Nakaupo sila parehas sa sofa. Walang umiimik. Walang gustong magsalita. Nakapatong sa harap na lamesa nila ang mga pinamili ni Ayaka.
Ano ba kasing nangyari kanina? Maski sila hindi nila alam. Binalot ng emosyon?
Ah. Emosyon. Napakatinding salita kapag naramdaman na, hindi na napipigilan.
Nilakasan ni Ayaka ang loob na basagin ang katahimikan.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo na may awkward na ngiti sa labi.
"Ah-ano..ayusin ko lang ah." turo niya sa mga pinamili niya.
Akma na niyang dadamputin nang pigilan siya ng binata. Hawak siya nito sa may pulso niya.
"Sorry.... I think I crossed a line...again."
"No! I mean.. a-ano ka ba ok lang yun." awkward na natatawa si Ayaka.
"I woke up... looked for you..but you're gone.. I looked everywhere... I thought you left..for good." hindi ito nakatingin kay Ayaka habang nagsasalita. Nakayuko lang ito na parang iniisip ang mga sasabihin.
"I...I asked you for just a week." this time tumingin na ito kay Ayaka. Nakatingin sila sa mata ng isa't isa na parang gumawa sila ng isang sikretong komunikasyon na sila lang ang nakakaintindi kahit walang salita.
"Can I have your word? That you'll stay here with me?" there's this distinct tone in his voice that made Ayaka's heart starts to beat fast.
She's aware of it and it scares her.
Oh God she failed.
'Aiko I failed. I'm sorry.'
"Y-yes." may kasamang pagtango ni Ayaka.
Nagpalitan ng ngiti ang dalawa. Mga ngiting nagbabadya ng panibagong simula o problema?
***********
Abala si Ayaka sa mga pinamili niya. Masaya siya na mabibigyan niya ng simpleng memory ito. Alam naman kasi niya na una pa lang na hindi na maganda ang ending ng planong ito.
Nandito na din naman siya bakit di pa niya i enjoy na lang ang mga bagay hanggang sa matapos. Hindi naman na ulit sila magkikita ng lalaking ito.
Yes. Matapos ang pinangako niyang araw. Nagdesisyon na siyang sabihin ang totoo dito at tuluyan ng umalis at hindi magpakita pa sa binata.
Hindi niya deserve maloko. At napakabigat sa loob ni Ayaka na kailangan niyang gawin ito. Kaya kahit sa kaunting araw na magsasama pa sila.
Kahit memory ng tunay na Ayaka lang ang maipakita niya, ok na sa kanya. Atleast there is a moment na nagpakatotoo siya.
Ni-ready niya ang mga sangkap ng iluluto niya. Simple pesto pasta lang ang naisipan niyang lutuin. Shrimp ang pinili niyang isahog.
Nagdesign din siya ng mga iilang party decorations.
Buti na lang at pumayag ito na magkulong muna sa kwarto nito habang nag aayos si Ayaka. Kahit naman hindi na surprise ay gusto pa din ni Ayaka na maging special ito kahit simple.
Matapos niyang magluto ay plinating na niya at inayos ang set up sa may kitchen counter. Nilagay niya ang cake na nabili niya sa gitna at tinusok ang nag iisang kandila.
Napangiti si Ayaka ng pagmasdan ang nagawa niya. This is her first time doing this for someone. Kahit kasi sa mga bestfriends niya ay di pa niya ito nagawa. Maski sa pinsan niyang si Aiko.
Di niya din alam sa sarili kung bakit of all people sa lalaking ito pa niya ginawa ang bagay na ito. Knowing nothing about him but a fiancee of her cousin.
BINABASA MO ANG
A night with my Cousin's Fiancee (COMPLETED)
RomanceA NIGHT WITH MY COUSIN'S FIANCEE Synopsis Pumayag si Ayaka sa favor ng pinsan na si Aiko na magpanggap on behalf of her para kitain ang prospect for marriage nito. The main goal is to break up the marriage na sisira sa mga plans Ng pinsang niyang si...