CHAPTER 13Nagising ako na mabigat ang pakiramdam at parang sobrang haba ng itinulog ko. Napatingin ako sa loob nitong silid, kunot noong tumayo at ipinalibot ang aking paningin.
"Where am I?" Kapos hininga kong bulong.
Was I kidnapped?
Kinapa ko ang aking damit, wala rito ang baril ko. Mabilis ko itong dinampot sa side table at chineck. Walang bawas ang bala.
Wari'y ikinakasa ko ito nang biglang bumukas ang pintuan at mabilis ko itong naitutok doon.
"I'm not your enemy!" Tinitigan ko ang babaeng pumasok sa silid na ito. Siya 'yong nakatapon sa akin ng wine kagabi. Kagabi?
"Who brings me here?"
Marahan niyang ibinaba ang kamay niyang nakataas kanina nang tutukan ko siya ng baril.
"You don't remember anything?" She sat on the edge of the bed and look at me like I'm in a puzzle.
I just gave her a sarcastic smirk. "Of course I remember every single details of-" I've stopped when I freaking remember everything!
Mabilis akong lumabas sa nakabukas na pintuan, hindi alintana kung wala akong sandals na suot. Wala na akong amor hanapin pa iyon.
Nasa Cruise ship pa rin kami? Umakyat ako sa may deck at nakitang halos madaling araw pa lang. Malamig ang simoy ng hangin at madilim ang paligid.
May iilang nasa deck din, may mga nagu-usap at may mga mag-isa lang na tumitingin sa karagatan.
Napakagat labi ako nang maramdaman ang lamig ng sahig. Nasaan ba ang stiletto ko?!
Kahit malamig ay umikot ako para mapuntahan ang kinaroroonan ng ibang room. Bwiset! Kailangan kong mahanap ang pisteng Alistair na 'yon.
Nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. Naiwan ko pala siya sa silid kanina. Bakit ba siya nakasunod sa'kin?!
"Princess!"
Without minding her shouts, I still look for my brothers or even just Alistair in this damn Cruise ship. Bakit ba kasi napakalaki nito! Hirap tuloy akong maghanap!
Pasalamat na lang at bitbit ko ang baril ko at kapag uminit ang ulo ko't hindi ko pa sila nahahanap pasensyahan na lang kung sino ang mapag-abutan ko.
"Your highness," A staff bow his head a bit.
"Do you know where's Steven Lewis or even one of them? Or just Alistair Williams?"
"Nasa 105 room po, sa baba niyang hagdan tapos kumaliwa ka." Nakatitig lang ako sa kanya the whole time na nagi explain siya in tagalog.
He's cute!
"How old are you?"
He looks intimidated by my presence. "Uhm. S-seventeen po." then scratched his head in a shyly manner.
Simple akong ngumiti sa kanya at may inabot na cheke na hinugot ko pa sa bulsa nitong gown ko.
I knew him.
"Take this."
"N-no need na po. Thank you,"
"Oh, no! Take this or your father will hear about this escapade of yours?"
I threatened him, lumaki ang mata niya at mabilis na kinuha ang cheke saka ako nilagpasan na akala mo ay isa akong dumi. Napailing na lang ako habang bumababa sa hagdan. Bumalik sa isip ko ang paghahanap sa mga lalaking walang hiya.
BINABASA MO ANG
Taming the Elegant (Royalty Series #1)
Romance"My name screams Power, I walk with danger. Now, how can you beat me with that trashy attitude?" - Sydney Calixta Lewis Book 1 of Royalty Series _________________________________________ DATE STARTED: October 31,2020 DATE ENDED: