Chapter 27

201 13 0
                                    


CHAPTER 27

Tulala ako the whole time na may kinukuha si Ali sa cabinet na binuksan ko kanina.

"Akin ba ang iilang gamit na narito?" Mahina kong tanong.

May kutob ako na baka sa akin nga ang mga gamit na pangbabaeng nakita ko.

"You used to stay here." Sagot niya saka inilapag sa tabi ko ang isang box.

Malalim ko siyang tinignan bago kinuha ang kahon.

"All this time, kilala mo ako. Simula pa lang ng sunduin mo ako sa Airport." Ani ko sa hindi makapaniwalang tono.

"Bakit wala akong maalala, Ali. B-bakit?"

Wala akong makapang kahit anong emosyon sa sarili ko. I felt empty. Patuloy lang na malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Hindi dapat ako ang unang nagsabi sa'yo nito, pero wala akong magawa. Ang hirap na makita kang walang ideya sa lahat habang kami tandang tanda namin kung paano ka mawalan ng alaala."

And that's it. Parang ang salitang 'yon ang kanina ko pa hinihintay na mabigkas niya.

Nawalan ako ng alaala.

Mariin kong napagkuskos ang mga ngipin ko sa kirot na nararamdaman ko sa ulo ko.

"Nagmukha pala akong tanga sa harap ninyong lahat." Mariin ngunit mahina kong ani.

Dahan-dahan kong inangat ang napakaraming litrato sa loob nito. Mapait akong napangiti sa mga nakikita ko. Tatlo kami nila Tanya at Kyomi sa isang photo, pare-parehas ang uniform na suot namin.

Sa isang picture ay kaming dalawa ni Ali. Ibang kuha ito kumpara sa nasa frame na nasa ibabaw ng side table niya. Ang saya ng mukha ko rito habang siya ay seryosong nakatingin sa mukha ko.

Habang pinag-mamasdan ang lahat ng masasayabg litrato na ito ay unti-onti akong nakaramdam ng bigat at lungkot sa puso ko.

Hindi ko pinansin ang tumunog na cellphone ni Ali. Tahimik siyang lumabas at sinagot ang tawag.

"Paanong nakalimutan ko ang masasayang mga litrato na 'to?" Tahimik akong napahikbi.

Mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo galing sa mata ko nang muling pumasok si Ali sa kwarto.

"I'll let you take that box, baby. But before that your parents are here."

"What?" Ginapangan ng lamig ang buong pagkatao ko.

Bakit ako ang kinakabahan sa nalalaman ko, na dapat sila dahil sila ang may itinago sa'kin.

Lumapit si Ali sa'kin at itinayo ako. Hinawakan niya ng nahigpit ang dalawang kamay ko.

"I want you to know everything you have lost, but promise me that you will not leave us." He hopefully said.

Mapait akong napangiti. "I don't know, Ali. I don't know."

Marahan siyang tumango saka ako hinila palabas. Parang hindi ko nga naramdaman na bumaba kami ng hagdan dahil wala ako sa sarili.

Lahat sila nakatingin sa aming dalawa ni Ali. Umawang ang labi ko nang sinalubong ng suntok ni Kuya Steven si Ali.

"Steven!" Parehas na sigaw ng magulang ko sa kanya habang ang dalawa kong kapatid ay seryoso ang mga mukha.

"Binalaan na kita! Sino ka para pangunahan ang pamilya namin!" Parang puputok sa galit si Steven habang sinasabi iyon sa harap ni Ali.

Napakuyom lang ang kamao ni Ali at nag-igting ang panga sa suntok ng kapatid ko.

"Please, calm down!" Pakiusap ni Mrs. Williams

Taming the Elegant (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon