Inistart ni Ayaka ang sasakyan. Huminga ng malalim at sinilip ang itsura niya sa rear view mirror.
Nakaponytail ang mahaba niyang buhok at nakasuot siya ng simpleng pearl earrings. Naglagay din siya ng light make up. Sa puti ng complexion niya ay mahahalata na agad kung kakapalan pa niya ang make up niya. May natural namang pula ang mga pisngi niya kaya mas nag focus na lang siya sa paglagay ng kulay sa mga labi.
Nakasuot siya ng white chiffon long sleeves na may sash collar na pwede i-ribbon at naka tuck in sa cream colored skirt niya na above the knee ang haba. Ngayon na lang ulit nakatikim ang mga paa niya ng 3 inches black stilleto heels na feeling niya ay anytime madadapa siya.
This is her first day sa company as a marketing assistant. Siya ang nag udyok sa Kuya niya na wag siyang ilagay sa mataas na posisyon dahil ayaw niyang maging usapan siya sa kumpanya. Ayaw niya ding umagaw ng atensyon kaya pinilit niya ang Kuya niya na wag ipaalam na kapatid siya nito at anak ng may ari ng kumpanya.
Gusto lang niyang maging smooth ang pag ta-trabaho niya sa kumpanya hanggang kung kailan kailanganin ng Kuya niya ang tulong niya.
Binaba ni Ayaka ang salamin sa may passenger's side at ngumiti sa anak. Nagbabye si Haru sa kanya habang nakahawak ang isang kamay nito sa kamay ni Aling Mila.
"Be good Haru okay?" bilin niya dito.
"Yes Mama."
"Love you! Bye!" nag flying kiss siya dito at pinaandar na niya ang kotse palayo.
*********
Limang taon din siyang wala sa Pilipinas at buti na lang di naman ganun kadami ang nabago sa mga daan na tanda niya papunta sa kumpanya nila. Ang tanging di lang nagbago ay ang traffic na mayroon sa Pilipinas.
7:15am
8am ang time niya kaya hindi naman siya ganun nagmamadali. Brinief na siya ng Kuya niya sa role niya as marketing assistant. Tanging ang marketing director lang ang nakakaalam ng totoo niyang identity. Ito din ang magbibigay sa kanya ng mga task na dapat niyang gawin. Ang pinagdadasal lang ni Ayaka ay maging maayos ang simula ng araw niya.
Umilaw na ang green sa stoplight na naghuhudyat ng Go. Mabagal pa din ang pag-usad ng mga sasakyan. Patawid na ang sasakyan ni Ayaka ng mag orange ang stoplight. Hindi naman siya pwede huminto dahil nasa gitna siya ng crossing kaya binilisan niya ng bahagya para mahabol pa din niya hanggang sa makatawid sa kabila.
Nakahinga siya ng maluwag ng makaabot ang sasakyan niya at binalik ang mabagal na pagpapatakbo ng kanyang sasakyan pero agad siyang napasigaw ng biglang may kumalabog sa likurang bahagi na nagresulta ng pagkauntog niya sa sarili niyang steering wheel dahil sa lakas ng impact nito.
Napasandal agad si Ayaka sa upuan habang sapo sapo ang noo niyang nauntog. Nakapreno na din siya agad. Kung di siya nakapag isip agad ay siguradong bangga siya kung saan.
"Ouch!" bulalas niya.
Napatingin si Ayaka sa kanyang gilid ng may kumatok mula sa kanyang bintana. Hindi niya na nakita ang itsura ng mukha nito o kung anong emosyon ang nasa mukha nito dahil iniinda pa din niya ang sakit ng noo niya na nauntog sa steering wheel.
Yung may ari ng nakabanggang sasakyan sa kanya ito for sure.
Halatang halata sa mukha ni Ayaka ang inis at galit na nagbabadyang sumabog mula sa kanya.
Agad niyang binuksan ang pintuan ng kotse niya at galit na lumabas dito para harapin ang lalaking nasa labas.
Haharapin na niya ito ng bigla itong yumuko at humingi ng tawad sa kanya.
BINABASA MO ANG
A night with my Cousin's Fiancee (COMPLETED)
RomansA NIGHT WITH MY COUSIN'S FIANCEE Synopsis Pumayag si Ayaka sa favor ng pinsan na si Aiko na magpanggap on behalf of her para kitain ang prospect for marriage nito. The main goal is to break up the marriage na sisira sa mga plans Ng pinsang niyang si...