Chapter 26

193 16 1
                                    


CHAPTER 26

Syringe?

Napasinghap ako ng malalim at mabilis na dumilat. Bigla akong napaupo at napahawak sa balikat ko. Ramdam ko pa rin ang maliit na kirot sanhi nang itinurok sa akin.

Umikot ang tingin ko sa silid, kunot-noo ako nang mapansing kwarto ko ito sa Lewis Mansion.

"What the heck happened?" I whispered to myself.

Nakakita ako ng isang basong tubig sa side table kaya inabot ko ito at ininom. Malakas akong napalunok dahil pakiramdam ko natuyo ang lalamunan ko.

Medyo mabigat pa ang ulo ko nang tumayo ako mula sa kama. Hinawi ko ang kurtina na humaharang sa balkonahe ng kwarto ko. Napapikit ako sa liwanag na sumalubong sa akin. Pakiramdam ko ang tagal kong walang malay.

Laging gulat ko nang makita ang mga nakablack tuxedo at iilang mga kasama namin sa Royal Camp na papunta sa Garden.

Ano ba talagang nangyayari?!

Mabilis akong umalis sa aking kwarto para puntahan ang mga kapatid ko o kung sino mang maabutan ko rito.

Hindi ko alintana ang mga bati sa akin ng mga kasambahay. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko pababa ng mansion.
Ni hindi ko na pinansin kong kaaya-aya ba ang suot ko.

Habang naghahanap ng isa man lang na miyembro sa pamilya ko ay unti-unti kong naalala ang nangyari sa Isla bago ako maiuwi rito sa amin.

Sila Liam.

Mas lalo kong binilisan ang lakad ko pasunod sa dinaanan ng mga nakablack tuxedo kanina.

"Dad...." Mahinang usal ko.

Nanlalaki matang napalingon si Daddy at Grandpa sa akin.

"Bakit ka bumaba. How's your feeling, hija?" Tanong ni Grandpa nang makalapit siya sa akin.

"I'm fine, Grandpa. Where's my brothers? Si Liam? Sila Ali nakauwi na ba sila?" Sunod sunod kong tanong.

"Relax. Let's go, dadalhin kita sa kanila para mapanatag ka." Dad said as he pat my hair.

Nanatili ang mga tingin ko sa mga kasama ko sa Camp hanggang sa hilahin na 'ko ni Dad paalis sa Garden.

"Dad... May kailangan ba kayong sabihin sa'kin?" I asked out of a sudden.

Hindi ako mapakali. Naalala ko ang mga nangyari sa akin sa Camp na iyon. Sariwa ang mga iyon sa isipan ko ngayon, at kating kati akong malaman ang lahat dahil pakiramdam ko may dapat akong malaman!

Tanging hininga lang ni Dad ang naririnig ko habang naglalakad kami. Tila ba hindi niya ako narinig na nagtanong sa kanya.

"Nasa loob sila at nag-uusap. Pumasok ka na, Princess. Don't worry Daddy will explain everything to you, hmm?"

He then gently kissed my forehead, bago siya umalis para bumalik sa garden at iwan ako rito sa harap ng Common Room.

Huminga akong malalim nang pihitin ko ang seradura ng pinto. Napatingin silang lahat sa'kin. Agaw pansin nga ang pagpasok ko, pero wala akong pakialam basta ba ay mabilis kong tinawid ang pagitan namin ni Liam at dinamba siya ng yakap.

"Are you okay?" I whispered to him. Mahigpit ang yakap ko sa leeg niya.

I heard him chuckle a little. "We're fine, Ate Syd." Then pat my back as he hugged me back.

Kumalas ako sa yakap at pinasadahan silang lahat ng tingin. Napunta ang mga mata ko kay Ali na nakaupo sa single couch.

Nakapatong sa magkabilaang hita ang siko niya habang seryoso ang mga matang nakamasid sa akin.

Taming the Elegant (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon