling at me, awkwardly. Naiintindihan ko naman dahil nai-intimidate pa rin sila sa presensya ko.

"Who's our player for this game?" Kyomi asked.

"Definitely not me." Agaran kong sagot hindi ko kayang kumain ng doughnut na naka-hang lang at ang dalawang kamay ko ay nasa likod.

"I thought that's your favorite." Ali teasingly whispered at me.

Siniko ko siya para makalayo ng kaunti sa tainga ko. Nakikiliti ako sa hininga niya.

"Not with this freaking game." Usal ko.

Malakas na bumuntong hininga si Kyomi saka itinuro ang sarili.

"Sige, ako na lang at si Charles." Tukoy niya sa isang lalaking katabi ni Aiden.

Sumang-ayon naman kami at nang magsimula na ay todo ang hiyawan namin para i-cheer sila. I mean sila lang pala. I was just smiling widely and clapping hands here.

Si Blix ang naglalaro sa ibang grupo, iba ang kapartner niya. Gano'n din si Tanya sa kabilang grupo na babae naman ang kapareha.

"Oh, god! Kyomi!" I shouted as I grip on Ali's shirt.

Muntik na silang magkahalikan ng kapartner niya! Nakahinga ako ng maluwag nang makita na mabilis siyang umiwas. Wala sa sariling napatingin ako kay Alexander na nakahalukipkip sa kabilang grupo at madilim ang mukha sa direksyon nila Kyomi.

"Sorry...." I murmured nang dahan-dahan kong tinanggal ang mahigpit na kapit ko sa damit ni Ali.

He was just looking at me the whole time, wearing his cocky smile.

"Buti na lang pala hindi ikaw ang naglalaro d'yan." I hear him say.

"Bakit naman?"

"Makakapatay ako."

"What?!" Mahina ngunit naguguluhan kong tanong sa kanya na inilingan niya lang.

"You're crazy." Iiling-iling kong ani.

Taming the Elegant (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon