TWENTY NINE

1K 26 14
                                    

They are greeted by a girl receptionist. She made some call and asked them to wait for a while.

Tumingin si Ayaka sa relos niya. 12:25, they still have 5 minutes. Aware naman siya kung gaano ka importante ang oras sa mga malalaking kumpanya. Even thr slightest 5 minutes di dapat sinasayang.

The girl from the reception offered them coffee. They sat there waiting to be called. Pero for Ayaka that minutes of waiting to be called feels like an emergency cardiac arrest. Sobrang kumakabog ang dibdib niya sa bawat minutong papalapit ang 12:30 na appointment nila.

"Ms. A. Don't worry we're going to nailed this proposal. I'm sure they will accept it. We will close this deal." saad ni Maricel na walang kamuwang muwang na ang pinag aalala ni Ayaka ay hindi tungkol sa proposal nila.

Ngumiti lang ng pilit si Ayaka dito. Nag vibrate ang cellphone na nasa loob ng bag niya. Agad niyang kinuha ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Charlse calling...

Sasagutin na sana niya ito ng biglang lumapit sa kanila ang receptionist at pinaalam na pwede na silang pumasok.

Agad na pinasok pabalik nito ang cellphone niya sa loob ng bag at naglakad na sila papasok ng isa pang pinto. Sa loob may isang table sa sulok malapit sa pintuan na may nakasulat na CEO's office.

Sa may table may lalaking nakaupo na napatingin sa kinatatayuan nila. Matangkad ito at may kaputian, nakasuot ng salamin, maganda din ang pangangatawan at may itsura.

Tumayo ito at naglakad papalit sa kanila. Nakangiti ito ng makalapit.

"I'm Chad Joaquin, Mr. Saabedra's secretary." inilahad nito ang palad niya upang magpakilala sa kanila.

Inabot ito ni Maricel at nagpakilala. Sumunod si Ayaka na nakipag kamay.

"I'm Ayaka Sanchez. Marketing Assistant of RJ Corp."

"Welcome to SGC." saad nito sa kanila. "Mr. Saabedra will see you in a minute. Please take a seat for a while."

Muling umupo sila Ayaka sa waiting chair na nasa kabilang side. Di malaman ni Ayaka kung bakit parang sobrang tagal ng pag aantay nila. Gusto na lang niya matapos ang araw na ito.

Kung ano anong senaryo ang tumatakbo sa isip niya.

Makikilala pa kaya siya nito?

Naalala pa kaya nito ang nga nangyari sa kanila?

Ano kayang magiging reaksyon nito sa muli nilang pagkikita?

Naiisip pa lang ni Ayaka ay parang sasabog na ang dibdib niya sa kaba. Pero agad niyang binura ang nga tanong na ito sa isipan.

Matagal na ang pangyayaring iyon. Asawa na siya ng pinsan niyang si Aiko ngayon. Malamang ay limot na nito ang mga nangyari sa kanila. Siguradong may galit din ito kay Ayaka.

"Ms. A. Ms. A. Ok na. Tawag na tayo. Ms. A?" kanina pa pinipilit ni Maricel kuhanin ang atensyon ni Ayaka pero mukhang occupied ito.

"huh?" biglang natauhan si Ayaka.

"Pinapasunod tayo dun. Meeting room ata." turo ni Maricel sa isang hallway papunta sa meeting room.

"Ah. Sige. Let's go."

"Ms. Ayaka. Ok ka lang ba talaga?" nag aalalang tanong ni Maricel.

"Y-yes..don't worry. Let's just present this and be done." pilit na nakangiting saad niya habang naglalakad sila papuntang meeting room.

"Mr. Saabedra is sorry for being late. Board's meeting finished later than he expected. He will be here in a minute." saad ni Chad sa mga ito at lumakad na palabas ng meeting room. May dalawang pinto ang kwarto. Isa sa pinasukan nila at nilabasan ni Chad. At ang isa ay sa hindi alam ni Ayaka kung saan konektado.

A night with my Cousin's Fiancee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon