PROLOGUE"Your highness, sorry for the interruption, but your phone has been ringing for almost an hour." Hinarap ko siya habang hawak ang isang baril sa kanang kamay. I was practicing shooting at nagi-enjoy na ako nang tapikin niya ang aking balikat.
"Hello?"
May maliit akong ingay na naririnig sa kabilang linya.
"Please take off my gloves." ani ko kay Butler John at iminuwestra ang aking malayang kamay. Sinunod naman niya ito.
"Goodness, Ate Sidney! Where the are you?!" Sigaw sa kabilang linya at kung hindi ako nagkakamali ay kausap ko ang aking bunsong kapatid.
"Shit...." Natulala ako ng panandalian nang maalala na dapat ay kanina pa ako lumipad pauwing Pilipinas.
Rinig ko ang pagpapasa- pasahan nila sa telepono. Hanggang sa marinig ko ang boses ng isa sa kinatatakutan kong tao lalo na kapag seryoso.
"Grandpa..."
"Ano na namang balak mo, hija? May ipapadala akong private jet plane diyan na magsusundo sa iyo."
Napapikit ako ng mariin bago sumagot.
"I'm sorry, Grandpa. I really forgot about it. Nakapagready naman na ako. Lilisan na rin ako ngayon." Agad kong ibinaba ang tawag. Humarap ako sa aking butler.
"Ready my car." ani ko sa seryosong tono. Diretso akong naglakad palabas nitong shooting room mula sa isang bahagi ng mansyon.
Five years na akong naririto sa may Switzerland. Kanina sana ang oras ng flight ko ngunit nawala sa isip ko na uuwi na akong Pilipinas. Masyado na ring nangungulit ang aking ina na umuwi na. Hindi naman kasi ako mapilit ng tatlong kapatid kong lalaki na sumama sa kanila kada uuwi sila pagkatapos bumisita rito.
"Bye, Sweetheart. Visit us soon, okay? Take care." I nodded at my Nanny here in Switzerland. Siya ang gumabay sa akin sa loob ng Limang taon. Pilipino rin siya na nakilala ng mga magulang sa bansang ito.
She was teary eyed when she hugged me. I did the same to her. I waved my hand for the last time before going inside my Black Bugatti Veyron.
Mabilis kong pinalipad ang aking sasakyan patungong airport. Agad namang humilira ang mga nakaunipormeng lalaki. May isang nagaabang sa pagbukas ng aking pinto, he reached for my hands while holding an umbrella.
I motioned the other to get my things. Malayang hinahangin ang aking natural brown hair na hanggang ilalim ng aking dibdib. I put my gucci shades on habang hini-hintay ang aking puting maleta.
"Where's the plane?" I asked. Inalalayan ako papunta sa isang Private Plane na may kalayuan sa aking sasakyan.
"The Pilot was already inside, Ms. Calixta and ready to depart."
Wala akong ibang ginawa sa napakahabang oras ng paglipad kundi matulog at kumain.
Nagising lang ako ng marinig ang isang malalim at malamig na boses mula sa speaker na nagpapa-alam na nakalapag na kami sa Paliparan ng Pilipinas. Nagtayuan ang balahibo ko sa boses na iyon.
Iyon ba ang Piloto? Bakit parang nakakaakit naman ang lalim ng kanyang boses.
"Who's the Pilot?" I suddenly asked. Nilingon ako ng isang flight attendant na naga- abang sa pintuan para sa aking paglabas.
"I'm sorry pero ang iyong Lolo po ang nagpadala sa kanya. Wala kaming ideya kung sino iyon."
My eyebrow arched. "Really? I want to meet him."
"Yes, Your highness."
"I mean. Now," Agad naman siyang umalis sa aking harapan para tawagin ang Piloto.
"Princess, " Pagkalingon ko ay nakita ko ang isang adonis sa kanyang likuran. What a greek god. A tone biceps and small hips. I think he's in 6'0 height.
Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha. Perpekto ang ukit ng kanyang kilay. Makakapal na pilikmata, a rare grey eyes, pointed nose, curve and kissable lips plus the tightened jaw. He's in a messy hair.
What's with his hair?
Kung alam ko lang na ganyan ang piloto na ipinadala ni Grandpa sana sa kanya mismo ako sumakay.
Shit! What the heck Sydney Lewis. Do my mind is even real?
Napangiwi ako. Sigurado akong hindi matutuwa ang Pamilya ko kung malaman ang anumang pumapasok sa isip ko.
Ngunit agad din akong napangisi sa aking isipan nang maisip ang isang tao na laging sasakay sa kalokohan ko. Sadly, she was in Britain.
Napapitlag ako ng bigla niyang kunin ang aking kamay at halikan ang likod ng aking palad. It was my instinct to hit him hard on his jaw.
"What the fuck!" He cursed out. I eyed him, coldly.
Manyak pala, gwapo siya pero hindi ko siya bibigyan ng permisong hawakan ako basta basta.
"You can't just kiss a Lewis like that."
______________________________________
How's the Prologue?
Vote and Comment are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Taming the Elegant (Royalty Series #1)
Romance"My name screams Power, I walk with danger. Now, how can you beat me with that trashy attitude?" - Sydney Calixta Lewis Book 1 of Royalty Series _________________________________________ DATE STARTED: October 31,2020 DATE ENDED: