FOUR
"So how was he?" tanong ni Aiko kay Ayaka nang makadalaw siya sa pinsan.
Nagkibit balikat lang si Ayaka na parang nagpapahiwatig na wala siyang masabi tungkol sa fiancee ng pinsan niya.
"Don't do that.. you need to tell me everything. Is it working ba? Umayaw na ba siya?" parang batang excited si Aiko na marinig ang mga isasagot ni Ayaka.
Napabuntong hininga muna si Ayaka at humiga. Magkatabi sila sa kama ng pinsan niya. Napatitig siya sa kisame bago magsalita.
"He's asking for a week. If I still don't like him... I mean if you, Aiko will still don't like him, he'll call the wedding off."
"Well....that's a good thing right?" may pagdadalawang isip na pahayag ni Aiko.
Tiningnan tuloy siya ni Ayaka ng 'okay ka lang look?'
"I mean. 1 week lang yun. After that he will be the one calling off the wedding naman. Maliligtas mo pa din ako. You just need to be consistent in that 1 week. Ipapakita mo lang naman na you don't have plans to marry him not after that 1 week nor in the near future." sagot ni Aiko at humiga na din siya sa tabi ni Ayaka. "I know you can do it Ayaka. You're my hope and saviour. If you failed... that's the end of me." malungkot na saad ni Aiko.
Nalipat ang tingin ni Ayaka sa kanyang pinsan. Ngayon lang ito nanghingi ng pabor sa tanang buhay nilang magkasama. Lahat ng favors niya ginagawa nito ng walang angal. Laging si Aiko ang taga salo sa kanya. Kahit ano ginagawa sa kanya ng pinsan. At ngayong ito naman ang nangangailangan, gusto ni Ayaka na matulungan ito kahit anong mangyari.
Buo na ang loob niya. Gagawin niya ito para sa kalayaan na nararapat sa pinsan niya. Sisiguraduhin niyang hindi matutuloy ang kasal nito.
Niyakap niya si Aiko. "I'll save you."
Even if it means risking mine.
*************
Walang ganang pinaglalaruan ni Ayaka ang pagkain sa harapan niya. Kanina pa siya buryong buryo. Eto ang pangatlong beses ng pakikipagkita niya sa fiancee ng pinsan niya.
Sinubukan nilang dalawa ni Aiko na i search sa internet ang lalaking ito kayalang sa sobrang private ng mga business man ngayon for security purposes na din siguro ay wala ni isang imahe ang nilabas ni google kaya tanging imahinasyon na lang ni Ayaka ang nag describe sa itsura ng fiancee ni Aiko.
Hindi naman niya makakaila na talagang gwapo at maskulado ang lalaki. Hindi lang maatim ni Ayaka na sabihin ang magagandang katangian ng lalaki. Baka kasi isipin ng pinsan niyang si Aiko na tipo niya ang fiancee nito.
Nakasuot siya ngayon ng itim na palda na may black stockings sa loob, maiksi kasi ito na parang konting galaw lang niya ay maaring makita ang di dapat makita. Nakashirt lang siya ng itim na merong print na 'I hate you' bagay na bagay sa pinahihiwatig niya sa fiancee ni Aiko. Pero mukhang wala pa din pakielam ang Kennedy Saabedra na ito sa paraan ng pananamit niya. Maski sa pagkilos niya ng parang walang GMRC.
Hindi din ito palasalita at parang mapapanisan na ng laway si Ayaka. Hindi naman sa gusto niya kausapin ito, hindi lang talaga sanay si Ayaka na tumahimik ng matagal.
"Don't you like the food?" ang tanong nito na bumasag ng kanilang katahimikan.
"I don't like you." inis na sagot ni Ayaka with matching pagturo pa niya ng tinidor rito.
Napangisi lang ang lalaki at nagpatuloy sa pagkain. Steak ang nakahain sa harapan nila ngayon. Nasa classy restaurant sila at madalas dito kumakain si Ayaka at ang Kuya niya. Buti na nga lang at hindi siya nakilala ng mga server dito. Dahil na din siguro sa make up at suot niya ngayon.
Malapit na matapos kumain ang lalaki pero ang pagkain ni Ayaka hindi pa halos nababawasan.
"Sorry. Hindi ko forte ang makipag usap habang kumakain." saad nito kay Ayaka ng matapos itong kumain.
"It's fine. I don't want to talk to you anyway." mariing sagot ni Ayaka. Pinaninindigan niya talaga ang pangako niya sa pinsang si Aiko na walang magaganap na kasalan dahil susuko din ang fiancee nito.
Napangiti ito. Kahit ilang beses tumingin si Ayaka sa lalaking kaharap niya hindi niya maikakailang napaka gwapo nito tingnan. Lalaking lalaki ang dating. Walang wala ang mga nakikilala niyang lalaki sa party na lahat mukhang goodtime lang ang hanap.
Samantalang ang kaharap niya ngayong lalaki ay puno ng paninindigan. Kitang kita sa kanya na lahat ng goals niya kayang kaya niyang pagtagumpayan. Bagay na bagay siya maging CEO ng kumpanya. Siguro proud na proud sa kanya ang tatay niya.
Nagulat siya ng tinulungan siya nitong hiwain ang steak na nasa plato niya at tumusok ng isa para isubo sa kanya.
"Please." parang nabuhusan ng malamig na tubig si Ayaka ng marinig niya ang mga salitang iyon na nanggaling sa lalaking kaharap niya.
Hinihintay nito na bumukas ang bibig ni Ayaka para isubo ang kapiraso ng steak na tinusok nito.
Na caught off guard siya kaya bigla na lang din bumukas ang bibig niya para isubo.
Ngumiti ito sa kanya sabay sabi ng, 'good girl'. Biglang nag init ang mukha ni Ayaka sa salitang narinig niya. Umiwas siya ng tingin dito tsaka nginuya ang steak na nasa bibig niya.
Hindi na niya binigyan ng pagkakataon na ulitin ng lalaking yun ang subuan siya kaya siya na mismo ang kumain at agad na inubos ang pagkain sa harapan niya. Napansin naman niya na pasimpleng nangingiti ang lalaki habang pinagmamasdan siya.
Ininom niya ng isang lagok ang tubig sa baso niya at napadighay ng malakas.
Napatawa ang lalaki. "You're int'resting"
"Tss. Well you're not. Pwede na ba kong umalis? Tapos na tayong mag dinner." saad ni Ayaka.
"Sure. Let's go I'll take you home."
"No. Wag na. Kaya kong umuwi mag isa." Pagpipigil ni Ayaka dahil may iba pa siyang lakad.
Tumayo na siya at inabot ang bag niya sa gilid. Nagulat siya ng biglang nasa likod na niya ang lalaki at nakahawak sa bewang niya.
"Wh-what are you doing?" nilingon niya ang ulo niya na halos muntik ng magkadikit ang mukha nila kaya agad umiwas ng tingin si Ayaka.
"Don't move." bulong nito sa may tenga ni Ayaka na nagpataas ng balahibo niya. Ramdam ni Ayaka ang paghigpit ng hawak nito sa bewang nya.
Hindi niya alam pero parang may kung anong spell ang bumalot sa kanya at sinunod niya lang ang sinabi nito.
"Bring my coat. We're ready to go." narinig ni Ayaka na sinabi nito.
Pumasok sa restaurant ang bodyguard nito. Dala nga nito ang coat ng lalaki at lumapit sa kanila.
"Thank you" inabot ng lalaki ang kanyang coat. Mas kinagulat ni Ayaka ang sumunod na ginawa nito. Itinali nito ang sleeves ng coat sa bewang niya.
"I don't want you wearing this kind of clothes again. Are we clear?" Hindi ito galit pero kita sa mga mata nito na seryoso siya at may urge na dapat sundin ni Ayaka.
"O-k." tanging nasagot ni Ayaka.
Ito na naman yung feeling niya na parang kung anong mahika ang ginagamit ng lalaki sa kanya.
***********
BINABASA MO ANG
A night with my Cousin's Fiancee (COMPLETED)
RomanceA NIGHT WITH MY COUSIN'S FIANCEE Synopsis Pumayag si Ayaka sa favor ng pinsan na si Aiko na magpanggap on behalf of her para kitain ang prospect for marriage nito. The main goal is to break up the marriage na sisira sa mga plans Ng pinsang niyang si...