Chapter 9

296 19 0
                                    


CHAPTER 9

Tita Lize contacted me. She wants me to meet her at one of their Italian restaurants. Hindi raw ito tumatanggap ng customers ngayon kaya safe kaming makakapag-usap doon.

Isang araw na lang kasi bago ang Ceremonial Opening ng Royal Camp kaya pumayag ako makipagkita dahil magsa-shopping din ako ng mga gamit ko sa Mall after.

"I'm leaving, Mom." I kissed her checks.

"Bring your bodyguards, sweetheart."

Malumanay akong tumango sa kanya, kahit naman hindi ako pumayag na magdala ng bodyguards ay papasundan pa rin nila ako para makasigurado sila. Sana'y na 'ko, kasama na sa buhay ko ang laging may sumusunod na security sa akin. Pasikreto man o bulgaran.

"Goodmorning, Princess. Please follow me." I smiled at the staff who approached me but my brow arched when she called me Princess.

"Sorry, Tita. I'm late."

"It's okay, hija. Come seat."

Umupo ako sa nakalaan na upuan para sa akin. May mga pagkain nang nakahanda sa lamesa. Nakakahiya naman at mukhang ako na lang talaga ang ini-hintay.

"I'm sorry ngayon lang ako nakipagkita sa'yo. I have lots of work."

"No problem, Tita. I hope you relax for a while."

"Yes. Anyway thank for taking care of Baby Estella. Sobrang nag-enjoy siya. Parang gusto pa 'ata magpa-ampon sa'yo."

Natawa ako sa sinabi ni Tita. Ang dami niyang naikwento tungkol sa pag-uwi nila ni Estella at Ali. Natapos kaming kumain at mag-usap na puro tawanan.

"You gonna shopping today? Pinasarado na ang Mall para sa mga Royal Campers na mamimili na ng gamit."

"Yes, Tita. Hindi pa ako nakapaghanda sa darating na Camp sa sunod na araw." Wika ko habang patayo na.

"I can go with you if you want." She keeps repeating raising her brows at me.

I chuckle a bit and nodded. "Sure! Let's bonding."

Sumakay na lang ako sa sasakyan ni Tita Lize papunta ng mall. May iilang mga sasakyan na rin ang nakapark sa VIP section. Ipapakuha ko na lang ang kotse ko mamaya.

I put my Fendi Aviator on. Tuloy-tuloy lang ang lakad naming dalawa kahit na nakaka-kuha kami ng atensyong dalawa.

I am wearing an All black Chain detailed Cordoruy Skirt and One-shoulder crop top. Partnered with an LV Janet ankle boots. A not so princess outfit today. Hanggang sa makarating kami sa nakareserved na Salon ay sinusundan pa rin kami ng tingin. Maybe they just want to confirm that it's me doing a shopping in the Philippines for the first time!

"Magpapa-ayos lang ako ng buhok, sweetheart. You want?"

Nakangiti akong umiling sa kanya.

"Nagset na po si Grandma ng maga-ayos ng buhok ko mamayang gabi, Tita. Thank you by the way."

"Okay, you relax there." She playfully wink at me.

Naglabas sila ng upuan para sa akin. Tahimik akong nagmamasid dito. Ramdam ko na nai-intimidate sila sa akin. It's okay though para wala na rin ang lalapit sa akin. Lalo na't hindi pa ako komportable makipaghalubilo sa ibang tao.

Lumakas ang bulungan ng staff kaya napalingon ako sa tinitignan nila. Seryosong naglalakad si Ali papasok dito sa loob.

Nakangisi akong umiling sa kanya bago bumalik sa kaninang ayos ng upo ko.

Dahil halos palibutan ng glass wall ang store na ito ay kita ko ang reflection niya sa square na salaming nasa harapan ko.

Lumapit siya sa'kin habang hinuhubad ang leather jacket niya. Naiwan ang white t-shirt niya.

Taming the Elegant (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon