ONE
Naalimpungatan si Aiko ng may kung anong bumato sa glass door ng kwarto niya. Napatingin siya sa alarm clock na nasa table katabi ng kama niya.
Alas tres ng madaling araw.
Napabalikwas siya ng may sumunod na bato ang tumama sa glass door niya.
Hindi siya kinabahan o natakot. Alam na niya kasi kung sino ang bumabato sa glass door niya.
Hinawi niya ang kurtina at ini-unlock ang glass door niya. Sumalubong sa kanya ang malamig na ihip ng hangin at liwanag ng buwan.
Sumilip siya sa kanyang veranda at sa baba nun nakita niya ang kanyang pinsan na si Ayaka.
Nang makita siya nito ay parang batang ngumiti at kumaway kaway ito sa kanya. Halatang galing na naman ito sa pagwawalwal.
"Ai-ko!!" sigaw nito.
"Ssh! Ano ka ba! Marinig ka nila Daddy." saway ni Aiko sa kanyang pinsan.
"oopsh..hihi.. sarreh.." sabi nito sa lasing niyang boses.
Pagewang gewang na din ito hanggang sa tuluyan na siyang napaupo sa damuhan.
"Aish! Ayaka..tumayo ka nga." pabulong na sigaw ni Aiko.
Agad agad na pumasok ulit si Aiko sa kwarto niya. Kinuha niya ang nakatagong tali na ginagamit ni Ayaka para makaalis tuwing gabi.
Tinali ng mahigpit ni Aiko sa kanyang veranda ang lubid tska niya binato pababa.
Kahit lasing ay nagawang mahawakan ni Ayaka ang lubid. Sanay na siya sa paggamit nito. Kahit lasing siya ay kaya niya pa ding buhatin pataas ang sarili.
Tinulungan ni Aiko na makaakyat ng tuluyan si Ayaka.
Napayakap pa si Ayaka kay Aiko dahil sa sobrang kalasingan nito.
"Thankhs" lasing na saad ni Ayaka.
Inalalayan ni Aiko si Ayaka hanggang sa pagpasok sa kwarto. Dahil sa kalasingan nito ay sumalampak na ito sa kama ng walang palit palit ng damit.
Napabuntong hininga na lang si Aiko habang pinagmamasdan ang kanyang pinsan.
Hindi na bago sa kanya ang ganito. Ayaka is Ayaka. A wild bird. Lahat ng gusto niya nagagawa niya. She's free.. unlike Aiko.
Naisip ni Aiko kung kagaya din sana siya ni Ayaka. Siguro masaya siya ngayon. Maraming friends. Nakakapunta kung saan saan. Nagagawa yung mga gusto. Pero hindi eh.
Hindi siya gaya ni Ayaka na malakas ang loob tumaliwas sa mga batas.
Siguro hanggang panuod na lang siya sa mga nagagawa ni Ayaka. Ganun naman simula pagkabata eh. Nasanay na din siya.
Tinulungan niyang hubarin ang suot suot na high heels ng pinsan niya. Inayos niya ang pagkakahiga nito at kinumutan.
Nagready na siya ng glass of water at biogesic para dito dahil sigurado paggising nito bukas ay may napakatinding hangover.
***********
"Gising na sleepyhead." gising ni Aiko sa pinsan niya.
Napakunot lang ng noo si Ayaka at unti unting binuksan ang kanyang mata.
Sobrang sakit ng ulo niya na parang binibiyak.
"Aaassh" pagrereklamo niya sa ulo niyang masakit.
"Breakfast will be serve soon. Tara na bago pa tayo puntahan ni Dad." aya ni Aiko.
"Pass muna ako. I feel sick." Sabi nito habang nararamdaman na ang pagsusuka.
"Na-uh. Dad will question me about you. Nag sleepover ka lang nagkasakit ka na?"
BINABASA MO ANG
A night with my Cousin's Fiancee (COMPLETED)
RomanceA NIGHT WITH MY COUSIN'S FIANCEE Synopsis Pumayag si Ayaka sa favor ng pinsan na si Aiko na magpanggap on behalf of her para kitain ang prospect for marriage nito. The main goal is to break up the marriage na sisira sa mga plans Ng pinsang niyang si...