Chapter 14

285 19 0
                                    


CHAPTER 14

"Goodmorning everyone. We're very sorry for the mess last night. It is already under investigation."

Pakinig ko kay Miss Quinto na nagsasalita sa harapan. Formal na formal ang ayos niya. And she talks like everything's under control.

2:30 pm nang sunduin ako kanina ni Ali sa kwarto. Pinababa kami ngayon sa may seashore banda para magbigay ng kaunting speech sa amin at mga activity na gagawin namin simula bukas.

At dahil may oras kaming makapag-pahinga ngayong araw ay gusto ko na lang magkulong sa kwarto kaysa makipag-halubilo sa mga tao rito.

Tahimik akong umalis sa kinauupuan ko para sana bumalik sa loob ng Manor house nang madaanan ko ang tatlong kalalakihang nagu-usap sa may ilalim ng puno ilang metro ang layo sa'kin.

Kung tama ang pagkaka-alala ko ay siya si Mister Smith. Nauna siya kaninang magpakilala kaysa kay Miss Quinto. Pero ang dalawang kausap niya ay hindi ko kilala. Nang mapansin nilang nakatingin ako ay agad nagpaalam si Mister Smith, tumango lang ang dalawa.

I wonder kung alam na ba ng mga magulang ko ang nangyaring gulo bago kami makapunta rito.

"Sydney!"

Hinarap ko ang tumawag sa akin.

"Kyomi," Banggit ko sa pangalan niya. May kasama siyang isa pang babae.

"Nakita kitang tumayo kaya sumunod ako." Ngumisi lang ako sa kanya.

Hinawakan niya ang braso ng kasama niya bago bumaling sa akin.

"She's Tanya." Pakilala ni Kyomi.

Tumitig lang ako sa kanya, I don't know what to react. Should I hug her?

"Tanya she—"

"I know her."

Ngumiti ang pinapakilalang Tanya niya at nag-extend ng kamay, but I remain unresponsive to her. Ngumiwi naman si Kyomi sa akin.

"I'm Detalniya Swetchor."

Inabot niya ang kamay ko at siya na ang kusang nag-shake nito. Unti-unting sumilay ang ngiti ko sa aking labi.

"Sydney Lewis."

Lalong lumawak ang ngiti niya.

"Finally, the unseen Princess of Lewis and Hudson for years."

"You've got some weird names for me, don't you?" Taas kilay kong ani.

Humalakhak si Kyomi kaya napatingin kaming dalawa sa kanya.

"Let's go chill for a while! Siguradong nakakapagod na naman ang mga gagawin bukas." Aniya sabay hila sa amin ni Tanya.

Lihim akong napatingin sa mga akto nila. I just hope that they befriended me genuinely.

Hindi ko na inintindi ang mga kapatid ko at ang limang alimasag na lagi kong nakikita. Sa ngayon ay makikipagkilala ako sa dalawa ng wala sila.

"Kaninong kwarto tayo?" Nakangusong tanong ni Kyomi.

"Mine." I suggested.

Their lips parted, nagkatinginan pa silang dalawa na akala mo ay may sinabi akong kakaiba.

"You sure?" Nakataas ang kilay ni Tanya.

"Ngayon mo lang kami nakilala. Papapasukin mo na agad kami sa kwarto mo?" Ani Kyomi.

"Well, it is not actually my real room. So, I can lend a space for now."

Ngumiti ang dalawa. Si Kyomi naman ay napatalon.

Taming the Elegant (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon