TWENTY FIVE

1.1K 25 8
                                    

"Mamaaaa!" bungad na bati sa kanya ni Haru nang makapasok na siya sa bahay.

Nadatnan niyang kumakain na ito ng dinner. 7pm na pala di niya namalayan ang oras.

Niyakap siya ni Haru sa both legs. Umupo si Ayaka para mapantayan ang height ng anak.

"I miss you Haru." hinalikan niya ito sa magkabilang pisngi at sa noo.

"I miss you too Mama." masayang masaya na sabi nito.

Humawak ito sa kamay ni Ayaka at naglakad sila pabalik sa dining area.

"Goodevening po Mam Ayaka. Kamusta po ang unang araw?" tanong ni Aling Mila.

Bahagyang ngumiti si Ayaka pero bakas sa mukha niya ang pagod. "Overwhelming" maikling saad niya.

Pinabalik niya si Haru sa inuupan nito kanina para ituloy ang pagkain. Nag vibrate ang cellphone niya. Tsaka niya lang napansin na napakarami ng missed calls at chats. Galing sa Kuya niya at kay Charles, may unknown number din.

"Hello Kuya?"

"Baby girl. How was you first day?" alam ni Ayaka na nakangiti ang Kuya niya. Halata sa boses nito.

Gusto na niyang sabihin na ayaw na niya. Mag qu-quit na siya. Pero pumasok sa isip niya ang itsura ng Kuya niya nung nag uusap sila sa Ospital. Kung gaano na kabigat ang nararamdaman nito.

"Ok lang."

"Are you sure? Kung nahihirapan ka, just tell me okay?"

"No. Kuya. Kaya ko to ano ka ba. Compare naman sa posisyon mo sa kumpanya. Ang dami mong shino-shoulder. Magrereklamo pa ba ko?"

Napatawa ng bahagya ang Kuya niya. "Thanks Ayaka, for doing this. I feel somehow relieve knowing that you're helping me run this company."

"Kuya, I'm a mere employee no. Wala pa nga ko nagagawa."

"Don't say that. Whatever you are doing, it's for the company. The company functions because of the people in it."

"Yeah. Sorry for saying that. I'll keep that in mind. I'll do what I can." pagpa-promise ni Ayaka.

Nag usap pa sila ng ilang minuto tungkol sa kalagayan ng kanilang Ama.

Tinapos nila ang usapan sa balita ng Kuya niya.

"Aiko is back. Baka gusto mong makipag kita sa kanya. She's looking forward to see you."

**********

Is she ready to meet her cousin? Nung nagdesisyon siyang iwanan ang Pilipinas, tinalikuran niya ang lahat ng taong malapit sa puso niya. Ayaka felt guilty for everything.

Nandun lagi yung guilt. Hindi nawawala kahit ilang taon na ang nakalipas.

She's too ashamed to face her cousin knowing that she is keeping something from Aiko. Wala siyang balak sabihin kay Aiko kung ano bang nangyari sa kanya sa loob ng limang taon. Ayaka is too afraid that she might break something from Aiko's life.

If only they will never cross path. Pero imposible yun. Tinapak pa lang ni Ayaka ang paa niya sa airport ay biglang lumiit ang mundo niyang ginagalawan.

She knows, one of these days, she will cross paths again to the people she turned her back to five years ago and revelations will soon erupt like a volcano.

At hindi alam ni Ayaka kung paano pa niya pipigilan ang dala dala niyang pagbabago.

********************

"Kionne Saabedra is here!" pabulong na saad ng isang babae sa kaibigan niyang babae.

Sinundan ng mga mata nila ang matipunong lalaking naglakad sa harap nila.

His charm can never be missed. Every woman in this club knows him. This 'one night beast in the bed', they marked him as. Isang gabing hindi mo pagsisisihan pero wag kang aasa kasi di na mauulit.

One day wild dream, kung pag usapan ng iba. Halos lahat ng kababaihan naglalaway sa lalaking yan. Temptation na gusto mong tikman pero di mo maangkin. According sa usap usapan tungkol kay Kionne Saabedra, hindi siya basta basta pumapatol sa babae. May parang standards daw itong sinusunod. Dapat maputi, dapat mahaba ang buhok, dapat hindi ganun kapayat, hindi kataba, dapat sexy at maalindog. Halos magkakahawig daw ang naikakama nito. Hindi naman nila masigurado kung tama nga ang mga hinuha nila. Pero once na umalis ng bar na to si Kionne ay ganun ang mga tipo ng babae ang kasama niya.

Umupo sa madalas na pwesto si Kionne sa bar counter. Hindi na siya nagsalita at inabot na ng bartender ang madalas na iniinom niya.

Gusto ni Kionne ang lugar na to, hiwalay ang dance floor na maingay sa gusto lang mag chill. May mahinang tugtog sa kung saan siya madalas umupo.

"Hey Kionne!" sabay tapik ng isang lalaking naka business suit ng makita siya sa counter.

"Long time no see!" dugtong na saad pa nito.

Tumango lang si Kionne at uminom sa baso ng alak na hawak niya sa kamay. Nakasandal siya sa bar counter at nakatingin sa mga taong nakatayo sa paligid na may sariling diskusyunan.

Umupo sa katabing upuan ang lalaking kumausap kay Kionne.

"Man, remember Margaret?" bungad na usapan nito.

Kumunot ang noo ni Kionne. Triny niyang alalahanin pero nakakatawa lang di naman niya matandaan ang mga babaeng nami-meet o naikakama niya.

Napatawa ang lalaki sa naging reaksyon ni Kionne. "Nevermind."

Muli silang natahimik at nagmasid lang sa paligid. Tumunog ang cellphone ng lalaki at agad naman niyang sinagot ito.

"Hey" bungad na saad niya sa tumawag.

Ilang segundo din nang bigla siyang tumingin kay Kionne na parang ang sinasabi ng babae ay para kay Kionne.

"Uhm. Just a second Marg." sabi niya sa kausap sa phone. Tinakpan niya ang mic ng cellphone at bumulong kay Kionne.

"Man, Margaret is asking if you're here. Should I tell her?"

Napatingin sa kanya si Kionne mula sa basong iniinom.

"I don't know her." malamig na saad nito matapos tunggain ang alak na nasa baso niya. Tumayo siya at naglakad patungo sa isang babaeng kanina pa niya pinagmamasdan.

Nakatalikod ang babae sa kanya. Kionne locked the target already. Hanggang bewang ang buhok nito, nakasuot ng black fitted dress. Her skin is white and soft. She looks like her from behind.

Lumingon ang babae sa direksyon ni Kionne dahil na din sa pag udyok ng mga kasama niyang kaibigan. Unti unting nag back off ang mga kasama ng babae na may nakakalokong ngiti.

Duon lang nakita ni Kionne ang itsura ng babae.

It's not her.

She's not her.

A night with my Cousin's Fiancee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon