TWENTY FOUR

1.2K 26 9
                                    


"I want more." seductive na saad ng babaeng nakaunan sa topless na dibdib ng lalaki. Nakabalot ang hubo nilang katawan sa puting kumot.

Nakapikit si Kionne habang nakaunan ang kanyang ulo sa kaliwang braso niya. May hingal pa din sa kanyang dibdib. Halatang katatapos lang nila gawin.

Hindi niya sinagot ang saad ng babae.

Nag lean forward ang babae sa kanya, binalak niyang halikan ito ngunit napigil siya ng pagtayo ni Kionne.

"I have to go." saad ni Kionne at kinolekta ang mga hinubad niyang damit.

"What? Are you serious?" hindi makapaniwalang saad ng babae sa kanya habang nakatapis ng kumot ang hubo nitong katawan. Maganda ito, parang may lahi. Maputi at may magandang hubog ang katawan. Makikita sa kanya na hindi siya basta bastang babae na nakukuha kung saan. May 'say' kung titingnan.

"Yeah. Thanks by the way." malamig na saad ni Kionne habang sinusuot ang huling damit niya. Ni hindi man lang siya tumingin sa babae habang nagsasalita siya.

Napatawa ang babae hindi dahil sa tuwa kundi sa pagkadismaya. "Tama nga sila, you're a fucking jerk!" galit na sigaw niya dito.

Hindi sumagot si Kionne. Inabot niya ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table at dumukot ng ilang paper bills sa kanyang wallet tska nilapag sa kama kung saan nakaupo ang babae.

Hindi pa man nakakaalis si Kionne ay hinabol siya ng babae. Napapikit na lang si Kionne ng maramdaman niya ang lapat ng palad nito sa kanyang pisngi.

Lumagutok ang tunog ng sampal sa kanya ng babae.

"Asshole!" sigaw nito sa kanya kasabay ng paghagis nito ng perang iniwan niya pabalik sa mukha niya.

Napahawak si Kionne sa panga niya at napangisi.

Ilang sampal na ba ang natatanggap niya?

Hindi na siya nagsalita at tuluyan ng lumabas sa hotel room. Sinuot niya ang coat niya at inayos ang suot suot na white polo shirt.

Kionne Saabedra, the CEO of Saabedra Group of Companies. They say he's ruthless, serious and has dark charm.

He never beg for anyone's attention.

He always stick to his guts. No attachment needed. No feelings, no problem.

Nakita niya ang reflection sa pinto ng elevator. Inayos niya ang nagulo niyang buhok habang naghihintay magbukas ito.

Tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinagot ito ng hindi tinitingnan ang caller ID.

"I'll be there in 15 mins." saad niya sa tumawag.

"Ok sir. Ms. Aiko is in your office." pagrereport ni Chad na secretary niya.

Napabuntong hininga si Kionne kasabay ng pagmassage niya sa pagitan ng kanyang mga kilay.

Bumukas ang elevator at pumasok na siya sa loob habang kausap ang kanyang secretary na si Chad sa cellphone.

"What does she want?" iritang saad niya.

Bago pa man makasagot si Chad ay boses na ng babae ang sumagot ng tanong ni Kionne.

"I'm visiting. I'm with Kade." sagot nito kay Kionne kasunod ng isang boses ng bata na pinipilit makuha ang cellphone sa mga ito.

Nagbago ang tono ng boses ni Kionne ng ang boses ng bata na ang narinig niya sa kabilang linya.

"Hey buddy." masayang saad niya.

Pinakinggan lang ni Kionne ang walang katapusan na kwento ng bata sa kabilang linya hanggang sa makasakay siya sa naghihintay na kotse niya sa baba.

"Hey bud. See you later ok? I'm going to drive so I need to end this call."

*****************

"Sir, pasensya na po talaga. Hindi ko po sinasadya na makaidlip. Alam ko pong napakadelikado ng nagawa ko."

"Ok ka lang ba?" may pag aalala sa boses ng nito.

"Opo sir. Pero po nabasag at nayupi at may gasgas po yung kotse." hindi makatingin na sabi ng driver.

"Eh yung nabangga mo kamusta? Dapat dinala mo dito para macheck up ko."

"Bale sir, binigay ko lang po ang numero ko at nagbigay naman po siya ng business card sakin. Eto po. Mukha din po kasing may hinahabol siyang oras." inabot ng driver ang business card sa doctor.

Tiningnan ni Doc Kennedy Saabedra ang business card na inabot ng kanyang Driver. Ayaka...Sanchez. Her name sounds familiar to him.

"Sige Kuya Fred, I'll make sure na ok siya. I'll call her. Take this day off. Be sure to get some rest."

"Pero sir. Kayo po.."

"I'll manage. Iidlip lang ako sa quarter's bago pumunta sa next hospital. I'll be fine. Sige na ho."

"Thank you sir."

Lumabas na ng doctor's office ang driver ni Kennedy. Tiningnan niya ulit ang maliit na piraso ng papel na hawak hawak niya.

Sinubukan niyang i dial ang number na nasa business card pero mukhang hindi pa oras para tawagan niya ito dahil work hours pa.

Tapos na din ang shift niya at ngayong umaga lang siya makakauwi. Parati namang busy ang shift ng mga kagaya niyang doctor. Halos wala ng oras ng pahinga. Pero kahit pagod patuloy pa din sa serbisyo dahil may sinumpaang pangako.

Hinubad na niya ang doctors coat na suot suot niya. Pupunta pa pala siya sa isa pang hospital para magcheck ng iba pa niyang mga pasyente.

Halos maglilimang taon na din siya sa larangang ito at hindi niya pinagsisihan ang pagpasok dito.

Hindi man naging maganda ang unang pag amin niya sa kanyang ama sa naging desisyon niya pero unti unti na din nitong natanggap at masaya siya na magawa ang gusto niya talagang gawin.

Alam niyang hindi mali ang desisyon niya dahil nandyan ang kapatid niyang si Kionne para mapatakbo ang kanilang kumpanya ng mas maayos at successful.

Nakuha nila ang gusto ng bawat isa. Natuloy niya ang pangarap maging doctor at si Kionne naman ang nagpapatakbo ngayon ng kumpanya. Ngunit di pa din maiwasan ni Kennedy na mag alala para sa nakakabatang kapatid.

Alam niya ang kumplikasyon na napasok nila limang taon na ang nakakalipas. Nagkaron ng aberya na naganap. Twisted fate kung iisipin ni Kennedy. Mapaglarong tadhana. Kaya hanggang ngayon di maiwasang isipin ni Kennedy kung paano makakabawi kay Kionne.

Siya naman talaga ang nag udyok dito sa set up na nangyari 5 years ago. At sa mga sumunod na rebelasyon at pangyayari na naganap nuon. Kaya ng makita niya ang pagbabago sa ugali ni Kionne ay half of it ay isinisisi niya sa sarili niya.

Nagkaroon siya ng magandang result sa plan nila, samantalang pagkabigo at sakit ang naidulot niya sa kapatid.

If only that girl will re appear again.

A night with my Cousin's Fiancee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon