"Sir, at 10am you have a meeting with Mr. Carlos. At 11am the board meeting will start. By 12:30, the marketing team from RJ corp will be here to present their proposal. 2pm meeting with Hans Inc. 3pm with Mr. Chua. 4pm site visit. By 6pm family dinner--"
"Tell them I can't make it." pinutol ni Kionne ang pagsasalita ni Chad na secretary niya.
"Ms. Aiko personally made an appointment sir."
"Cancel it." mariing sagot ni Kionne dito.
Nagbabalak pang sumagot si Chad ngunit pinigilan na lang din niya ang sarili. Ilang taon na silang magkatrabaho ni Kionne at kilala na niya ito. Never naman kasi talagang umattend sa family dinner si Kionne. Ilang beses na din nagpa appointment ang asawa ng kapatid nito pero hindi niya pinupuntahan.
Madalas magO- overtime sa trabaho na halos di na umuuwi ng bahay niya si Kionne.
Binura ni Chad ang appointment na nakasulat sa kanyang maliit na notebook.
"6pm onwards no schedule sir." sabi niya dito.
Nakaupo ito sa kanyang table, busy tumingin sa mga papeles na kailangan niyang icheck at pirmahan.
"Thank you Chad." saad nito na hindi man lang tumitingin sa secretary.
Cue na yun na lalabas na dapat ng opisina si Chad pero nanatili siyang nakatayo sa harap ng table ni Kionne.
Napansin ni Kionne na hindi lumabas si Chad kaya napatingin siya dito mula sa tinitingnan niyang mga papeles.
"Sir, the informant told me that she's back here." saad nito kay Kionne.
Hindi agad nakapagsalita si Kionne. Alam niya. Nakita niya. So hindi siya nag iimagine ng gabing yun. Ilang taon na ba niyang pinapahanap ang babaeng yun? Dumating pa sa punto na nagpakuha siya ng informant para hanapin ito.
"Y-yeah.. I know." maikling sagot niya, napahigpit ang hawak niya sa ballpen na nasa kamay.
Bahagyang nagulat si Chad sa naging sagot ni Kionne. Pero minabuti niyang hindi na pahabain ang usaping ito. Alam niya kung ilang taon ginugol ni Kionne para lang mahagilap ulit ang babaeng yun. At sobrang pagbabago ang hinatid nito sa dating Kionne.
"I'll take my leave sir, I'll be out in my table." saad niya dito at lumabas na ng opisina.
Ilang taon ng nagtatrabaho si Chad sa kumpanyang ito. Ilang taon na din niyang kilala si Kionne. Hindi naman nalalayo ang edad nila. Kung dati ay seryoso at napakailap sa tao ni Kionne, nasaksihan ni Chad kung paano ito nabago simula ng malaman niya ang tungkol sa babaeng yun.
After 3 months na pagkukulong ni Kionne sa sariling condo ay bumalik ito sa opisina na ibang iba. Seryoso pa din ito sa trabaho pero naging laman ito ng iba't ibang bars. Halos gabi gabing napapatawag si Chad sa mga bars para sunduin ang lasing niyang boss. Hindi niya pa alam ang totoong istorya bakit naging ganun na lang ang boss niya. After 10 months tsaka niya lang nalaman ang lahat ng magpapakasal na ang nakakatandang kapatid ni Kionne.
They were caught up by their own tangled plan. Parang naging back at you ang naganap. Pero si Kionne lang ang na caught off guard at na trap sa planong sila naman ang may gawa.
Good thing for his older brother pero for Kionne, he was so devastated. He was caught off guard sa nangyari. Di niya inaasahan na yung plano nila magba bounce back sa kanya. Worst he fell from that trap.
Truth were revealed before the marriage. Hindi din natanggap ni Kionne na kung paano nila plinano ng Kuya niya ay ganun din ang ginawa nito sa kanila. Sabi nga, what goes around comes around. Di lang talaga inasahan ni Kionne.
His older brother and the "real girl" met in med school. Tingnan mo nga naman maglaro ang tadhana. Sila naman talaga dapat ang magtatagpo pero sa hindi malaman na dahilan ni Chad bakit kinailangan pa nilang isali ang dalawang taong wala naman kinalaman sa kanila. Ganun talaga siguro ang buhay, may dapat munang mangyari na twist.
Napabuntong hininga na lang si Chad sa mga nangyari. Wala naman siya magagawa, isang hamak na tagasubaybay lang siya ng buhay nila.
**************
"Sorry talaga Ms. A. *cough* Alam kong ang usapan na natin kami na lang ni Maricel ang mag pre-present ng proposal *cough*. Di ko naman akalain na ngayon pa ko *cough* magkakasakit." saad ni Rachel mula sa telepono.
Tumawag ito ng maaga sa opisina para ipaalam na hindi siya makakapasok dahil may trangkaso ito.
Napakagat na lang sa labi si Ayaka. "I understand Rachel. Don't worry. Magpagaling ka na lang okay?" saad ni Ayaka dito.
"Sorry talaga Ms. A." sagot nito na may kasamang pag ubo.
"Magpahinga ka na. I'll try to call Theo na lang."
"Naku Ms. A. I tried calling Theo na din. Para sana siya na lang ang sumama kay Maricel. But unfortunately, Theo can't make it on time. Nasa Ilocos pa po siya manggagaling kung sakali."
Napapikit na lang si Ayaka at napahawak sa ulo. Bakit kasi when everything is planned bigla na lang may darating na circumstances na ganito. Kinausap niya ang team niya last meeting. Hindi naman sa talagang iniiwasan niyang makipag meeting with the SGC CEO, at the back of her head siguro, pero she doesn't want to expose herself that much lalo na at substitute lang naman siya for the meantime. Kaya she decided na, for exposure good, sila Maricel and Rachel na lang ang magpre-present dahil si Theo nagrequest ng leave on that day because of family matters.
But this time, she has no choice but to face the reality. In the back of Ayaka's head di naman niya tinatanggi sa sarili na malaki ang chance na mag ku-krus at mag ku-krus ang mga landas nila. Pero hangga't maari ayaw niya itong mangyari. Mapaglaro lang talaga ang tadhana at kahit ano man ang gawing mong iwas, mangyayari ang dapat mangyari.
*******
"Ms. Ayaka okay ka lang ba?" pag aalalang tanong ni Maricel.
Simula kasi ng nasa sasakyan sila ay napansin niyang parang wala ito sa sarili.
"Ms. A?" tanong niya ulit dito. Nakasakay na sila sa elevator papunta sa CEO's office. Nakatitig lang kasi ito sa numerong nagfla-flash sa elevator.
Bumukas ang pinto ng elevator pero di gumalaw si Ayaka. Para itong napako sa kinatatayuan niya.
"Ms. A. We're here." saad ni Maricel malapit sa tainga ni Ayaka.
Dun lang parang natauhan si Ayaka at tiningnan ang bukas na elevator.
Dahan dahan siyang lumakad at tinapak ang mga paa palabas ng elevator, isang mahabang hallway ang sumalubong sa kanila.
Napahinga ng malalim si Ayaka.
Wala ng reason to walk away. No reason to run and turn her back once again. This time she must face it....
After 5 years...
She
will
see
him
again.
BINABASA MO ANG
A night with my Cousin's Fiancee (COMPLETED)
RomanceA NIGHT WITH MY COUSIN'S FIANCEE Synopsis Pumayag si Ayaka sa favor ng pinsan na si Aiko na magpanggap on behalf of her para kitain ang prospect for marriage nito. The main goal is to break up the marriage na sisira sa mga plans Ng pinsang niyang si...